Puwede Ba Akong Mabakunahan?

PAALALA

Ang mga kaalamang medikal rito ay ibinibigay bilang gabay lamang. HINDI ito kapalit ng pagpayag o clearance mula sa isang doktor ukol sa inyong pagbabakuna.

Ang pagbabakuna ninyo ay nakasandig pa rin sa inyong kalusugan, medical history, kalagayan, inyong pagpirma ng Informed Consent Form, at screening sa vaccination site.

Maging tapat sa inyong mga sagot sa Forms at sa Screening.

HINDI ka puwedeng bakunahan kung.....

  • Edad na mas mababa sa 18 taon

  • May allergy ka sa mga sangkap ng bakuna (polysorbate, PEG)

  • Nagkaroon ka ng malubhang reaksyon sa una mong dose ng Sinovac


Sino ang mababakunahan sa UP CHK-QC site?

  • Faculty, REPS at Admin ng UP Diliman

  • Job Orders, Contract of Service, at Non-UP Contractuals ng UP Diliman

  • Custodial Workers sa UP Diliman

  • Security Guards sa UP Diliman

  • Professors Emeriti ng UP Diiman at kanilang asawa o partner

  • Empleyado ng UP System na nagtratrabaho sa UP Diliman (regular at contractual/COS/Job Orders)

  • Piling residente (at hindi UP employee) ng Barangay UP Campus


Mga dagdag na kategorya (as of 9 May 2021)*

  • Retiradong UP faculty at employees at kanilang mga asawa (A2 at A3 lamang)**

  • Mga dependents ng mga UP Diliman faculty at employees, kasama ang kanilang mga kasambahay at caregivers (A2 at A3 lamang)

  • Mga ibang kasamahan sa UP Kampus tulad ng manininda, PUJ drivers, kawani ng PNB/LBP/Veterans Bank (A2 at A3 lamang)

Kailangan ay nakapagregister kayo't nakatanggap ng schedule. Hindi puwede ang walk-in vaccination. Uunahin din muna ang mga A2 (senior citizens) at A3 (yung may controlled comorbidity)

* Ayon ito sa OVCCA Memo 21-14 (9 Mayo 2021)

** Dati, "newly retired faculty and staff ng UP Diliman (simula Enero 2019)" lamang ang mababakunahan

ILANG PAALALA

Hindi transferable ang bakuna

Kung nakuha niyo po ang first dose mula sa mga LGU, hindi po maaring ibigay ang inyong dose (ika-1 o ika-2 man) sa UP Diliman sa iba, tulad ng inyong dependent: anak, magulang, o asawa.

Hindi kasama ang dependent na hindi kabilang sa A2 at A3 category

Paumanhin po, hindi kasama ang mga dependent na hindi kabilang sa A2 at A3 category. Tingnan po dagdag na kategorya sa itaas. Bago po itong policy (9 May 2021).

Nakakuha na ng unang dose?
Hindi maaring kunin ang ika-2 dose sa UP CHK-QC site

Kung saan ninyo po nakuha ang una ninyong dose (ng Sinovac), doon po dapat kunin ang pangalawa dahil magugulo po ang vaccine allotments ng mga LGUs. Inilaan na po nila iyan sa inyo. Magugulo ang supply data nila.

Pagbababakuna: Depende sa Kalusugan

Kumporme sa inyong kalusugan o kalagayan kung kayo'y mababakunahan. Tingnan ang listahan ng mga karamdaman (comorbidity). Kung may ganito kayong karamdaman, kasama kayo sa kategoryang A3 at isa sa mga uunahing mabakunahan (pagkatapos ng A2, mga senior citizens).

Bukod sa hindi kayo mababakunahan, apat ang puwedeng mangyari sa vaccination site ayon sa inyong karamdaman o kalusugan.

Mababakunahan Kayo Ngunit....

Ipagpapaliban ang bakuna kapag....

  • Kasalukuyang may impeksyon ng COVID-19* o may sintomas na: lagnat / panginginig, panghihina, ubo, sipon, pananakit ng ulo, lalamunan o kalamnan, kawalan ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, rashes

  • May exposure sa confirmed o suspect na kaso ng COVID-19* sa nakaraang 14 na araw

  • Nakakuha ng convalescent plasma o monoclonal antibodies para sa COVID-19 nitong nakaraang 90 na araw

  • Nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis

  • Nakakuha ng kahit na anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw

  • Na-admit sa ospital, nagkaroon ng atake, or nagbago ng gamot para sa co-morbidities sa loob ng nakaraang 3 buwan

  • Hypertensive emergency o blood pressure >180/120 na may sintomas ng posibleng organ damage**


*Ang mga dating nagkasakit ng COVID-19 ay maaaring mabakunahan pagkatapos magrecover o makumpleto ang paggamot.**Mga senyales at sintomas ng target organ damage sa hypertensive emergency: pananakit ng ulo, panlalabo ng mata, hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib, atbp.

May karagdagang pag-iingat* kapag....

  • May sakit sa pagdurugo o kasalukuyang umiinom ng blood thinners

  • May allergy sa pagkain, itlog, o gamot

  • May history ng asthma

Para sa may allergy sa pagkain, itlog, gamot, o may history ng asthma, sila ay babantayan ng 30 minuto pagkatapos mabakunahan. Para sa may sakit sa pagdurugo o kasalukuyang umiinom ng blood thinners, sila ay gagamitan ng gauge 23 o 25 na syringe para sa bakuna.

Kailangan ng medical clearance kapag....

  • May autoimmune disease (tulad ng lupus, Guillain-Barre Syndrome, atbp.)

  • May HIV

  • May kanser na kasalukuyang naggagamot (Chemo/radio/immunotherapy)

  • Sumailalim sa organ transplant

  • Umiinom ng steroids***

  • Nakaratay sa kama o may sakit na hindi tataas sa anim (6) na buwan ang taning


***Kasalukuyang umiinom ng steroids na lampas sa 14 na araw o kung ang dose ay higit sa 20 mg kada araw para sa prednisone.

Kailangan ng reseta, hospital records, o medical certificate kapag....

May karamdamang (comorbidity) HINDI kasama sa mga sakit na nangangailangan ng medical clearance.

Kailangan po rito ang pagpapatunay na kayo ay may co-morbidity o karamdaman na nangangailangan ng panghabambuhay o mahabang gamutan, pagbabago ng lifestyle at mataas ang risk sa masamang dulot ng pagkakasakit ng COVID-19.

PAALALA SA PATUNAY

Ang medical certificate ay binigay hindi hihigit pa sa nakaraang 6 na buwan. Malinaw dapat ang pagkakasulat ng iyong pangalan, at pangalan at lisensya ng inyong doktor.

Ang reseta po ay dapat hindi hihigit sa nakaraang 1 taon, malinaw ang inyong pangalan, pangalan at numero ng doktor.

Magkaiba ang medical certificate at medical clearance.


Kahit May Comorbidity, Dapat 'Controlled' Ito

Kung kayo'y may comorbidity at may patunay nito (medical certificate, medical clearance, atbp.), kailangan "controlled" ito bago kayo bakunahan. Ibig sabihin:

  • Kasalukuyang walang sintomas

  • May stable na vital signs (temperatura, blood pressure, pulso)

  • Walang atake ng karamdaman, hindi kinakailangan ma-admit sa ospital o magpalit ng gamot sa huling 3 buwan.

  • Kasalukuyang hindi naka-admit sa ospital

Source: DOH

Dapat pirmado ang 'Informed Consent' Form

Kailangan boluntaryo ang inyong pagtanggap ng bakuna. Kaya hindi kayo babakunahan hangga't hindi niyo napipirmahan ang Informed Consent Form (Forms).

Kilalanin ang Sinovac at alamin ang mga pangunahing kaalaman ukol pagbabakuna upang kayo'y makapagbigay (o hindi) ng inyong Informed Consent. Tingnan ang pages ukol sa Sinovac at sa bakuna.

Paano ang Senior Citizens?

Pinayagan na ng Department of Health at Food and Drug Administration noong 7 Abril ang paggamit ng Sinovac para sa mga senior citizens, ngunit kailangang may kaakibat na mahigpit at mabusising pagsusuri ng kalusugan at "exposure risk" bago ito ibigay.

SanggunianDepartment of Health. 2021. "DOH, FDA Green-light Coronavac for Senior Citizens." Department of Health, 7 April. https://doh.gov.ph/doh-press-release/DOH-FDA-GREEN-LIGHT-CORONAVAC-FOR-SENIOR-CITIZENS
Kaunting BackgroundDahil sa safety protocols, hindi sinama ang mga elderly sa mga unang trials para sa bakuna. Ngunit ngayon naibigay na ito sa marami, maari nang tumuloy nang may pag-iingat. Lahat po ng bakuna ay nasa ilalim ng EUA, kaya laging pong mamanmanan ang mga "special populations," kasama na rito ang elderly.

Nagka-COVID-19 ako. Puwede ba ako magpabakuna?

Ang mga dating nagkasakit ng COVID-19 ay maaaring mabakunahan pagkatapos magrecover o makumpleto ang paggamot. Source (DOH Infographic)

Sa tanong na “Are the vaccines safe for those who have recovered from COVID-19,” ang sagot ng DOH ay,

"All individuals who contracted COVID-19 may be vaccinated after recovery or completion of treatment, whether for first or second dose, without restarting the vaccine dose schedule." (Source, FAQ Masterlist)


Wala na rin pong dapat sintomas. Hindi na kailangang maghintay ng 90 araw.

Paano ang Buntis, Nagpapasuso, May High Blood, Diabetes, Asthma, Kanser, atbp.?

Kasama rin sa *** ang ilang piling allergy, allergic rhinitis, immunocompromised o gumagamit ng immunosuppressant. Bilang sa kategoryang A3 ang mga 18 to 59 edad at may comorbidity.

Paano kung may karamdaman/kalagayan akong hindi nakalista sa itaas?

Sumangguni sa inyong doktor.

PAALALA

Maging tapat at kumpleto sa inyong mga sagot—sa Forms man or sa tanong ng volunteers—ukol sa inyong kalusugan at medical history. Huwag pong ikahiya, ikatakot, o bale-walain.

Kailangan po nating matiyak ang inyong kaligtasan at magkaroon ng sapat na batayan kung kayo nga'y maaring mabakunahan. Kung hindi sigurado, magtanong sa doktor sa vaccination site.