ANG REBOLUSYONG AMERIKANO
ANG REBOLUSYONG AMERIKANO
Ang REBOLUSYONG AMERIKANO (1765-1783) ay isang digmaan sa pagitan ng Dakilang Britanya at ng orihinal na 13 kolonya ng Britanya sa Amerika. Ang Digmaan para sa kalayaan sa Amerika ay kilala sa katawagang Himagsikan sa Amerika. Nagpasimula ang himagsikan nang ang mga Ingles nanaging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa malabis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles nguni’t wala naman silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing
TANDAAN!
Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776 at pagkatapos sila’y nagbuo ng isang malakas na hukbo na magiging tagapagtanggol nila sa mga hinaharap na alitan o sigalot sa Britanya. Ang Digmaan para sa kalayaan ay naging dahilan sa pagbubuo ng Estados Unidos ng Amerika
Sabay nating alamin kung ano ba ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano. Ating tuklasin kung paano nagsimula at ang dahilan ng digmaan para sa Kalayaan. Kasabay din nito ang ating pagkilala sa mga tanyag at pangunahing tagapagtaguyod ng Kalayaan.
HANDA KA NA BA ?
Simulan nating alamin ang, Labintatlong Kolonya.
Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagpasimula nang lumipat at manirahan sa Hilagang Amerika noong pang ika-17 siglo. Karamihan sa kanila ay nakaranas ng mga persekyusyon dahil sa kanilang mga bagong pananamplataya na resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europa. Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya. Bawa’t isa ay may mga sariling lokal na pamahalaan.
Ano-ano ang mga ito?
Panoorin ang video na ito upang mas maintindihan ang Rebolusyong Amerikano o American Revolution.
Gawin gabay ang sumusunod na tanong:
1: Paano nagsimula at nagwakas ang Rebolusyong Amerikano?
Sa pangkalahatan, nagbigay ang ‘pagkamulat-pangkaisipan’ ng ideya at wika na siyang ginamit ng mga Amerikano sa kanilang Rebolusyon.
Ang mga kolonya ay walang representante sa Parliamento ng Britanya sa London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa malabis na buwis na ipinapataw sa kanila. Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang “walang pagbubuwis kung walang representasyon”
Ang Boston Tea Party ay isang makasaysayang pangyayari sa Rebolusyong Amerikano. Ito ay ang pagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya.
Intolerable Acts ang tawag sa batas na ipinasa ng pamahalaang Britanya bilang kaparusahan sa mga sangkot sa insedente na nangyari pantalan ng Boston harbor sa Massachusetts (Boston Tea Party).
Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan ng Britanya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya
NGAYON, HANDA KA NA BA SA PAGSUSULIT? SAGUTIN ANG SIMPLENG PAGSUSULIT NA ITO.
quizizz.com/join/quiz/610362b32d669f001bcc3c5e/start?studentShare=true