PAGKATAPOS
MABAKUNAHAN

Huwag Pong Kampante. Laging Mag-Ingat.

Maari ka pa ring magka-COVID-19 pagkatapos magpabakuna!

Tandaan na walang bakuna ang nagbibigay ng 100 percent proteksyon. Subalit...

  • May dagdag proteksiyon ang bakuna mula sa sintomatikong (banayad, katamtaman, at malubha) COVID-19

  • Dagdag nito, may proteksiyon ang bakuna para kakailanganing ma-ospital at nakamamatay na klase ng COVID-19.

Source: DOH Infographic

Salamat sa Iyo: Para sa Sarili, Para sa Bayan

Ang pagbabakuna mo'y isang uri ng bayanihan. Hindi lang isang tao ang makikinabang dito.

Malaking tulong sa ating healthcare system (sa mga nurses, doktor) kung mababawasan ang mga ma-o-ospital dahil sa COVID-19.

Ang pagbabakuna hindi lang proteksiyon para sa isang tao. Ito'y isang maikling hakbang upang makamit ng Pilipinas ang "herd immunity."

Panoorin ang WHO Video: What Is Herd Immunity?

Turok ng Kaalaman: Mga Dapat Alamin

Ano ang mga posibleng side effects?

  • Pananakit, pamumula, pangangati, or pamamaga sa lugar kung saan ibinigay ang iniksyon

  • Hindi maayos ang pangkalahatang pakiramdam

  • Nakakaramdam ng pagod (fatigue)

  • Lagnat o panginginig

  • Sakit ng ulo

  • Pananakit sa kasukasuan o kalamnan (joint pain o muscle ache)

Source

Normal bang magkaroon ng side effects?

Maaari kang makaranas ng side effects.... Pero mawawala dapat ito pagkatapos ng ilang araw. Huwag mag-alala, senyales ito na bumubuo ng proteksyon laban sa sakit ang katawan mo. Karamihan ay nakakaranas ng lagnat o sakit at normal ito.

Source

Bakit ako nagkaroon ng COVlD-19 kahit nagpabakuna na?

May posibilidad pa ring makakuha ng COVlD-19 matapos magpabakuna kung ikaw ay na-expose sa virus:

  • sa loob ng 14 na araw bago maturukan ng unang dose

  • sa mga araw sa pagitan ng una at ikalawang dose

  • bago mabuo ng katawan ang proteksiyon mula sa bakuna

  • dahil sa hindi pagsunod sa BIDA behaviors at minimum public health standards

Mga kailan tatalab ang proteksiyon mula sa bakuna?

Walang bakuna na nakapagbibigay ng 100% na proteksyon laban sa COVID-19. Madalas inaabot ng ilang linggo upang makabuo ang katawan ng immunity laban sa isang sakit pagkatapos mabakunahan (Source).

Ano ba vaccine efficacy?

Ang efficacy ng isang bakuna at tumutukoy sa kakayahan nitong i-prevent ang isang karamdaman. Halimbawa, kung may 50 percent efficacy ang isang bakuna, ibig sabihin at kung 100 ang babakunahan laban sa isang sakit, 50 ang maaring magkaroon ng karamdamang iyon (Aubrey 2020).

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang vaccine efficacy/effectiveness ay "interpreted as the proportionate reduction in disease among the vaccinated group. So a VE of 90% indicates a 90% reduction in disease occurrence among the vaccinated group, or a 90% reduction from the number of cases you would expect if they have not been vaccinated" (CDC 2012).

Basahin ang paliwanag ng DOH dito. Maikli lang itong FAQs at maaring mabasa ng ilang minuto.

Sanggunian

Aubrey, Allison. 2021. "A COVID-19 Vaccine May Be Only 50% Effective. Is That Good Enough." NPR, 12 September 2020. https://www.npr.org/sections/health-shots/2020/09/12/911987987/a-covid-19-vaccine-may-be-only-50-effective-is-that-good-enough
CDC. 2012. "Lesson 3: Measures of Risk, Section 6: Measures Public Health." CDC, 12 May. https://www.cdc.gov/csels/dsepd/ss1978/lesson3/section6.html

Tingnag ang iba pang tanong, sagot, babasahin, at videos ang "Ukol sa Bakuna"

Turok ng Kaalaman: Mga Dapat Gawin

Tuloy pa rin: Iwas-COVID-19 measures

Kahit nabakunahan na, ipagpatuloy ang mga health and safety protocols:

  • Mag-social distancing (1 metro layo)

  • Magsuot ng facemask at faceshield

  • Maghugas madalas ng kamay gamit ang sabon

  • Umiwas sa mga kulob at matataong lugar

  • Sikaping maganda ang daloy ng hangin sa kuwarto/bahay/lugar. (SOURCE)

Dapat ko bang i-report ang mga side-effects?

I-report ang kahit anong maramdamang sintomas matapos magpabakuna sa inyong LGU o vaccination site hotline (University Health Service)

Paano kung tumagal o lumala ang nararamdam kong side effects?

Kumonsulta sa iyong doktor o tumawag sa LGU/vaccination site hotline o sa pinakamalapit na pasilidad (Source).

Paano kung magkaroon ng malubhang side effects?

Mayroong maliit na posibilidad na ang bakuna para sa COVID-19 ay magdulot ng malubhang allergic reaction. Agad sumangguni sa pinakamalapit na hospital kung makaranas ng malubha o di-pangkaraniwang mga sintomas tulad ng: hirap sa paghinga, wheezing, pamamaga ng mukha, o paghihigpit ng lalamunan (Source).


Tahan(an) Na: Alagang-Bahay sa Side-Effects

Ano ang maaari kong gawin para mabawasan ang sakit sa lugar ng pag-iniksyon?

  • Mag-apply ng cold compress: malinis, malamig, at basang tela sa parte ng binakunahan. Pagkatapos ng isang araw, warm compress na.

  • I-ehersisyo at banayad na galawin ang braso na nabakunahan

May lagnat ako at pananakit sa brasong tinurukan ng bakuna. Dapat ba akong mabahala?

Hindi, ang mga sintomas ng pananakit, pamumula, at pamamaga sa brasong tinurukan at iba pang sintomas ng trangkaso tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, at kapaguran ay ilan sa karaniwang pangyayari matapos magpabakuna.

Nakakaranas aka ng lagnat at sakit sa brasong tinurukan ng bakuna. Ano ang dapat kong gawin?

  1. Uminom ng maraming tubig

  2. Magpahinga

  3. Kumain ng balanseng diet

  4. Uminom ng paracetamol ayon sa abiso ng iyong Health Care Worker


Mga Katanungan Ukol sa Pangalawang Dose

Kailangan ko ba talaga yung pangalawang dose ng Sinovac?

Opo, kulang ang proteksyong mabibigay ng unang/isang dose ng Sinovac. "Priming dose" ang tawag sa unang dose, at "booster dose" ang tawag sa pangalana..

Paano kung hindi ko nakuha ang pangalawang dose sa takdang araw?

Puwede niyo pa ring makuha ang pangalawang dose, at kunin ito sa lalong madaling panahon. Kaya kung hindi man naka/makapupunta sa takdang araw ng pangalawang dose, makipag-ugnayan agad sa UP Diliman COVID-19 Task Force para mabigyan kayo ng schedule.

IF THE PERSON MISSES HIS SECOND DOSE, HOW LONG IS THE APPROVED INTERVAL FROM THE FIRST DOSE FOR HIM TO GET THE SECOND DOSE?

The US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) allow for a 4-day grace period when assessing on-time receipt. People should try to get the second dose during this period or as soon after as possible. However, if the second dose is given later than this, you do not need to restart the vaccine. You still only need to get the second dose. However, it is important to note that the first dose did not protect as many people as were protected after the second dose, so if you are exposed to SARS-CoV-2 during the delay, you may or may not have enough immunity to prevent you from experiencing symptoms.

Source: DOH FAQs, 18 March 2021


Isang Tanong, Isang Sagot.
Isang Basah
án, Isang Upuán.

Dagdag Kaalaman: Sinovac at mga Bakuna

  • Kaligtasan, epektibo't, posibleng side effects ng Sinovac

  • Paano nga ba tayo naproprotektahan ng mga bakuna?