Araw ng Kalayaan
June 12, 2022
June 12, 2022
PATULOY NA IPAGTANGGOL ANG KALAYAAN!
Ngayong Hunyo 12, ating iginugunita ang Araw ng Kalayaan na nagmamarka sa makasaysayang paglaya ng Pilipinas mula sa mga mananakop na nagnakaw ng karapatan, kalayaan, at identidad ng ating bansa. Mahalagang maunawaan na ang ating kalayaan ay bunga ng rebolusyonaryong pagmomobilisa at pagkikilos. Sa kasalukuyan, ito ay katumbas sa kapangyarihan ng pagprotesta laban sa pasistang pamumuno.
Sa pag–upo ng anak ng diktador, muling nasusubok ang matagal nang ipinagtatanggol nating kalayaan. Higit kailanman, mas lalo dapat nating ipaglaban ang katotohanan at tutulan ang pagbabaluktot sa kasaysayan. Kaya naman, kasama ang Kalipunan ng mga Mag-aaral ng Sosyolohiya sa pagtaguyod ng demokrasya. Bilang mga sosyologo ng bayan, mahalagang manataling magmatiyag at paghangad sa tunay na kasarinlan.