Laging bumalik dito para sa mga updates
May dagdag ka ng proteksiyon mula sa sintomatikong (banayad, katamtaman, at malubha) COVID-19.
May proteksiyon din ito para sa kakailanganing ma-ospital at nakamamatay na klase ng COVID-19.
Walang bakuna ang nagbibigay ng 100% proteksyon. Hindi ito "magic bullet."
Malaking tulong sa ating healthcare system (at sa ating sarili) kung mababawasan ang mga ma-o-ospital dahil sa COVID-19.
Ang pagbabakuna hindi lang proteksyon para sa iyo. Ito'y isang maikling hakbang upang makamit ng Pilipinas ang "herd immunity."
Pananakit, pamumula, pangangati, or pamamaga sa lugar kung saan ibinigay ang iniksyon
Hindi maayos ang pangkalahatang pakiramdam
Nakakaramdam ng pagod (fatigue)
Lagnat o pangingig
Sakit ng ulo
Pananakit sa kasukasuan o kalamnan (joint pain o muscle ache)
Oo. Normal.
Ito ay senyales ng nagsisimulang immune response ng katawan dahil sa bakuna.
Karaniwang mawawala ang mga sintomas sa loob ng isa hanggang tatlong araw.
Kapag tumagal o lumala ang mga side effects na ito, kumonsulta sa iyong doktor o tumawag sa LGU/vaccination site hotline o sa pinakamalapit ng pasilidad (Source).
• Mag-apply ng cold compress: malinis, malamig, at basang tela sa parte ng binakunahan
• I-ehersisyo at banayad na galawin ang braso na nabakunahan
Hindi, ang mga sintomas ng pananakit, pamumula, at pamamaga sa brasong tinurukan at iba pang sintomas ng trangkaso tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, at kapaguran ay ilan sa karaniwang pangyayari matapos magpabakuna.
Uminom ng maraming tubig
Magpahinga
Kumain ng balanseng diet
Uminom ng paracetamol ayon sa abiso ng iyong Health Care Worker
Kumonsulta sa iyong doktor o tumawag sa LGU/vaccination site hotline o sa pinakamalapit na pa silidad
Mayroong maliit na posibilidad na ang bakuna para sa COVID-19 ay magdulot ng malubhang allergic reaction. Agad sumangguni sa pinakamalapit na hospital kung makaranas ng malubha o di-pangkaraniwang mga sintomas tulad ng: hirap sa paghinga, wheezing, pamamaga ng mukha, o paghihigpit ng lalamunan (Source).
Walang bakuna na nakapagbibigay ng 100% na proteksyon laban sa COVID-19.
Madalas inaabit ng ilang linggo upang makabuo ang katawan ng immunity laban sa isang sakit pagkatapos mabakunahan.
Kahit may bakuna na, sundin pa rin ang mga nakagawiang health and safety measures:
Mag-social distancing (1 metro layo)
Magsuot ng facemask at faceshield
Maghugas madalas ng kamay gamit ang sabon
Umiwas sa mga kulob at matataong lugar
Sikaping maganda ang daloy ng hangin sa kuwarto/bahay/lugar.
Alamin ang Sagot sa mga Sumusunod na Tanong:
Ano ang dapat gawin bago umalis sa vaccination site?
Ano ang maaring mangyari pagkatapos ng pagbabakuna?
Ano ang dapat gawin kung maranasan mo ang mga adverse effects pagkatapos ng pagbabakuna?
Ano ang dapat gawin kung sa palagay mo ay nagkakaroon ka ng malubhang reaksyon sa bakuna?
Alamin ang sagot sa mga sumusunod na tanong:
Maari ba akong makakuha ng COVID-19 MULA sa bakuna?
Maari ba akong makakuha ng COVID-19 PAGKATAPOS magpabakuna?
Totoo bang may mga namatay dahil sa bakuna?
May lagnat ako at pananakit sa brasong tinurukan ng bakuna. Dapat ba akong mabahala?
Ano ang dapat kong gawin kung tumagal o lumala ang aking mga sintomas
Alamin ang Sagot Sa Mga Sumusunod:
Pagkatapos bakunahan, linagnat ako at masakit ang lugar kung saan ako binakunahan? Dapat ba akong matakot or ma-alarma?
Ano ang mga kailangan kong gawin pagkatapos kong mabakunahan laban sa COVID-19?
Paano ako makakatulong sa pagkalat ng COVID-19 pagkatapos kong mabakunahan?
Bakit ako nagka-COVID-19 kahit may bakuna na ako?
Alamin ang Sagot Sa Mga Sumusunod:
Nakakaramdam aka ng side effects matapos mabakunahan. Ano ang dapat kong gawin?
Normal lang ba makaranas ng side effects matapos mabakunahan?
Ano ang maari kong gawin para mabawasan ang sakit sa lugar ng pag-iniksyon?
Nakakaranas aka ng langst at sakit sa brasong tinurukan ng bakuna. Ano ang dapat kong gawin?
Ano ang dapat kong gawin kung tumagal o lumala ang nararamdaman kong side effects?
Kaligtasan, epektibo't, posibleng side effects ng Sinovac
Paano nga ba tayo naproprotektahan ng mga bakuna?
At iba pa