l AGHAM & TEKNOLOHIYA
Dustin Echizen Del Mundo
Ang paaralan, itinuturing na pangalawang tahanan ng mga mag aaral. Sa paaralan, itinuturo ang mga kaalaman na huhubog sa isipan at karunungan ng isang batang mamamayan. Kadalasan, sa paaralan, malaya ang mga mag aaral. Pero hindi pa rin matatakasan ang mata ng mapanghusgang lipunan, hindi pa rin ito makakalaya sa kadena ng pag aasam ng pamilya sa tahanan. At kung minsan, para sa karamihan, ang paaralan ay minsang nagmimistulang kulungan. Kulungan ng kahirapan sa pag-aaral. Kulungan na ang tanging paraan upang makalaya ay ang karunungan.
Sa kasalukuyan, ang salitang ‘academic pressure’ ay maririnig sa karamihan ng mga mag aaral. Ito ang sitwasyon kung saan ang isang mag aaral o estudyante ay nakararanas ng ‘psychological discomfortness’ o ang problema na nararanasan ng isang estudyante mula sa kanyang akademikong pag aaral. Bawat mag aaral, walang takas sa bangungot ng sitwasyong ito. Problemang maaring magmula sa loob mismo ng silid-aralan, sa gitna ng komunidad, at maging sa loob ng sariling tahanan. Sa murang edad, maari ng makaranas ng academic pressure ang isang mag- aaral. Kadalasan, ang pinakamurang alaala kung saan mula ang problema, ay sa loob ng tahanan. Mula sa mga magulang na nag aasam ng kagalingan sa akademikong larangan. Ang komunidad, walang takas sa mapanghusgang tingin sa mag aaral, at mga inaasam ng mga taong ang tanging ginagawa ay ang magbigay ng istandard ng kahusayan sa lipunan.
Maging sa loob ng silid aralan, ang pagkaranas ng pagkakaroon ng kompitensya sa ibang kasamahan at paghahambing sa sarili mula sa ibang kaklase na mayroong epesyal na kakayahan. Ayon kay Doctor Carl Reman Maranan, University Councilor at miyembro ng Counseling and Psychological Wellness Center ng University of Batangas (COPWELL), madaming aspeto ang maaring magdulot ng academic stress o academic pressure. Isa dito ang mataas na pag aasam ng mga guro o ang pagkakaroon ng ‘unrealistic expectation’. Ang mataas na istandard o pagtingin ng mga guro sa mga estudyante ay isa sa mga pangunahing daing ng mga mag aaral at ang madaming bilang ng mga aktibidad at gawain na ipinapagawa ng mga guro. Para kay Carl John C. Garcia, estudyante ng University of Batangas Senior High school ”tuwing marami kaming naka assign na gawain, nahihirapan din kami imanage lalo na’t may mga subjects na kailangan ng matinding preparasyon at minsan naiiwan yung ibang gawain na kailangan ding matapos”.
Ang pagkakaroon ng sabay-sabay na gawain ng mga mag aaral ay ang nagsasanhi ng pagkaroon ng weakness of character o ang pagkakaroon ng mentalidad na hindi kayang gawin lahat ng mga gawain lalong lalo na kung limitado lamang ang panahon. Batay kay Dr. Maranan, maraming maaring kahantungan ang academic pressure. “Una ang stress, lahat ng tao nakakaranas ng stress, sa school man o sa bahay ito yung pagiging problemado ng mga mag aaral sa kanilang gawaing mga activities. Pangalawa, ang pagkakaroon ng anxiety, ito ay nararanasan kapag nag sabay sabay ang mga gawain at hindi alam kung paano tatapusin o kung kaya pa ba sa kapasidad na gawin ang mga ito. Pangatlo ay ang burn out, hindi tulad ng stress at anxiety, ito ay ang pag kawalan ng ganang gumawa ng mga gawain o maging ang magaral at ang pang huli ay ang depresyon, ito ang pinaka malalang maaring maranasan ng isang magaaral.
Maaring makaapekto ito sa sikolohikal na pagiisip ng isang estudyante at maaring humantong sa kamatayan.” Sa pag aaral na isinagawa ni Shiela Geronimo kasama ang kanyang mga kasamahan na ’Understanding Percieve Academic Strees Among Students’ noong 2023, walang pinipiling kasarian ang academic pressure kaya pantay ang porsiyento na makaranas ang babae at lalaki ng academic pressure. Ang academic pressure ay normal na maranasan ng isang magaaral. Ayon sa COPWELL, maraming paraan upang maiwasan o mabawasan ang academic pressure. Ang pagkakaroon ng positibong mentalidad ng bawat mag aaral at ‘AI, kaibigan, hindi kalaban’ - UBDE Dir. pagkakaroon ng ‘time management’ upang mabawasan ang stress at anxiety.Maging ang simpleng pakikipagusap sa pamilya o mga kaibigan ay isang malaking tulong sa kalusugang mental ng magaaral. Ang paaralan, unang yugto ng buhay ng isang batang mamamayan. Paaralan na takbuhan mula sa magulong tahanan ngunit di nagtagal ay nagmistulang kulungan. Mga kulungan na ang susi ay kaalaman. Mga laban na ang sandata ay karunungan. Para sa karamihan, ang pagaaral, hindi lamang matematika o agham ang natutunan, kung hindi isang kaalaman kung paano harapin ang mas marami pang laban ng kinabukasan.
Gloryzel Arasula
Sa pagaaral na isinagawa ng Columbia University at Rutgers University, natuklasan na 90 porsiyento sa mga natagpuan ay nanoplastik. Ang nanoplastic ay may sukat na hindi tataas sa isang micrometer. Ang nanoplastic ay maaring sumama sa mga selula (cells) ng katawan at maaring mapunta sa tiyan, baga at maging sa utak na labis na ikinababahala ng mga eksperto.
Ayon kay Beizhen Yan, isang associate research professor ng geochemistry sa Columbia University, mas mainam na uminom ng tubig na nagmumula sa gripo o di kaya naman sa mga boteng metal upang masigurado ang kaligtasan ng mamamayan.
Ayon sa miyembro ng Student Council ng University of Batangas Senior Highschool na si Win Chua, “ Bale ang SC ngayon ay may project na zero waste plastic sa buong ub shs at kasabay nito ay ineencourage ang students na gumamit ng tumblers instead na bumili ng water bottles kase practically mas tipid sya para sa atin and mas safe sya sa health natin kase recently merong studies na merong nanoplastics ang mga water bottle na ngayon.”
“Hindi natin alam kung ang plastik mismo ay may kakayahang apektuhan ang kalusugan, ngunit, ito ay nakagapos o, kinakasama ang ibang kemikal tulad ng phthalates, bilang isang halimbawa, ang nagpapatibay sa plastik,” paliwanag ni Dr. Céline Gounder, isang CBB News medikal kontribyutor at editor in charge sa pampublikong kalusugan sa KFF Health News.
Carmela Cueto
Bagama't maraming guro ang tumututol sa paggamit ng artificial intelligence sa pagtuturo, kinatigan ng Unibersidad ng Batangas (UB) ang paggamit ng artificial intelligence (Al) sa pagkakaloob ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglulunsad ng Al feature sa Learning Management System (LMS) ng unibersidad.
Binigyang-diin ni University of Batangas Distance Education (UBDE) Director Carl Ivan Villanueva na naglalayong ang nasabing Co-Pilot feature na bigyang-halaga ang paggamit ng Al upang maresolba ang nakakaharap na pagsubok ng mga guro sa pagtuturo sa makabagong panahon ng teknolohiya.
"Bilang UBDE Director, it's high time that we embrace this Al dahil ito ay isang napakalaking tulong para sa mga guro. Ito ay isang kakampi, hindi kaaway-kakampi natin para sa pagsusulong ng mas mabilis at mas dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral," ani Villanueva. Kabilang sa mga feature ang paghahanap ng mga learning resource at paggawa ng learning materials katulad ng mga modyul at powerpoint presentation para sa mga mag-aaral. Mayroon din itong kakayahan na mag-voice over sa mga aralin ng mga mag-aaral sa LMS upang magkaroon sila ng mas malawak na kaalaman hinggil sa mga asignaturang pinag-aaralan nila.
Samantala, tinitiyak naman ng unibersidad na hindi magiging banta ang paggamit ng Al sa opisyal na LMS nito sa pang-akademikong integridad ng mga mag-aaral "Although may banta siya ng plagiarism, sinisigurado naman ng pang-akademikong institusyon na mayroong sapat na kakayahan ang paaralan para mabantayan ang plagiarism," iginiit pa ni Villanueva.
Kaugnay nito, nagsimula na rin ang training ng mga guro at iba pang empleyado ng unibersidad hinggil sa paggamit ng bagong CoPilot feature sa pangunguna ni UBian Learning Management System Coordinator Charles Leoj Roxas.
Sa kabilang banda, umani naman kritisismo ang nasabing paglulunsad ng Al feature sa UBian LMS na ginagamit ng mga mag-aaral. "Though there are a lot of issue about how Al is being used in a negative light, I believe na it is helpful for us to be able to understand more our lessons since there are various of information that we can get through Al," pahayag ni Celine Joy Agapay, isang mag-aaral mula sa UB.