1, 2, 3, 4:

Bakuna Steps

HINDI PO PUWEDE ANG WALK-IN VACCINATION

Sa lahat ng hakbang, panatilihin ang physical distancing at nakasuot ang inyong mask at face shield nang maayos. Huwag lumihis sa mga nakatakdang daanan at makipatulungan sa mga marshalls.


Ang Proseso

Tumuloy sa Pagbabasa | Panoorin ang Video | I-download ang PDF

Entrance

  1. Sa kanto ng E. Jacinto at Magsaysay ang pasok sa UP-CHK Gym.

  2. Makipagtulungan sa ating marshalls.

Help Desk

    1. Dito titiyakin na ang pangalan ninyo ay nakatala master list at naka-iskedyul kayo sa nasabing araw. Dapat po'y nakapag-register kayo online. Ibig sabihin ay nafill-up ninyo—online—ang pinadala sa inyong Confirmation and DOH Registration Form.

    2. Ihanda't ipakita ang inyong UP employee ID o government-issued ID (TIN, SSS, Voter's ID, atbp.) at patunay ng inyong karamdaman

    3. Kung hindi kayo nakapag-register at wala kayong iskedyul sa nasabing araw, maaari kayong tulungan ng helpdesk staff para magawa ito. Bumalik sa araw ng appointment. Hindi papayagan ang walk-in.

    4. Maaaring humingi ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagbabakuna.

    5. Tingnan ang Registration/Schedule page para sa karagdagang impormasyon.

Step 1: Orientation

    1. Sundin ang mga alituntunin ng mga marshalls.

    2. Sagutan/basahin/pirmahan ang mga sumusunod na forms***:

a. Consent Form

b. Screening Form

c. Validation Form

3. Panoorin ang video (sa vaccination site mismo) para sa karagdagang gabay sa pagsagot ng forms.

4. Siguraduhing may tinta ang dalang ballpen. Bawal maghiraman.

5. Magtanong sa mga health educators tungkol sa proseso ng pagbabakuna, ang bakunang ibibigay at iba pang concerns.

6. Papirmahan ang Validation Form sa health educator.

*** Pumunta sa Forms page

Step 2: Registration at Vital Signs

  1. I-che-check dito ang inyong online registration form para tiyakin na tama ang impormasyong nakalagay rito.

  2. Kukunin ang inyong vital signs:

a. Temperatura

b. Pulso

b. Blood pressure (BP)

  1. Papirmahan ang Validation Form sa IT/Registration staff at sa health staff na kumuha ng inyong vital signs.

Step 3: Screening

  1. I-sumite ang Consent Form (pirmado) at Screening Form sa doktor. Dito ay susuriin ng doktor ang inyong kalusugan at/o medical history.

  2. Kung mataas ang inyong BP, bibigyan kayo ng panahon para mapababa ito. Kukunin ulit ang inyong BP.

  3. Depende sa resulta ng screening, maari kayong pauwiin at hindi na (muna) babakunahan. Pababalikin kayo sa ibang araw.

  4. Bago umalis sa Step 3, papirmahan ang Validation Form sa doktor.

Step 4: Vaccination at Monitoring

  1. I-sumite ang Validation Form sa medical/health staff.

  1. Tuturukan kayo ng isang (1) dose ng SINOVAC.

  2. Pagkatapos mabakunahan, pagpapahingahin kayo ng 15-20 minuto. Ito ay para obserbahan kayo kung sakaling magkaroon kayo ng reaksyon sa bakuna.

  1. Kapag OK na, matatanggap ninyo ang inyong Vaccination Card na pupunuan at pipirmahan ng mga medical/health staff.

  1. Sa paglabas ninyo sa monitoring area, kumuha at mag-uwi ng leaflet ng mga paalala ngayong kayo'y nabakunahan na.

  2. Huwag kalimutang iuwi ang Vaccination Card. Dito nakalagay ang susunod ninyong schedule para sa pangalawang dose.

  3. Tingnan ang "Pagkatapos ng Bakuna" page para sa gabay kung ano ang dapat gawin o malaman.

Paano Sinisiguro ang iyong Kaligtasan at Kalusugan sa Vaccination Site?

  1. Kumonsulta ang UP Diliman COVID-19 Task Force sa mechanical engineer upang mas tiyakin pa ang maayos na daloy ng hangin (ventilation) sa loob ng gym. Batay sa kanyang abiso, nagkaroon pa ng mga karagdagang bentilador sa mga piling lugar.

  2. Kumonsulta rin ang Task Force sa Industrial Engineer upang ayusin ang daloy ng pagbabakuna. Ayon sa kanyang abiso, inayos ang layout ng mga estasyon upang mas mapabilis at maayos ang proseso.

  3. Ipapatupad din ang mga nakagawiang safety and health protocols: pagsuot ng facemask, pisikal distancing, atbp. May mga signs/posters/markers bilang gabay sa daloy at daanan.

  4. Ginagawa po ang lahat upang maiwasan ang pakukumpul-kumpol sa kung ano mang bahagi ng proseso or ng gym.

Panoorin at Pasadahan: Pagsagot ng Forms

UPCHK-QC VACCINATION SITE VIDEO 1 (Step by Step).mp4

Tell Me Honestly: Maging Tapat

Maging tapat at kumpleto sa inyong mga sagot—sa Forms man or sa tanong ng volunteers—ukol sa inyong kalusugan at medical history. Huwag pong ikahiya, ikatakot, o bale-walain. Kailangan po nating matiyak ang inyong kaligtasan at magkaroon ng sapat na batayan kung kayo nga'y maaring mabakunahan. Kung hindi sigurado, magtanong sa doktor sa vaccination site.