BAGO MAGPABAKUNA

Bilis-Pila, Bawas-Hintay, at Iwas-Aberya

01 Ang Dapat Munang ALAMIN

  1. Siguraduhing nasagutan ang Confirmation at DOH Vaccination Form (yung iba'y maaaring nakatanggap ng ng schedule)

    • Kung hindi nakaregister gamit ang mga unang forms, pumunta sa Registration/Schedule page upang makapag-register. Kung nakasagot na kayo rito o natanggap na ang Confirmation at DOH Registration Form, maghintay lamang ng inyong schedule. May mga uunahing bakunahan ayon sa batayan ng gobierno (Tingnan sa ibaba).


  1. Basahin (muli) nang maigi ang Puwede Ba Akong Mabakunahan? page.

Para malaman kung kayo nga'y maaring mabakunahan ayon sa priority scheme at kategorya (A2, A3, atbp.) o ayon sa inyong karamdaman o kalagayan. Dito niyo malalaman:

  • Kung maaring ipagbabawal o ipagpaliban ang pagpapabakuna sa inyo

  • Kung mangangailangan ng karagdagang requirements

  • Kung anong uri ng patunay ng karamdaman ang kailangang ipakita sa vaccination site: medical clearance, reseta, record sa hospital, o medical certificate.

  • Kung mauuna kayong mabakuhanan kaysa sa iba (Priority ang Senior Citizens at 18 to 59 na edad at controlled ang comorbidity)

  • Ang iba pang requirements: kung controlled ba ang inyong karamdaman, atbp.

3. Basahing maigi, at maaring i-print, ang mga Forms: Screening, Consent, and Validation

      • Alamin ang mga kahulugan ng termino. May maikling gabay sa page.

      • Maaring panooring ang video sa Forms page.

      • Magtanong (na) sa inyong doktor ukol sa iba pang karamdaman at iba pang terminong medikal na nasa Screening form. Maaring sa vaccination site na mismo rin kayo sumangguni.

4. Pag-aralan ang Proseso ng Pagbabakuna.

      • Dito malalaman kung ano ang mangyayari sa bawat hakbang

      • Makakatulong itong maibsan ang kaba't maging suwabe ang daloy ng pagbabakuna.

5. Magbasa ukol sa Sinovac page.

      • Alamin ang bakunang ito bilang parte ng inyong pagbibigay (o hindi) ng Informed Consent na pipirmahan ninyo.

5. Bisitahin ang Ukol sa Bakuna page.

  • Upang masagot ang inyong mga tanong, kung mayroon man, ukol sa bakuna.

02 Ang Dapat GAWIN Bago Pumunta sa Vaccination Site

    • Gawin ang mga nakasaad sa "Ang Dapat Munang Alamin."

    • Kumuha ng sapat na tulog kinagabihan

    • Magbanyo, uminom, at kumain ng tama't sapat

    • Kung nagbubuntis, nagpapasuso, may high blood, asthma, kanser, piling allergy, o iba pang karamdaman, tingnan and PDFs sa Puwede Ba Akong Magpabakuna page (bandang ibaba) upang makita ang tips o kasagutan na naayon sa inyong kalagayan.


03 Ang Dapat DALHIN sa Vaccination Site

    • Ang inyong schedule (puwedeng i-print o ipakita mula sa mobile phone/tablet)

    • Ang Screening, Informed Consent, at Validation Forms (kung kayo'y nagprint; puwede rin namang hindi i-print)**

    • Sariling bolpen (Tiyaking may tinta dahil bawal maghiraman sa site)

    • Facemask at face shield

    • Sariling alcohol

    • UP Employee ID o valid (government-issued) ID

    • Akmang patunay ng inyong comorbidity/karamdaman (Kung mayroon at kailangan man. Kaya mahalagang basahin din muna ang Puwede Ba Akong Mabakunahan page).

**Kung hindi ipri-print, pag-aralan na nang maigi ang mga forms upang mas mabilis ang pagsagot sa araw ng pagbabakuna.