Ang Piyudalismo, Imperyong Romano at Manoryalismo
Ang Piyudalismo, Imperyong Romano at Manoryalismo
Makalipas ang kamatayan ni Charlemagne, nagkawatakwatak ang imperyong kanyang itinatag matapos itong paghati-hatian ng kanyang mga anak.
Sa pagsapit ng 9th-10th century, isang malaking kalbaryo ang sinapit ng mga taga europeo dahil sa panahong ito nagsimulang magsidatingan ang mga mananakop. Tulad ng mga Muslim, Magyar at Vikings.
Noong panahong medieval o noong gitnang panahon, isang sistemang political at military, pang-ekonomiya, at sosyokultural ang umusbong. Sa mga panahong ito, nanaig ang kaguluhan, nabalutan din ng kawalan ng katarungan at proteksyon sa lipunan.
Sa panahong ito, ang mga tao ay nagsimulang maghanap ng lokal na lider na mayroong kakayahan na tumulong sa kanila.
Sa araling ito, ating matutunghayan ang mga pangyayaring nakaapekto sa ibat-ibang bahagi ng pamumuhay ng tao. Ating suriin ang sistemang Piyudalismo at Manoryalismo pati narin ang Imperyong Romano na umusbong sa panahong ito.
HANDA KA NA BA?
Simulan natin sa Piyudalismo.
Ang Piyudalismo ay ang isang Sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari. Para sa karagdagang impormasyon, ating pakinggan ang bagong episode ng ALI BAI, HISTORYA TA! podcast.
Gawing gabay ang sumusunod na tanong:
1. Bakit naitatag ang sistemang Piyudalismo?
2. Paano mo mailalarawan ang uri ng lipunan sa sistemang Piyudalismo?
Dadako naman tayo sa sistemang Manoryalismo.
Sa panahong medieval, upang maproteksyonan ng mga taga Europeo ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga lupain ay nabuo ang sistemang Piyudalismo at Manoryalismo. Ang Piyudalismo na ating natalakay ay isang sistemang politikal, punta naman tayo sa sistemang pang-ekonomiya na umusbong sa panahong ito, - ang sistemang Manoryalismo.
Ang Manoryalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya sa pagitan ng panginoong may lupa at mga magsasaka na nakatuon sa pagsasaayos ng produksyong pang-agrikultural at paglinang ng kasanayan ng mga mamayan.
TARA PAG-USAPAN NATIN! Maaari mong gawing gabay ang sumusunod na tanong:
1: Paano nakaimpluwensiya ang sistemang manoryalismo sa pamumuhay ng mga tao?
Para naman sa karagdagang impormasyon patungkol sa Banal na Imperyo ng Roma, ating panoorin ang episode ng HISTOK: History Talk, ni Ric Barretto III. Gawing gabay ang sumusunod na tanong:
1: Paano nabuo ang banal na Imperyong Romano?
NGAYON, HANDA KA NA BA SA PAGSUSULIT? SAGUTIN ANG SIMPLENG PAGSUSULIT NA ITO.