E-LEKSYON
E-LEKSYON
Sayang ang abilidad! Nangangailangan ng matibay at mapagkakatiwalaang pundasyon ang mga organisasyon sa mga paaralan upang sumibol ang mga potensyal at kakayahan ng mga nasasakupan nito. Sa kabilang dako, kung magiging batayan ang kasikatan sa mga mailuluklok sa pwesto, walang maaasahan sa mga ganitong lupon kundi mga hilaw na layunin at mabababaw na mithiin.
Unang-una sa krayteryang dapat pagbasehan sa mga eleksyon ay ang abilidad ng mga nangangandidato upang masigurong may kapasidad itong mamuno at gumabay sa nakararami tungo sa isang produktibong samahan. Kung ang magiging presidente ng student government ay puro pagpapabango ng pangalan lamang ang alam, ma- nanatiling nakabaon sa lupa ang mga hinanakit ng mga estudyanteng nagnanais ng pag-unlad. Ika nga ni John C. Maxwell, “Everyone is a leader because everyone influences someone,” na siyang nan- gangahulugang lahat ay may tinaguriang pinuno sa sarili ngunit para sa akin ay iba’t iba ang lebel ng impluwensya ng bawat isa. Kaya naman mahalagang suriin nang maayos ng masa ang kanilang mga kandidato base sa uri ng impluwensiyang dala nito.
Nakakadismayang makita na ang mga nakapagkamit ng titulo sa mga organisasyon ng paaralan ay punong-puno ng hangin, puro mabubulaklak na salita, ngunit wala namang ginagawa. Halimbawa na lamang dito ay ang nakaraang presidente ng Supreme Student Council sa aming paaralan na kung saan naiha- lal ang isang tiktoker, content creator, at malawak ang koneksyon. Nabigo ang aking pambato na isang iskolar ng paaralan sapagkat malaki ang naitulong niya sa marketing at layouting ng paraalan. Tila natalo siya sapagkat higit na mas kilala ng mga estudyante ang content creator. Maram- ing reklamo ang lumitaw sa kaniya dahil ika nila na ang mga perang kinokolekta ng organisasyon ay ginagamit ng presidente pampakulay ng lamang ng buhok kahit labag ito sa mga regulasyon ng discipline office.
Mga proyektong naglagas at nag-aksaya ng pera ang mga naipatupad ng organi- sasyon sa ilalim niya na siyang ikanalulungkot ko. Sa aking paningin ay mas epektibo pa ang mga lider na may napatunayan at may purong intensyon para maiangat ang kondisyon ng mga mag-aaral. Mahalagang abilidad ang tingnan at hindi popularidad. Hindi uusad ang kalagayan ng samahang mag-aaral sa ilalim ng magagaang bangko at walang kusang mga pinuno. Kung ang mga lider na maiiluklok ay binatay sa kanilang kakayahan kaysa popularidad, mas malaki ang tsansang magtagumpay ang mga proyekto. Ang mga lider na may kakayahang mag- bigay inspirasyon, magturo, at makipag-ugnayan sa buong komunidad ng paaralan ay makapagdadala ng makabu- luhang pagbabago.
Para sa isang masusing pag- susuri, mahalaga ang track record at karanasan ng mga nangangandidato. Ang mga lider na mayroong maayos na track record ng pagpa- pamalas ng kanilang kakayahan sa mga naunang proyekto o responsibilidad ay mas malamang na magtagumpay sa kanilang mga hinaharap na tungkulin.
Sa isang lipunan kung saan ang popularidad ay madalas na nangunguna, makabubuti para sa ating lahat na magkaroon ng mas mataas na pamantayan at suriin ang tunay na kakayahan ng mga nangangandidato. Ang kakayahang mamuno at makabahagi sa pagpapaunlad ng ating komunidad ang dapat maging prayoridad sa bawat eleksyon. Sa pagbibigay diin sa abilidad, nagsusulong tayo ng mas matatag at mas makatarungan na sistema ng pamumuno para sa kinabu- kasan ng ating mga paaralan at ng mga kabataan.