Registration/Scheduling

Paano po mag-re-register?
Kailan po ako mababakunahan?

Manggagawa sa UP Diliman, kasama ang mga UP System na sa UP Diliman ang assignment

  1. Kung hindi pa naka-register dati, sagutan ang UP CHK-QC Vaccination Site Registration Form


Ito ang link sa Registration Form para sa mga:

  • 1. Hindi nagpalista dati na gusto nang magpabakuna ngayon

  • 2. Nagsabing hindi tutuloy dati pero nagbago ang isip at magpapabakuna na

  • 3. Nagpalista dati, pero hindi nagconfirm, pero gusto na magpabakuna


  1. Abangan ang schedule ng inyong pagbabakuna.

Tandaan lang po na maaring hindi agad-agad kayong mabigyan ng schedule sapagkat sinusunod ng UP Dilimang ang priority scheme ng gobierno (A2 at A3 muna, atbp.).

Para sa mga Babakunahan ng May 17–21

Mahal na kasama,

Kung kayo’y nakatanggap ng email na kayo’y mababakunahan ngayong darating na linggo (May 17–21), pakihintay lamang po ang panibagong update ukol sa takdang araw at oras ng inyong pagbabakuna.

Naghihintay po tayo ng bagong supply ng bakuna. Makikipag-ugnayan ulit kami sa inyo sa lalong madaling panahon. Maraming salamat at patuloy tayong mag-ingat.

— 15 May 2021

Bukod sa mga empleyado ng UP Diliman, heto ang ilang pang puwedeng mabakunahan.....

    1. Ayon sa 9 Mayo 2021 na memo, maari nang mabakunahan ang mga sumusunod:


  • A2 at A3 na dependent ng mga guro at kawani, kasama ang mga kasambahay at caregiver (A2 o A3 lamang)**

  • A2 at A3 na manininda sa UP Campus, PUJ drivers ng UP Campus, at kawani ng PNB/LBP/Veterans Bank (A2 at A3 lamang)**

Magpa-register kayo gamit ang form na ito.

**Ayon ito sa memo ng Office of the Vice Chancellor for Community Affairs (Tingnan dito)


Mga Katanungan

Paano kung hindi ako naka-register o nag-confirm dati?

Kung kayo'y UPD Employee at hindi kayo nakafill out ng registration form (s) dati or hindi nakapag-confirm, gamitin ang UP CHK-QC Vaccination Site Registration Form na nasa itaas.

Sino ba ang uunahing mababakunahan?

Ibinibigay ang schedule ng pagbabakuna ayon sa priority scheme ng gobierno, kaya uunahin/inuuna una ang mga nasa kategoryang A:

  • A1 (Frontline healthcare workers)

  • A2 (senior citizens)

  • A3 (18 to 59 taon na may controlled comorbidity)

  • A4 (Frontline personnel in essential sectors, including uniformed personnel)

  • A5 (Indigent population/mga mahihirap)

Pagkatapos, susunod na ang nasa kategorya B at C:

  • B1 (Guro at social workers)

  • B2 (Iba pang empleyado ng gobierno)

  • B3 (Iba pang essential workers)

  • B4 (Iba pang may mataas na panganib mula sa COVID-19, maliban sa senior citizens at indigent population)

  • B5 (OFWs)

  • B6 (The remaining workforce)

  • C (The rest of the population)

Bakit hindi pa ako nabibigyan ng schedule?

May ilang posibleng dahilan:

  1. Hindi kayo nakapag pre-register (gamit ang mga dating ipinadalang forms)

  2. Nakapag pre-register kayo, pero hindi nakapag confirm na tutuloy.

Kung andito kayo sa 1 and 2, pakisagutan na ang Form sa itaas para maisama kayo sa listahan ng babakunahan.

  1. Kung kayo ay nakatanggap ng email na kayo ay nasa listahan ng kumpirmadong babakunahan pero hindi pa nakakatanggap ng iskedyul, marahil ito ay dahil nasa susunod pa kayo na batch. Tingnan ang "Sino ba ang uunahing mabakunahan"