PAG-USBONG NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN
PAG-USBONG NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN
Isa ang Heograpiya sa mga salik na nakakaapekto sa daloy ng kasaysayan lalo na sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ang heograpiya rin ang humuhubog at patuloy na humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan pati narin sa paglinang ng kultura ng mga tao.
Sa tatalakayin natin ngayon ay makikita natin ang kanilang malaking papel na ginagampanan at kung paano nakaimpluwensya ang mga sinaunang kabihasnan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukyan. Dahil sa mga kabihasnang ito ay nagkaroon ng pag-unlad ang ating lipunan, kultura at iba pang aspeto ng ating buhay.
HANDA KA NA BA?
Tara! Sabay nating pag-aralan kung paano ba yumabong ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Ang Kabihasnan ay ang panahon kung saan maunlad na ang pamahalaan, kabuhayan, lipunan at maging ang kultura ng isang pamayanan. Ibig sabihin, may umiiral na mga saligang batas at panuntunan. Ayon sa knowledgePowerTV, ang pagusbong ng kabihasnan ay ang ugat sa mga pagunlad na naganap sa panahong ng Neolitiko. Nabago ang kanilang mga pamumuhay, mula sa pagiging nomads ay nagkaroon ng mga permanenting pamayanan.
Ang mga sinaunang kabihasnan ay nagmula sa mga lambak ilog o tinatawag nating “river valley”. May apat na mahahalagang kabihasnan ang umusbong sa daigdig, ito ang: kabihasnang Mesopotamia na umusbong sa pagitan ng dalawang ilog na tinatawag na, ilog Tigris at Euphrates; kabihasnang Indus, dito umusbong ang kambal na lungsod -Harappa at Mojenjo-Daro; kabihasnang Tsino, ito ang tinuturing na pinakamatandang kabihasnang nanatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Ito ay umusbong din sa tabing ilog malapit sa Yellow River o Huang ho; at ang kabihasnang Egypt, ito ay umusbong sa lambak ilog ng Nile River.
Para mas maiintindahan natin, ating pakinggan ang pangalawang episode ng ALI BAI, HISTORYA TA! podcast. Sa episode na ito ay ibinahagi ang pagyabong ng kabihasnang Mesopotamia. Ihanda ang sarili dahil mabubusog ka sa mga bagong kaalaman na iyong makukuha.
Pakinggan ang podcast ng mabuti at maaring magtala ng mga importanting bagay na naibanggit dito. Maaring sagutan ang mga tanong na ito pagkatapos:
1. Bakit tinawag na cradle of Civilization ang Kabihasnang Mesopotamia?
2. Paano mo mailalarawan ang Kabihasnang Mesopotamia batay sa pamumuhay o ekonomiya, politika, relihiyon at kultura?
Dito sa link na ito ibahagi ang iyong sagot.
1. https://PollEv.com/free_text_polls/dspYGOWCSviaObST4oC32/respond
2. https://PollEv.com/free_text_polls/TQefPiJBOmJFmLgmBu66y/respond
Sinasabi nila na ang Kabihasnan ng Ehipto o Egypt ay magulo at may mahabang dinastiya ang umusbong dito. Samantala ang Kabihasnang Tsino naman ay ang pinakamatandang kabihasnan na nanatili hanggang sa kasalukuyan. Subukan nating suriin ang mga infographics na ito patungkol sa Kabihasnang Tsino at Egypt at gawin nating gabay sapagkatuto. Matapos suriin maari mo bang ibahagi ang iyong konklusyong nahinuha o ang iyong natutunan? E click lamang ang link na nakalagay at naway masaya kang ibabahagi ang iyong natutunan.
https://PollEv.com/free_text_polls/i8qseaXO7nVkRCc9OasGY/respond
Handa ka na ba?
Sinasabi nila na mas marami tayong nalalaman tungkol sa kabihasnang Mesopotamia kumpara sa Kabihasnang Indus. Bakit kaya? Tara ating alamin buksan ang link at maari nating sagutan ang sumusunod na tanong:
1. Paano mo mailalarawan ang Kabihasnang Indus batay sa pamumuhay o ekonomiya, politika, relihiyon at kultura?
Salink na ito ibahagi ang iyong sagot:
1. https://PollEv.com/free_text_polls/cn1fm3dWep5ZQhvTTCC7C/respond
NGAYON, HANDA KA NA BA SA PAGSUSULIT? SAGUTIN ANG SIMPLENG PAGSUSULIT NA ITO.