MARUMING BANYO, I-BAN N'YO
MARUMING BANYO, I-BAN N'YO
Ang maruming banyo ay isang malaking problema para sa mga estudyante na gagamit nito sa Unibersidad ng Batangas (UB) sapagkat ang kakulangan ng disiplina ng mga estudyante na nagamit nito ay nagreresulta sa pagkasira ng mga kubeta at karumihan ng paligid, na nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga mag-aaral. Sa patuloy na pagsasawalang-bahala sa mga suliraning ito ay maaaring magpatuloy ang pagdedma ng estudyante sa simpleng batas ng palikuran at ang mga sakit na posibilidad na makuha nila sa hindi malinis na banyo.
Mahirap at napipilitan ang mga naapektuhan na iba pang mag-aaral na nagamit ng comfort room, pati narin ang mga janitor na naglilinis sapagkat tuwing aayusin nila ang mga kagamitan sa palikuran tila hindi nagana at may pagbabandalismo pa. Kailangan ng tamang batas sa mga CR na makikita ng mga mag-aaral, upang mapaala- ala at masunod ang mga tamang gagawin sa paggamit ng banyo. Kapag hindi nasunod ang mga kautusan nito, mangyayari ang mga pangyayari sa kasalukuyan, ang pagbabandalismo ng mga estudyante at pagsira ng kagamitan sa CR.
“Nakakadiri at mahirap dumumi sa marungis na CR sa UB, minsan mas gugustohin ko pang huwag gamitin ito at pumunta nalang sa ibang nalalapit na palikuran, sapagkat ang amoy ay madungis at kahit mga locks sa pinto at flush ng toilet ay sira at hindi nagana,” ayon kay Jaypee Delgado, isang Grade 10 na estudyante ng UB. Ang privacy ng mga mag-aaral ay hindi rin matatag, dahil ang mga kandado ng mga pinto ay madalas sira at nakakapagdag-dag ito ng alala.
Kahit paulit-ulit ito linisin ng mga dyanitor tila wala paring nagbabago, sapagkat kailangan itanim sa mga utak ng mga estudyante ang tamang disiplina sa paggamit ng banyo, upang mapanatili itong malinis at hindi sira ang kagamitan sa CR. Madalas ding walang laman ang mga dispenser ng sabon o kaya naman wala talagang dispenser ang makikita sa mga palikuran, nakakapagdagdag lalo ng pangamba sa kalusugan ng mga nagamit ng banyo sa University of Batangas.
Higit itong makaka-apekto sa kalusugan at kalinisan ng mga estudyante at maaring may mga sakit na dala ang karumihan sa banyo, at mas lalong masama ito sa mga estudyanteng may disabilities. Walang palikuran din sa main campus ng UB na para sa mga PWD lamang, at ang kanila lang na pagpipilian ay ang maduming CR. Ang isyu na ito ay matagal na sa unibersidad at tila kulang parin ito sa pansin, kailangan nalamang tiisin ng mga mag-aaral ang malaswang amoy at ang kadumihan na nagdudulot sa pagkasira ng pampalikurang kagamitan at mga sakit na makaka-apekto sa kanilang pagaaral.
Sa pagbibigay ng pansin sa problemang ito ay tiyak na masosolusyunan ito ng mas mabilis. Ang mga simpleng toilet paper, tissue o kaya maayos na pagfilter ng amoy ay wala sa mga banyo ng unibersidad, nagpapatunay lamang ito na kailangan pa sa atensyon sa mga palikuran ng mga estudyante at guro. Pagpapa-alala sa tamang paggagamit ng banyo ay tiyak na mas magagawa ng mga gagamit ito at mas mapapadali ang trabaho ng mga taga-linis ng palikuran. Hindi na titiisin ng mga mag-aaral ang CR kung ito ang aayusin ng unibersidad at mawawalan narin ang mga gagamit ng banyo ng pangamba, sapagkat sa pag- ayos ng mga sirang kagamitan at paglinis nito ay matitiyak ang seguridad ng privacy at sa mga sakit na maaring makalap.
Alisin ang pangamba sa karumihan ng banyo at palitan ito ng kalinisan na tatagal at tatak sa isip ng mga mag-aaral. Giginhawa ang buhay ng mga estudyante at guro sapagkat mas magagamit na nila ang banyo ng may malinis at nagana na pampalikurang kagamitan. Bigyang- diin ang kalinisan at isaad ang seguridad, siguradong hindi dudumi sa maduming banyo kung hindi pagagaanin ang pakiramdam sa simpleng pag gamit ng CR sa paraan na malinis.