Isang Kandidato bilang Alagad ng Diyos

Ang KANDIDATO

PARA SA MGA MANGGAGAWA NG DIYOS


Kapag nakalimutan ka o napabayaan man,

O sadyang itinakda na bali wala,

At hindi ka natutuya at nasasaktan sa kalabisan,

Ngunit masaya ang iyong puso,

Binibilang na karapat-dapat na magdusa para kay Cristo,

IYON ANG KATOTOHANAN SA PAGPAPATID.

Kapag ang kabutihan mo ay minamasama pa,

Kapag ang iyong mga hangarin ay hinahadlangan,

ang iyong payo ay hindi pinansin, Ang iyong mga opinyon ay kinutya,

At tumanggi ka na hayaang tumaas ang galit sa iyong puso,

o ipagtanggol ang iyong sarili,

Ngunit gawin itong lahat sa mapagmahal na katahimikan,

IYON ANG KATOTOHANAN SA PAGPAPATID.

Kapag mapagmahal at matiyaga kang nagdaan sa anumang kaguluhan,

Anumang iregularidad, anumang hindi katangi-tangi, o anumang pagkabagot,

Kapag ikaw ay makatayo ng harapan sa kawalan,

kahangalan, labis na kalayawan, espiritwal na kawalang katatagan

At nagtiyagang tiisin kagaya ni Jesus,

IYON ANG KATOTOHANAN SA PAGPAPATID.

Kapag kontento ka sa anumang pagkain,

Anumang damit, anumang klima,

Anumang lipunan, anumang pag-iisa,

At anumang pagkagambala sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos,

IYON ANG KATOTOHANAN SA PAGPAPATID.

Kapag hindi ka nag-aalintana na pag-usapan ng iba

O itala ang iyong sariling mabubuting gawa,

O lubos na nagnanais ng komendasyon

Kapag ikaw ay tunay na nagnanais na hindi makilala,

IYON ANG KATOTOHANAN SA PAGPAPATID.

Kapag maaari kang makatanggap ng pagwawasto at pagsaway

Mula sa isang mas may mababang katayuan kaysa sa iyong sarili

At mapagpakumbabang magsumite ng nasa kalooban bilang panlabas,

Walang makitang paghihimagsik o sama ng loob

ni tumaas man sa loob ng iyong puso,

IYON ANG KATOTOHANAN SA PAGPAPATID