Indayog ng Kapaskuhan
by Cyrene Grace B. Ledesma
December 08, 2025
by Cyrene Grace B. Ledesma
December 08, 2025
Photos by: Emme Palencia
Edited by: Richel Nina Gatmaitan
Ramdam ang simoy ng kapaskuhan matapos ang pagdaraos ng “Paskong Adamsonian: Ibalik ang Diwa ng Pasko” noong Biyernes, ika-apat ng Disyembre 2025.
Maraming mag-aaral ng Adamson University ang nakilahok sa programang ito. Sumabay sa indayog ng musika, nakisaya sa mga ganap, at nagdagdag ilaw sa gabi ng pagdiriwang.
Nakaangkla sa tema nito, layunin ng Paskong Adamsonian na maparamdam sa mga estudyante ng unibersidad ang lamig at sigla ng pasko sa kabila ng sunod-sunod na hamong panlipunan at pang-akdemiko.
Ito ay nagsisilbing paalala sa lahat na ang pasko ay nakatatak na sa tradisyon ng mga Pilipino. Ito ang pagdiriwang na sumisimbolo sa pagkakabuklod-buklod ng bawat isa anumang sigalot ang dumating.