Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko
Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko
Ano ang ibig sabihin ng IDEOLOHIYA?
Ang Ideolohiya ay isang Sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito. Galing ito sa salitang “ideya” o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.
Ito ay ipinakilala ni Antoine Desttutt deTracy bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. Makikita sa kanan ang lawarang ni Desttutt deTracy.
Iba’t ibang kategorya ng Ideolohiya:
PANGKABUHAYAN
Nakasentro ito sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan paramga mamamayan
PAMPOLITIKA
Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala.
PANLIPUNAN
Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan
Ngayon, ating alamin ang ibat-ibang ideolohiya batay sa kategorya nito.
HANDA KA NA BA?
Buksan ang link na nasa ibaba at suriin ang ibat-ibang uri ng ideolohiya.
Gawing gabay ang tanong na ito:
1. Paano nakaapekto ang ideolohiya ng bansa sa pag-unlad ng kabuhayan nito?
NGAYON, HANDA KA NA BA SA PAGSUSULIT? SAGUTIN ANG SIMPLENG PAGSUSULIT NA ITO.
quizizz.com/join/quiz/61036753f5f4a4001cab2f0/start?studentShare=true