Magandang araw! Simulan natin ang linggong ito ng diskusyon tungkol sa Heograpiya at ang mga Tema nito . Ano nga ba ang pinagmulan ng salitang Heograpiya?
Nagsimula ang salitang heograpiya sa wikang Griyego na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
Upang malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa katuturan ng heograpiya , panuurin ang bidyu sa baba.
(bidyu tungkol sa Katuturan ng Heograpiya at ang Limang Tema nito)
Ang Prime Meridian na pumasa sa Greenwich ay kilala bilang zero degrees Longitude na may pinakamataas na pagiging 180Ëš sa parehong silangan at kanluran ng mapa.
Ang terminong Longitude ay ginagamit upang tumukoy sa mahabang linya sa globo o mapa sa pagitan ng hilaga at ng South Pole. Ang terminong Latitude ay ginagamit upang sumangguni sa mga lateral na linya sa mundo na umaabot sa pagitan ng silangan at kanluran.
Ang ekwador ay zero degrees Latitude na may pinakamalayo mula sa equator na 90. Patungo sa hilagang 90H ng Latitude ay magpahiwatig ng North Pole habang patungo sa timog 90 ay magpahiwatig sa South Pole
Ang equator ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispero. Ito rin ay itinatakdang zero degree latitude.
Ang Tropic of Cancer ang pinakadulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.5˚ hilaga ng equator.
Ang Tropic of Capricorn ay ang pinakadulong bahagi ng Southern Hemipshere na direkta ring sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito sa 23.5˚timog ng equator.
Tingnan at alamin ang mga kontinente ng daigdig!
Napakarami pang sulok ng daigidg at mga imporamasyon tungkol dito ang dapat nating malaman , kung kaya sabay nating idiskubre ang planetang Earth gamit ang 3D Map na makikita sa baba. Maaari itong i-zoom out at i-zoom in saan mang bahagi ng daigdig mo nais . Sa paraang ito ay mas maiintindihan ang posisyon ng mga kontinento at mga bansa maging ng mga anyong tubig at lupa na matatagpuan sa malamawak nating mundo. Enjoy!
https://tal.lifehackk.com/15-all-about-the-earths-crust-1441114-8119
meteorologiaenred.com/tl/core-ng-mundo.html
https://tl.weblogographic.com/difference-between-longitude-and-latitude-1414