ACLE Forum 2013
Himig ng Masa, Kanta ng Paglaya
Songwriting X Society
August 29, 2013 | PH 130
August 29, 2013 | PH 130
SPEAKERS
Yumi Lacsamana and Thyro Alfaro
Winners of PhilPop Songwriting Competition
Bullet Dumas
Accomplished Songwriter
Nilalayon ng ACLE na ito na tuklasin ang mga makabuluhang koneksyon ng pagsusulat ng mga kanta sa mga magkakahawig na karanasan ng mga mamamayan sa lipunan. Bilang pagkilala sa mahalagang prinsipyo ng imahinasyong sosyolohikal ang pagkrus ng landas ng kuwentong buhay/biography at kuwentong bayan/history, nilalayong ilahad ng ACLE na ito ang mga dimensiyon ng mga kanta na naging patok sa lipunan: ito ba ay dulot ng mga mensahe ng kanta na isinasapuso ng karamihan, mga alaala na idindulot habang pinapatugtog ito o ang makahulguan ngunit malalim na iba’t ibang interpretasyon? Magbibigay linaw dito ang mga itatampok na panauhin—mga tinuturing na bihasa na sa industriya ng Pilipinong Musika at nakilala sa mga kantang nagpaalab, nagpaiyak at nagpasaya sa ating mga kababayan.