PAPASUKIN ANG ICC!
PAPASUKIN ANG ICC!
Kapag nabigo ang pamunuan ng isang bansa na itaguyod ang karapatang pantao, hindi lamang ito humahantong sa pagdurusa at pagkawala ng buhay ng mga mamamayan nito kundi sinisira rin ang pundasyon ng demokrasya at hustisya.
Gayunpaman, sa sitwasyon kung saan isinasaalang- alang ang pagkakaroon ng karapatang pantao dahil na rin sa madugong programa ng nagdaang administrasyon, nararapat lamang na makiayon ang kasalukuyang pamunuan sa imbestigasyong pakana ng International Criminal Court (ICC) upang mag-imbestiga para mapaalpas ang piniringang katotohanan. `
Kaugnay ng kontrobersiyal na anti-drug war campaign na ikinasa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ibinasura ng ICC ang apela ng gobyerno na itigil ang patuloy na imbestigasyon sa extra-judicial killings. Sa kabila nito, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ICC sa Pilipinas at hindi makikipagtulungan ang gobyerno sa imbestigasyon nito hinggil sa madugong drug war ng nakaraang administrasyon. Kung sakaling maglabas ng warrant of arrest laban sa mga inakusahan ng pagpatay at krimen laban sa sangkatauhan, nangako ang ilang miyembro ng Senate at House of Representatives na poprotektahan nila ang mga iniimbestigahan. Malaki sana ang maitutulong ni Marcos sa pagkamit ng ipinagkait na hustisya kung pipiliin niyang makikipagtulungan sa ICC. Kung tutuusin, magsisilbi itong daan upang mabigyang-linaw ang mga katanungan patungkol sa war on drugs.
“Let me say this for the 100th time. I do not recognize the jurisdiction of ICC in the Philippines. I do not, I consider it as a threat to our sovereignty. The Philippine government will not lift a finger to help any investigation that the ICC conducts” Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa isang panayam kasunod ng isang kaganapan sa Quezon City. Nakakadurog ng pusong mabatid na wala man lang pakialam ang kasalukuyang pamahalaan sa mga biktima ng marahas na programa ng nakatatandang Duterte na tinatayang kumitil ng hindi bababa sa 7,742 na mga sibilyan, kabilang na rin ang 122 na mga batang wala namang kamuwang- muwang sa karahasang nagaganap noong mga panahong iyon. Kung iisipin, tila hindi nagnanais ang pamahalaan na mabigyan ng hustisya ang lahat ng taong nasawi dahil lamang sa mapang-api at mapang-alipustang giyera kontra droga. Nakakalungkot isipin na binalewala lamang ang mga buhay na nawala.
Sa kasawiang palad, ang paglimita o pag-alis ng hurisdiksyon na ito ay nagiging balakid sa pagsusulong ng karapatang pantao sa Pilipinas. Tunay na nananatili pa rin ang hamon na tiyakin ang pananagutan at hustisya para sa mga paglabag sa karapatang pantao sa ating bansa. Ang mga pangyayaring ito ay nakakapanlumo sapagkat sa halip na isipin ang hustisya na maaaring makamit ng mga pamilyang namatayan ay ang kanilang pangsariling kapakanan pa rin ang nagawa nilang isipin.
Nararapat lamang isipin ng pamahalaan ang pinanggagalingan ng mga pamilyang namatayan. Hayaan sana nilang mag- imbestiga ang ICC upang mabigyan ng kasagutan ang mga kahiwagaang bumabalot sa war on drugs ng dating pangulo. Panahon na para buksan ng Pilipinas ang pintuan nito sa ICC. Kung hindi pa natin ito gagawin ngayon, kailan pa?
Nararapat lamang isipin ng pamahalaan ang pinanggagalingan ng mga pamilyang namatayan. Hayaan sana nilang mag- imbestiga ang ICC upang mabigyan ng kasagutan ang mga kahiwagaang bumabalot sa war on drugs ng dating pangulo. Panahon na para buksan ng Pilipinas ang pintuan nito sa ICC. Kung hindi pa natin ito gagawin