Mayo Uno 2022
May 1, 2022
May 1, 2022
Taas-kamaong pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng manggagawang Pilipino!
Utang natin sa mga uring manggagawa ang mga pangaraw-araw na ikinabubuhay natin. Mula sa kanilang pawis at lakas-paggawa, sila ang pwersang nagpapatakbo ng ekonomiya mula sa ating mga tahanan, mga sakahan, pabrika, at iba pang industriya. Kaya naman, marapat bigyang diin at kilalanin natin ang kahalagahan ng papel na kanilang tinatanganan para sa ating Bayan.
Bilang pakikiisa sa pandaigdigang araw ng mga manggagawa ngayong Mayo Uno, tumitindig ang UP KMS, kasama ang malawak na hanay ng manggagawa, upang lalo pang patingkarin ang mga panawagang: itaas ang minimum wage, pagbibigay prayoridad sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa lalo na sa kanilang mga trabaho, pagpapatanggal sa kontraktwalisasyon at rice tarrification na nagpapahirap sa mga manggagawa at magsasaka, at pagpapaigting ng kanilang karapatan sa pag-uunyon. Dahil sa patuloy na panunupil sa mga manggagawa ay katumbas na paghihirap rin ng ating mga mamamayan.
Kaya naman, bilang mga sosyologo ng Bayan, tuloy-tuloy ang ating panawagan: uring manggagawa, hukbong mapagpalaya!