MAGANDANG ARAW!!!
Most Essential Learning Competency:
Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng kolonyalismo.
MAGANDANG ARAW!!!
Most Essential Learning Competency:
Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng kolonyalismo.
Sa linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Natutukoy at nailalahad ang mga mabuti at di-mabuting epekto sa unang yugto ng kolonyalismo;
Nakapaglalarawan sa mga naging epekto ng mga mananakop sa mga naging kolonya nito; at
Naibabahagi at napahahalagahan ang mabuting epekto ng kolonyalismo na may kaugnayan sa pamumuhay ng mga Pilipino ngayon.
Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuges ang nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan.
Nakapukaw rin ng interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ang mga eksplorasyon.
Ang mga eksplorasyon na pinangungunahan ng Portugal noong ika-15 siglo ang nagbigay daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at hindi pa natutuklasan. Ito rin ang nagsilbing dahilan sa ugnayan ng Kanluran at Silangan kung saan ang mga dayuhang lupain ay nagtatatag ng permanenting paninirahan o umiiral dito ang sistemang pagkokolonya o ang tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
Dahil sa pananakop at pag-angkin ng mga Kanluranin sa mga lupaing kanilang natuklasan, nasakop at pinamamahala ayon sa kanilang sistema ay nagkakaroon ito ng pagbabago sa buong mundo. Nakilala ang iba’t ibang produkto at dumami ang uri ng pagkain dahil sa kalakalan. Naging sentro ng kalakalang pandaigdig ang Europe sa simula dahil sa pagdami ng pera at paglawak ng kaalaman ng pagnenegosyo. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan. Lumawak ang kalaman sa Heograpiya at sa iba pang larangan ng agham. Nagkakaroon ng maraming ginto at pilak ang Europe. Nagkakaroon ng bagong lahi tinatawag na “Mestizo” dahilan ng pag-aasawa ng mga Kanluranin sa mga taga Silingan.
Sa kabilang dako ng kolonyalismo ito din ang naging dahilan ng pagkamatay ng malaking bilang ng populasyon ng daigdig sa dalang sakit ng mga Kaluranin sa Amerika tulad ng bulutong, tigdas o tipus at nakuhang sakit ng Europeo mula Africa gaya ng “Yellow Fever” at malaria. Tumaas ang kalakalan ng mga alipin na galing sa Africa upang tustusan ng lakas paggawa sa North at South America dahil sa marami sa mga katutubo ang namatay sa mga sakit. Nasira ang kultura ng mga Africa at nabawasan ang populasyon ng Africa. Nagdulot ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng kawalan ng kasarinlan, paninikil at pagsasamantala sa likas na yaman. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sadaigdig na nagresulta ng palitan ng mga hayop, halaman, pati mga sakit sa Old World (Asya, Europe,at Africa) at New World (Hilaga at Timog Amerika) na tinatawag na “Columbian Exchange” bilang pagkilala ni Christopher Columbus na nanguna sa paggalugad sa Amerika.
Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon :
Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan dahil sa kolonisasyon.
Nagdulot ng maraming suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang sakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mga mananakop at pagsasamantala sa likas na yaman ng mga bansang ito.
Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng hayop, halaman, sakit sa pagitan ng Old World at New World.
REBOLUSYONG KOMERSYAL
Sa simula ng ika-14 na siglo, natuklasan ng Germany, Sardinia at Bohemia ang pinagmumulan ng salaping pilak. Sa Italy, nagkaroon noong ika13 siglo ng malubhang suliranin sa dami ng kalakal na dumarating dito.
Natuto ang mga mangangalakal na Italyano ng mas sopistikadong pamamaraan ng pagpapatakbo ng negosyo.
Nakilala rin ang lokal at pandaigdig na pagbabangko. Umabot ito sa pagpapautang na may prenda o kasulatan
Ang Bardi at Peruzzi ang dalawang pinakamalaking mamumuhunan noong panahong humiram si Haring Edward III ng salapi sa mga bangko upang gamitin sa kanyang pagsalakay sa France. Natalo ito at hindi nakabayad sa bangko.
Sa Rebolusyong Komersyal, dalawang bagay ang binigyang-diin –
1. Ang pagkakaroon ng mga bangko upang mapangalagaan ang kanilang salapi; at
2. Pakikipagkalakalan upang lumawak ang kanilang mga bansang nasasakupan.
Pamprosesong Tanong:
1. May kabutihan ba ang pananakop?
2. Paano nakaimpluwensiya ang kolonyalismo?
3. Paano nabago ang pamumuhay ng mga sinakop?