Philippine Women's Suffrage Day
April 30, 2022
April 30, 2022
Ngayong araw, ginugunita ang Women’s Suffrage Day bilang pagbabalik-tanaw sa pagpapalawig ng karapatan sa pagboto ng mga kababaihang Pilipino. Ang layunin nito ay bigyang daan ang mga kababaihang Pilipino na manumbalik ang kanilang adbokasiya at suporta para sa malaya at tapat na halalan, at ituloy nang may higit na sigasig ang kanilang mga pagsisikap tungo sa nasimulang pakikipaglaban sa karapatang makaboto. Kung babalikan, nilimitahan ng 1935 Philippine Constitutional Convention ang karapatang bumoto para sa mga lalaking mamamayan lamang dahil nakasaad din dito na walang popular na kahilingan para sa karapatan sa pagboto ng mga kababaihang Pilipino at ang pagbibigay ng karapatan sa pagboto sa mga kababaihan ay makakasira lamang sa pagkakaisa ng kani-kanilang pamilya.
Ang Presidential Decree No. 2346 ang nagbigay sa mga kababaihang Pilipino ng karapatang bumoto at maboto. Ito ay napanalunan sa pamamagitan ng isang pambansang plebiscito kung saan nakakuha ang panukala ng 444,725 o 90% na boto ng pagsang-ayon. Dahil dito, isa ang Pilipinas sa kauna-unahang nagbigay ng karapatan sa mga kababaihan sa buong Timog-Silangang Asya.
Ang pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay isang naging mahirap na laban, na pinangunahan ng mga Pilipinang aktibista mula sa unang bahagi ng ika-20 siglo. Bagama't pinagkalooban ng bahgyang parte ang mga kababaihang Pilipino noong Philippine-American War, hindi pa rin sila binigyan ng puwang sa mga bulwagan ng kapangyarihan kung saan ginagawa ang mga desisyon. Ang paguugat ng laban at karanasan ng mga kababaihan ay nakakabit sa relasyon nito sa naging mahabang pakikibaka ukol sa karapatang makaboto at maboto. Binubuksan nito ang usapin ng nasabing karapatan na magtamasa ng mga layunin na nagdudulot ng kung paano hinuhubog o sinisiil ng karapatang ito ang kapangyarihan ng mga kababaihan na magkaroon ng malaking espasyo sa larangan ng pulitika.
Sa paggunita sa makasaysayang kaganapang ito, ipagpatuloy natin ang panawagan para sa mas mataas na partisipasyon ng kababaihan sa pulitika at proseso ng eleksyon. Tandaan na ang mga kababaihan ay may kapangyarihan din na baguhin ang kinabukasan ng susunod na henerasyon at magbigay daan para sa isang inklusibo at mas progresibong Pilipinas. Ito ay isang patunay na ang pag-alam sa mga karapatan ng kababaihan at pakikibaka para sa mga ito ay nagbubunga hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon ng lipunan, kundi pati na rin sa mga susunod pa. Tungkulin nating lahat na huwag sayangin ang karapatang ipinaglaban.
MGA SANGGUNIAN
Gonzales, Cathrine. 2020. “Celebrating 83 years of women’s suffrage in the Philippines.” Inquirer Net.(https://newsinfo.inquirer.net/.../celebrating-83-years-of...).
National Commission for the Culture and Arts. 2003. “In Focus: A Celebration of Herstory: Filipino Women in Legislation and Politics.” Republic of the Philippines. (https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/in-focus/a-celebration-of-herstory-filipino-women-in-legislation-and-politics/).