BAKIT BAWAL SA BAKLA?
Nakakabahalang imbes na mapagaan ang bigat at kahihiyang nararamdaman ng mga mag-aaral sa pagpasok sa eskwela bilang isang LGBTQIA+, mas lalong nilason ng pagiging bulag ng Discipline Officer na si Maria Conception Aglibut, ang kagustuhan ng isang mag-aaral na ipahayag ang kanyang sariling pagkakakilanlan sa anyo pananamit. Hindi maitatanggi na mas naging bukas ang institusyon sa gender equality, subalit hindi naman sila naging makatotohanan sa kanilang adbokasiya na tutulong sa mga estudyanteng LGBTQIA+ upang makapag-aral nang ligtas at komportable.
Pinuntirya ng isang mag-aaral ng senior high school department, Angela May C. Sansaet, ang cross dressing sa University of Batangas na nakapaloob sa ilalim ng Gender Responsive Basic Education Policy (No. 32, s. 2017), kung saan ang mga guro at estudyante ay nararapat igalang at payagang magbihis ayon sa kanilang pagkakakilanlang pangkasarian. Sinuportahan din ng Chief Executive Office ng Secure, Contain, Protect (SCP) na sinabi na ang mga karapatan ng bawat bata sa pagkakakilanlan ng kasarian at kalayaan sa pagpapahayag ay protektado ng Convention on the Rights of the Child. Samantala, hindi pa rin malinaw sa institusyon ang mga panukalang ito nang pigilan ng DO si Sansaet sa cross dressing at iginiit pang mas bagay sa kaniya ang maging babae.
“Noong binanggit ng mga teacher na puwede raw magsuot ng uniform kung saan tayo comfortable, I was very happy. Naisipan ko kaaga na mag-apply since nakita ko rin na may pinayagan na cross dressing. I was disappointed lang na when I tried to apply I was invalidated sa mga reasons nila kung bakit hindi raw puwede iyon sa akin,” saad ni Angela tungo sa hangaring winasak ni Bb. Aglibut.
Bago pa man makapasok ng senior high school ang mag-aaral, sinubok na ng junior high school ang kanyang hangaring matanggap ng komunindad. Nakakabahalang tila kulang pa ang isang kahig, isang tuka para kay Sansaet na ginawa ang lahat ng pagsubok para lamang ipaglaban ang kaniyang kaso sa Discipline Officer Office para makaabot ito sa Office of the Principal na giniba lamang ni Bb. Aglibut sa lahat ng paraan.
Sa kabilang banda, natutukan ng masa ang isang kaso ng mag-aaral na tanyag sa larangan na volleyball ang pinahintulutan ng pamahalaan na magcross dress. Ang nasabing mag-aaral ay kamag-anak ng punong-guro kung saan nakakuha ng pahintulot ang mag-aaral na magsuot ng unipormeng komportable para sa kanya. Dagdag pasakit ang kaalamang ito para sa mga mag-aaral na naghahangad na magkaroon ng pagkakataon sa cross dressing policy.
“Ang unfair din kasi pinayagan yung isang student tapos ako hindi and then they said stop comparing myself to that student daw and I felt belittled din kasi pareho lang naman namin mag-express ng sarili pero hindi ko magawa ‘yun,” dagdag pa niya.
Sa ipinakitang kalapastanganan ng dalwang taong nasa mataas na posisyon, hindi na nakagugulat na marami pa silang adbokasiyang ilalabas na hindi naman nila paninindigan. Kung ang pagsasabi ng matatamis na salita para sa university principal, Dr. Augusto C. Africa, ay kaniyang talento, hiyang naman ang nasa ilalim niyang DO sa pagkitil ng kumpiyansa sa sarili ng mga estudyanteng LGBTQIA+.
Namamayagpag sa pananaw ng mga mag-aaral ang nasabing inclusivity na sinusubukang payabungin ng punong guro sa lahat ng sulok ng institusyon ngunit kung ganito ang kanilang sistema, na may koneksyon sa may rangko ang makapagpahayag ng pansariling pagkilanlan nang komportable ay ang mga kabahagi ng LGBTQIA+ ay hindi na susubok na makiisa sa kanilang pekeng adbokasiya at sa halip ay bilang boses ng komunidad patuloy isisigaw ang nararapat para sa lahat nang may pagmamalaki.
John Elijah Gabrielle Bunquin
Hannah Konstanza Ada
Aldred Sky Abando
Yoesha Grace Velasco