Advisories

14 July 2021: Ulat sa Komunidad: Bakunahan sa Diliman

Dito po ipo-post ang ulat sa komunidad.

13 July 2021: Iskedyul ng 2nd Dose ng Sputnik V

Tingnan po ang advisory.

3 July 2021: Para Sputnik V recipients ng UP-CHK-QC Vaccination Site

Para sa lahat ng nabakunahan ng Sputnik V sa UP CHK Vaccination Site:

Nais po naming iparating sa inyo na mauurong ang pagbibigay ng pangalawang dose ng inyong bakuna.

Ipinaalam ng national government at ng Quezon City LGU na hindi makakarating ang mga bakuna mula sa supplier sa itinakdang iskedyul. Para sa detalye nito, magtungo lang sa https://www.facebook.com/QCGov/posts/605195730868188

Nilinaw naman sa pahayag ng NTF for COVID-19 na hindi mawawalan ng bisa ang unang dose kung maantala man ang pagtanggap ng pangalawang dose.

Ang mga apektadong iskedyul ay ang sumusunod:

  • Hulyo 2 at 3

  • Hulyo 5, 6 at 7

  • Hulyo 10

Sa oras na dumating ang pangalawang dose ng Sputnik V, makakaasa kayong padadalhan namin agad ng abiso ang lahat ng naapektuhang vaccinees sa pamamagitan ng email o sms para sa inyong bagong iskedyul.

Ang lahat ng impormasyong ito ay na-email at na-text na rin nitong nakaraang linggo sa mga kinauukulan.

Habang inaantay natin ang supply ng bakuna, patuloy tayong sumunod sa minimum health and safety protocols. Ingat at maraming salamat.

15 May 2021: Para sa Mga Babakunahan ng May 17–21

Mahal na kasama,

Kung kayo’y nakatanggap ng email na kayo’y mababakunahan ngayong darating na linggo (May 17–21), pakihintay lamang po ang panibagong update ukol sa takdang araw at oras ng inyong pagbabakuna.

Naghihintay po tayo ng bagong supply ng bakuna. Makikipag-ugnayan ulit kami sa inyo sa lalong madaling panahon. Maraming salamat at patuloy tayong mag-ingat.

— 15 May 2021

9 Mayo 2021: retiradong empleyado't dependent ng UP Diliman, atbp. na kabilang sa A2 o A3, mababakunahan na sa UP CHK-QC Vaccination Site

Sa linggong ito (Mayo 10 onwards) ay magpapadala ang QC Health Department ng karagdagang bilang ng bakuna na Sinovac. Ito ay maaaring ilaan lamang sa mga A2 at A3 na mga indibidwal.

Bukod sa ating mga guro, kawani at agency personnel, bubuksan na din natin ang listahan ng mababakunahan sa mga sumusunod:***

1. Mga nagretirong guro at kawani at ang kanilang asawa; at***

2. Mga dependents ng mga guro at kawani, kasama ang mga kasambahay at caregivers.***

Bubuksan din ito para sa ibang mga kasamahan natin sa UP Kampus tulad ng mga manininda, PUJ drivers, at mga kawani ng PNB/LBP/ Vererans Bank.****

Bibigyang prayoridad ang mga nakatira sa mga barangay ng QC sa loob ng 3 kilometrong radius mula sa UP Oblation. Hinihiling po namin na inyong mapaabot sa inyong mga retirado at kasalukuyang guro at kawani ang registration form na nasa link sa ibaba kung sila ay interesadong magparehistro. Maisumite sana nila ito hanggang sa Martes, 11 Mayo 2021.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScV_- SqdB8kSsL0zaa4Gc0ZeZOrxMmujQuj_slw6i4a0nhHow/viewform?usp=sf_link

Maraming salamat at muling umaasa sa inyong patuloy na kooperasyon.

—Halaw ito sa Memorandum ABB 21-14 ng Opisina ng Bise Tsanselor Para sa Gawaing Pangkomunidad (9 May 2021)

***Magpunta sa Registration/Scheduling Page para magpa-register