MAGANDANG ARAW!
MAGANDANG ARAW!
Sa linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat- etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig) AP8HSK-Ie-5
PAALALA!!!
Maaaring maglaman ang paksang ito ng mga ideya at paniniwalang iba sa iyo. Kung maaari, ipag-isang tabi mo muna ang anumang palagay mo habang pinag-aaralan ang araling ito.
Magkaroon ng malawak na isipan. Ito naman ay para lamang sa iyong pag-aaral. Makakaya mo ba ito? Kung kaya mo, magaling!
Matapos pag-aralan ang araling ito, makakaya mo nang tukuyin ang iba’t ibang
relihiyon sa daigdig. Kaya mo na ring ilarawan ang mga pinagmulan, mga paniniwala at mga kaugalian ng mga ito. GOODLUCK!
Isa ang relihiyon sa mga salik ng heograpiyang pantao. Ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga tao tngkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa slitang Latin na "religare", na nangangahulugang "buuin ang mga bahagi para magkakaisa ang kabuuan nito".
Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon ay naging batayan ito sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang araw-araw na pamumuhay.
Kristiyanismo ang pinakamalaki at pinakalaganap na relihiyon sa daigdig. Subalit hindi lamang Kristiyanismo ang relihiyon mayroon ang buong mundo. Mayroon ka bang mga nalalaman tungkol sa ibang relihiyong ito? Marahil, may mga kapitbahay ka’t kaibigan na kabilang sa ibang relihiyon. Ano ang pakiramdam mo tungkol sa kanila?
Sa linggong ito ating tatalakayin ang iba’t ibang relihiyon at ang mga paniniwala nito. Tuturuan ka rin kung paanong mamuhay nang matiwasay kasama ang mga taong ito sa kabila ng kaibahan sa paniniwala upang magkaroon ng mapayapang pamayanan, bansa at daigdig.
HANDA KA NA BA?
Ngunit bago iyan, sagutin mo muna ang iilang katanungang nakapaloob sa link sa ibaba.
https://pollev.com/free_text_polls/09q0MiAvh2HotxpLmy1Kq/respond
MABUTI!
Ngayon ay ipagpatuloy mo na ang pagtuklas sa araling ito. Pagbutihan mo!
Sabay-sabay nating pag-aralan at tuklasin ang iba’t-ibang relihiyon sa daigdig.
Upang maunawaan ang konsepto ng Relihiyon kaugnay sa Heograpiyang Pantao, panoorin ang bidyu na nasa ibaba. ENJOY!
Pagkatapos mong mapanood ang nasabing bidyu, sagutan ang “PAGTAMBALIN MO!” activity na nakapaloob sa link sa ibaba.
“PAGTAMBALIN MO!”
https://quizizz.com/join/quiz/60dd9eaf14911e001bd1a5bb/start?studentShare=true
Upang mas maunawaan ang mga konsepto at mga paniniwala sa mga rehiyong nabanggit, panoorin at intindihin mo ang bidyu na nasa ibaba, at sagutan mo ang “IREVEAL MO YAN TE!” activity pagkatapos nito.
PANOORIN MO AKO!
(MGA PANGUNAHING RELIHIYON SA DAIGDIG)
“IREVEAL MO YAN TE!”
https://quizizz.com/join/quiz/60dd935d14911e001bd19ea9/start?studentShare=true
TRIVIA! TRIVIA! TRIVIA!
Alam mo ba na . . .
Ang Pilipinas ang kaisa-isang bansang Kristiyano sa buong Asya? Romano Katoliko ang mahigit sa 86% ng populasyon ng Pilipinas. Ang natitira ay mga Muslim, mga Protestante, mga Aglipayano o miyembro ng Philippine Independent Church, o mga kabilang sa sektang Iglesia ni Kristo. Mayroon ding mga Budista at animista, ngunit kakaunti lamang ang bilang ng mga ito.
Alam mo ba na . . .
Tinatawag ding mga Moslem ang mga Muslim. Ngunit alam mo ba na kadalasang napagkakamalang salitang Arabo ang Moslem na nangangahulugang “maniniil?” Kaya higit na gusto ng mga Muslim na huwag silang tawagin sa ganitong pangalan.
Alam mo ba na . . .
Magkakatulad ang mga banal na kasulatang ginagamit ng mga Hudyo, Kristiyano at Muslim? Tanakh ang tawag dito ng mga Hudyo, Lumang Tipan ang sa Kristiyano at Koran naman ang sa mga Muslim. Para sa tatlong relihiyong ito, banal ang mga kasulatang ito sapagkat nakatalaga rito ang mga salita ng Diyos.
DAGDAG NA KAALAMAN!
Naniniwala ang mga Kristiyano na maililigtas sila sa pamamagitan ni Kristo. Hindi lamang sila tinuruan na mahalin ang isa’t isa, tinuruan rin sila na mahalin ang Diyos nang higit sa lahat.
Naniniwala ang mga Muslim na maililigtas sila sa pamamagitan ng pagsunod sa Utos ng Diyos o Allah.
Naniniwala ang mga Hindu sa isang makapangyarihang puwersa na kabuuan ng lahat ng bagay at kasabay nito’y humihigit pa sa lahat ng bagay. Naniniwala sila sa mga batas ng karma at reinkarnasyon.
Naniniwala ang mga Hudyo, tulad ng mga Muslim, ng mahalaga ang pagsunod sa mga utos ng Diyos. Ibinabatay nila ang kanilang mga ritwal at kaugalian sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Tanakh.
Hinahangad ng mga Buddhist na mamulat mula sa mga illusyon ng mundo at marating ang nirvana, isang kalagayan ng ganap na kalayaan mula sa paghihirap at ilusyon.