Laging bumalik dito para sa mga updates
Basahin o panoorin ang mga videos o infographics.
Tandaan: Tamang Kaalaman, Mabuting Kalusugan.
Hindi, ang mga ulat ng namatay ay dahil sa COVID-19 at hindi dahil sa bakuna.
Walang relasyon ang kanilang pagpabakuna sa mga naiulat na namatay dahil sa COVID-19.
Hindi ka maaaring makakuha ng COVlD-19 MULA sa bakuna dahil walang Ilve virus sa mga bakunang binibigay ngayon.
Tingnan ang infographic na ito.
Ang mga dating nagkasakit ng COVID-19 ay maaaring mabakunahan pagkatapos magrecover o makumpleto ang paggamot. HIndi na kailangang hintayin ang 90 na araw pagkatapos makarecover.
Gaya ng ibang pagbabakuna, nangangailangan pa rin ng oras para sa iyong katawan na bumuo ng proteksyon sa COVID-19. Protektado ka lamang hanggang sa isang linggo o dalawa pagkatapos ng iyong second shot. Tandaan, ang pagbabakuna ay isa lamang sa maraming mga solusyon laban sa pandemya.
Kailangan pa rin nating magpatuloy sa magsuot ng mga face masks, pagsunod sa 1m physical distancing, pag-iwas sa mga kumpulan, at madalas na paghuhugas ng kamay upang maprotektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya.
Ang pandemyang ito ay kumuha ng maraming buhay, at patuloy pa nitong nilalagay sa peligro ang buhay ng nakararami. Pinahina din nito ang ating ekonomiya at maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil dito.
Sa pagkatuklas ng bakuna laban sa COVID-19, nagkaroon tayo ng oportunidad na malabanan ang pandemyang ito! Sa tulong ng mga bakuna ay:
(1) maiwasan natin ang sintomas ng impeksyon,
(2) posibleng maiwasan ang malalang impeksyon at
(3) matigilan din ang pagkalat nito.
Gayunpaman, gaya ng iba pang mga bakunang ginagamit sa nagdaang dekada, ang abilidad nitong protektahan ang ating komunidad ay tataas lamang kung hindi bababa sa 70% ng ating populasyon ay bakunado. Halimbawa, kung ang iyong baranggay ay mayroong 100,000 katao, hindi dapat bumaba sa 70,000 ang dapat mabakunahan upang matiyak ang proteksyon ng buong komunidad. Kaya ating tandaan, ang pagbabakuna ay hindi lamang para sa’yo o sa iyong pamilya, ito ay para din sa iyong barangay, lungsod at probinsya.
Ang national government ay nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang maihatid ang bakuna sa inyo. Ang lokal na pamahalaan naman ang maghahanda ng pagpaparehistro at pag-aayos ng schedule ng pagbabakuna.
Mangyaring abangan ang anunsyo at instructions na magmumula sa iyong mga mayor o governors ukol dito.
Ayon sa WHO (2020),
'Herd immunity', also known as 'population immunity', is the indirect protection from an infectious disease that happens when a population is immune either through vaccination or immunity developed through previous infection.......Vaccinated people are protected from getting the disease in question and passing on the pathogen, breaking any chains of transmission.....
To safely achieve herd immunity against COVID-19, a substantial proportion of a population would need to be vaccinated, lowering the overall amount of virus able to spread in the whole population. One of the aims with working towards herd immunity is to keep vulnerable groups who cannot get vaccinated (e.g. due to health conditions like allergic reactions to the vaccine) safe and protected from the disease.
Panooring ang WHO video na ito o ang paliwang ni Dr. Edsel Ayes ng Philippine Genome Center sa kanyang webinar noong Pebrero 2021 (Nasa bandang 1:00:40)
***
WHO. 2020. "Coronavirus disease (COVID-19): Herd immunity, lockdowns and COVID-19." World Health Organization, last updated 31 December 2020. https://www.who.int/news-room/q-a-detail/herd-immunity-lockdowns-and-covid-19
Ang national government ay nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang maihatid ang bakuna sa inyo. Ang lokal na pamahalaan naman ang maghahanda ng pagpaparehistro at pag-aayos ng schedule ng pagbabakuna.
Mangyaring abangan ang anunsyo at instructions na magmumula sa iyong mga mayor o governors ukol dito.
Maaari kang makaranas ng side effects, tulad sa trangkaso. Pero mawawala dapat ito pagkatapos ng ilang araw. Huwag mag-alala, senyales ito na bumubuo ng proteksyon laban sa sakit ang katawan mo. Karamihan ay nakakaranas ng lagnat o sakit at normal ito.
Kontakin ang iyong health care provider kung ang pamumula o pagiging sensitibo ng lugar kung saan ka tinurukan ay lumala pagkatapos ng 24 na oras at kung nag-aalala ka sa inyong mga sintomas, o mukhang di sila nawawala pagkatapos ng ilang araw.
Hindi. Iisang brand ang gagamitin para sa parehong dose ng bakuna, upang matiyak ang pinakamataas na antas ng proteksyon ng nabakunahan.
Sa ngayon, sa iisang brand ng bakuna manggagaling ang bawat dose na ibibigay sa iyo dahil sa magkakaiba ang efficacy at immunogenicty ng bawat brand ng bakuna.
BUKAS NA DIYALOGO
Mayroong tuloy-tuloy na pag-uusap sa pagitan ng mga regulatory bodies at maagang nakakapagbigay ng abiso ang mga developers ukol sa kaligtasan at bisa ng bakuna .
POKUS
Pinagsama-sama ng gobyerno, akademya, at mga developer ang kanilang kakayahan upang bigyang pansin ang layuning ito.
PERA / RESOURCES
Nagkaroon ng insentib ang mga developers dahil may siguradong bibili ng produkto nila kung ito ay nasiguradong ligtas at epektibo.
Hindi. Tanging ang mga bakunang nakatapos ng phase 4 clinical trials ang nabibigyan ng Certificate of Product Registration (CPR) at commercial availability. Ang karamihan ng mga bakuna sa COVID-19 ay kasalukuyang nasa phase 3, kaya ang procurement ng mga bakuna ay dadaan sa tripartite agreement ng gobyerno at manufacturers.
Isinasaalang-alang ang mga sumusunod sa pagpili ng bakuna na ayon sa pagtitimbang na iniuugnay sa bawat kategorya:
Track record ng manufacturer o developer
Kapasidad ng ating infrastructure ukol sa pag-imbak nito
Kung ito ba ay ligtas ayon sa Phase 1 at 2 clinical trials
Posibleng bisa ng bakuna ayon sa Phase 2 clinical trial
Posibleng bisa at kaligtasan base sa naisapublikong interim na resulta ng Phase III clinical trial o kung ito ay mayroon ng EUA
Proseso ng pagbibigay ng bakuna
Sa ngayon ay may limitadong supply ng bakuna sa buong mundo. Sa katunayan ay 80% ng stocks sa buong mundo ay nabili na ng mga high income na bansa.
Dahil walang iisang kumpanya ang maaaring mag-supply ng 110 Million na bakuna sa Pilipinas ay nakikipag-usap ang ating gobyerno sa pitong (7) manufacturers. Sinisuguro natin na ang mga bakuna na makakatanggap ng Emergency Use Authorization lamang ang bibilhin at gagamitin ng ating gobyerno.
Nagbibigay ang EUA ng assurance o katiyakan na ang bakuna ay dumaan sa masusing pagsusuri at nire-rekomenda ng mga hiwalay na grupo ng mga eksperto.
Hindi mo rin kailangang mag-alala, ang bakuna laban sa COVID-19 ay hindi magbibigay ng COVID-19 sayo.
Dahil kailangan natin masiguradong patuloy na makakapagtrabaho ang ating health system, ang mga medical frontliner ang unang makakatanggap ng bakuna.
Susunod dito ang mga eligible senior citizens dahil sila ay nasa greatest risk ng severe infection o kamatayan. Alam natin ito dahil sa ating lokal na datos na mas mapanganib ang COVID-19 sa mga matatanda.
Ang pagkakasunud-sunod na kung sino ang unang makakatanggap ng bakuna ay natukoy sa tulong ng mga eksperto.
Ibibigay ng gobyerno ang bakuna nang libre. Wala ka dapat babayaran para makapagpabakuna.
Sa kasalukuyan, wala pang kakayahan ang PIlipinas na gumawa ng sarili nitong bakuna. Para masigurong may sapat na supply ng bakuna para sa lahat, nakasalalay ang bansa sa pagbili ng mga bakuna, pagsali sa mga Phase 3 clinical trial, at pagsali sa mga multilateral na negosasyon gaya ng COVAX Facility.
Hindi. Lahat ng bibilhing bakuna ng gobyerno ay dumaan sa masusing regulatory process. Lahat ng bakunang aprubado ng Philippine FDA ay ligtas at epektibo, anumang brand ito.
Ang pagpili ng mga uunahing lugar ay nakabase sa burden of disease kung saan sinusukat kung ilan ang kasalukuyang aktibong kaso at kung ilan ang porsyento ng populasyon ang may naturang sakit o ang attack rate. Ang bilang ng aktibong kaso ay natutukoy sa pagbawas ng mga gumaling at namatay sa kabuuang bilang ng nagkasakit. Samantalang nakokompyut ang attack rate sa pamamagitan ng pagkuha ng porsyento ng kabuuang bilang populasyon na nagkasakit sa loob ng nakalipas na apat na linggo gamit ang multiplier na isang-daang libong populasyon.
Ang pagbigay ng Emergency Use Authorization ay isang risk-based na proseso sa pagsusuri ng mga bakuna o gamot na kasalukuyang pinag-aaralan bilang tugon sa mga public health emergency. Layunin nitong mapabilis ang pagkakaroon ng access sa mga bakuna o gamot sa panahon ng pangangailangan. Tinitignan ng prosesong ito ang kalidad, kaligtasan, at bisa ng mga sinusuring bakuna o gamot.
Samantalang ang full market authorization ay binibigyang pahintulot sa mga fully-developed therapeutics or vaccines. Ang ibig sabihin nito na ang mga produkto ay ganap nang nakumpleto ang Phase IV clinical trials at nakapasa sa initial registration requirement na tatlong taon na monitored release bago mapagkalooban ng market authorization para sa general use.
Ang “immunogenicity” ay tumutukoy sa kakayahan ng anumang uri ng antigen o bakuna na magbunsod ng immune response ng katawan. Kaugnay nito ang natural na biyolohikal na mekanismo ng ating katawan laban sa mga impeksyon.
Mga karaniwang katanungan ukol sa pagbibigay ng bakuna sa Pilipinas
Alamin kung paano, gaano, at gaano katagal ang proteksyong naibibigay ng mga bakuna
Maling impormasyon = Maling desisyon
A campaign to help fight vaccine misinformation
Paano nga ba tayo naproprotektahan ng mga bakuna? Alamin ang siyensya.
Tingan ang paliwang ng isang DOH video.
Tingan ang paliwang ng isang DOH video.
Tingan ang paliwang ng isang DOH video.
Tingan ang paliwang ng isang DOH video.
Tingan ang paliwang ng isang DOH video.
Tingan ang paliwang ng isang DOH video.
Streamed 29 January 2021
Streamed 5 February 2021
Mula sa TVUP
Ano ang kailangang malaman ukol sa Bagong Bugso ng COVID-19?
Alamin ang ukol sa mutations, variants and vaccines.