MAGANDANG ARAW!!!
MAGANDANG ARAW!!!
Most Essential Learning Competency:
Nasusuri ang pag-usbong at pagunlad ng mga klasikong kabihasnan sa:
• Africa – Songhai, Mali, atbp.
• America – Aztec, Maya, Olmec, Inca, atbp.
• Mga Pulo sa Pacific – Nazca
Sa linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakikilala ang mga kabihasnang umusbong sa Africa;
Naihahambing ang mga imperyo sa Africa Songhai, Mali, at Ghana; at
Napahahalagahan ang mga nagawa ng imperyong Songhai, Mali, at Ghana.
Ang Africa ay isang kontinente sa Timog ng Europe, Silangan ng Karagatang Atlantiko at Kanluran ng Karagatang Indian. Ito ay may mga savanna, mga damuhang may puno, rainforest, isang uri ng kagubatang sagana sa ulan at mga disyerto.
Ang Africa ay pangalawa sa pinakamalaking kontinente at dami ng mga naninirahan pagkatapos ng Asya. Napalilibutan ito ng Dagat Mediterranean sa hilaga, Suez Canal, Dagat Pula at Sinai Peninsula sa hilagang silangan, Karagatang India sa timog silangan at Karagatang Atlantic sa kanluran. Binubuo ito ng 54 sovereign states kasama ang Madagascar at iba-ibang klase ng mga isla. Ang kontinente lalo na ang lugar ng Sub-Saharan Africa ay pinagmulan ng mahabang kasaysayan ng mga sinaunang tao sa buong mundo.
Dark Continent ang tawag ng mga Europeo sa Africa. Tinawag na Dark Continent ng mga Europeo ang Africa sapagkat hindi nila agad nagalugad ang kontinenteng ito.
Noong 300 B.C.E., isang masaganang kalakalan ang naganap sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan. Tinawag itong kalakalang Trans-Sahara, dahil ang mga mangangalakal ay tumatawid sa Sahara Desert, ang pinakamalawak at pinakamalaking disyerto sa buong mundo.
KAHARIAN NG AXUM
Sa pagitan ng 600 at 500 BCE umunlad ang lungsod-estado ng Axum sa timog-silangan na tinatawag ngayong Ethiopia.
Nakontrol ng Axum ang malaking bahagi ng teritoryo at kalakalan ng Africa sa pagpasok ng 350 CE. Nakipag-ugnayan sila sa mga Griyego na kumontrol ng komersyo sa Mediterranean at Red Sea nang mga panahong iyon. Nakapasok ang Kristiyanismo sa Axum sa pamamagitan ng mga mangangalakal na Griyego. Ito ang naging opisyal na relihiyon ng lungsod-estado simula 395 CE. Sa paglaganap ng Islam sa Arabia at Silangang Africa, nanatiling tagasunod ng Kristiyanismo ang mga tao sa Axum. Dahil sa pagiging hiwalay niyo umunlad ang Axum at nakilala sa tawag na Ethiopia.
AXUM BILANG SENTRO NG KALAKALAN
Sentro ng Kalakalan (350 CE)
May pormal na kasunduan ng kalakalan sa mga Greek
Mga Elepante, ivory, sungay ng rhinoceros, pabango at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa MEditerranean at Indian Ocean
Umaangkat ang Axum ng tela, salamin, tanso at bakal
Nakilala sa Kanlurang Africa ang 3 impyerno na siyang naging makapangyarihan dulot din ng pakiipagkalakalan sa mga mamamayan sa labas ng Africa.
MGA KABIHASNAN SA AFICA
Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.
ANG UNANG KABIHASNAN SA KANLURANG AFRICA
Ang Ghana ay itinatag ng tribong Saninke, isang grupong nagsasalita ng wikang kabilang sa Mande Family. Sumibol at lumakas ito dahil sa lokasyon nito sa Timog ng kalakalang Tran-Sahara. Ang unang pangalan nito ay Wagadu, ngunit sa pagpasok ng mga Arabo sa Africa, pinalitan ito ng Ghana.
ANG UGNAYAN SA PAGITAN NG GHANA AT BERBERS
Ang mga Berber ay mga nomadikong mangangalakal na nagpalaganap ng Islam sa Africa. Itinatag nila ang unang estadong Muslim ng Africa sa Morocco. Dahil sa mangangalakal ang mga Berber, naging malapit ang mga ito sa Ghana. Nakikipagpalitan sila sa Ghana ng garing (ivory), balahibo ng ostrich, ebony, ginto, asin, tanso, figs, dates, sandata at katad.
MGA SALIK SA PAGLAKAS AT PAGLAWAK NG IMPERYONG GHANA
Una, ang mga bakal na sandata.
Ikalawa, ang mga kabayo.
Ginamit nila ang mga ito upang mas madaling makakuha ng karagdagang lupa.
PAGBAGSAK NG IMPERYONG GHANA AT PAG-USBONG NG KASUNOD NA IMPERYO
Dahil sa mas madali at mas mailis na pag-angkin ng Ghana sa mga lupain, nababahala ang mga Berber. Kaya nama’y nagsama-sama ang mga tribo ng Berber at sinalakay ang isang mahalagang lungsod ng Ghana, ang Kumbi (Koumbi Saleh) at pinabagsak ito.
Ngunit may isang lungsod-estado ng Ghana ang nanatiling matatag sa kaila ng paninira ng Berbers. Ito ay ang Kangaba o mas kilala sa tawag na Mali.
ANG IKALAWANG KABIHASNAN SA KANLURANG AFRICA
Itinatag ito sa estado ng Kangaba at pinasimulan ni Sundiata Keita. Tuluyang winasak ng Imperyong Mali ang natitirang lupain ng Imperyong Ghana at inangkin ang mga ito.
ANG PAGLAKAS NG IMPERYONG MALI
Sa ilalim ng pamumuno ni Mansa Musa, isa sa kilalang pinuno pagkatapos ni Sundiata, nahikayat niya ang mga Arabong makipagkalakalan sa kanya ng maraming ginto, Dahil din sa kanya, naipatayo ang mga mosque.
ANG REBELYON NG MGA LUNGSOD-ESTADO AT PAGBUO NG BAGONG IMPERYO
Dahil sa kagustuhang maging isang malayang estado, tumiwalag ang lungsod-estado ng Gao mula sa Imperyong mali. Mula noon, nakilala na ito bilang Imperyong Songhai. Ito ay isa ring kabihasnang malapit sa mga Berbers dahil sa kalakalan. Dahil dito, naging opisyal na relihiyon ng Imperyong Songhai ang Islam, sa ilalim ng pamumuno ni Dia Kossoi.
PAG-UNLAD AT PAGBAGSAK NG IMPERYONG SONGHAI
Dahil sa malawakang pagpapalawak ng teritoryo, nakontrol ng Imperyong Songhai ang kalakalang Trans-Sahara. Dahil dito, nagalit ang natitirang mga estado ng Mali kaya’t sinubukan nilang lusubin ang Songhai ngunit hindi sila nagtagumpay dahil sa pagsuporta ng mga estado at pinunong Muslim.
Nagkaroon ng isang malawakang digmaang sibil sa Songhai, kaya naging watak-watak o hiwa-hiwalay ang mga nasasakupan ng Songhai. Dahil dito, bumagsak ang Imperyong Songhai.
PAGTATAPOS NG MGA PRE-COLONIAL CIVILIZATION SA AFRICA AT PAGPASOK NG EUROPEONG MANGGAGALUGAD
Dahil sa pagtatapos ng mga imperyo sa Africa at dahil na rin sa mga nanggalugad nito, nahikayat ang mga Europeo na angkinin ang lupain ng Africa. Noong 1901, sinakop ng mga French ang lupaing dating sakop ng Imperyong Ghana, Mali at Songhai.
Alam mo ba ang mga ambag ng kabihasnan sa Africa?
Ito ay ang mga sumusunod:
1. Paraan ng pagpapanday ng sandatang bakal
2. Paggamit ng kamelyo (camel)
3. Paggamit sa ngipin at sungay ng elepante at rhinoceros bilang garing (ivory)
4. The Epic of Sun-Jara (Sundiata)