_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
Ang kabihasnang Greek ay isa sa sa mga una at tanyag na kabihasnan na nabuo at umunlad sa daigdig. Umusbong ang kabihasnang ito mula sa Crete bandang 2600 BCE . Kilala naman ang Kabihasnang Greek sa kontribusyon nito sa maraming larangan tulad ng pilosopiya, siyensya, arkitektura, sining, politika at marami pa na ginagamit hanggang sa modernong sibilisayon.
Ang Greece ay binubuo ng mabundok na kapuluan at nakaposisyon sa dakong timog ng Balkan Peninsula, ito rin ay maituturing na interseksyon ng Asya at Europa. Napapalibutan ito ng tatlong anyong tubig-- ang Mediterranean Sea , Ionian Sea at Aegean Sea na parehong nakatulong sa bilang pinagkukunang-yaman, sa pakikipagpalitan, pakikipagkomunikasyonat paglago ng mga umusbong na lipunan sa sinaunang Greece. Dahil sa mabunduk at madagat nitong heograpiya, mayroon silang natural na panangga mula sa mga mananalakay.
(ito ang mapa ng Greece sa kasalukuyan, maari itong ma-zoom in at zoom out upang mas maintindihan . https://maps.google.com
T I M E L I N E
Sa pagtuklas ng Kabihasnang Greek o Griyego , gawing gabay ang timeline sa kanang bahagi.
SINAUNANG KABIHASNAN ( MINOAN 2700- 1500 BCE )
Basahin at pag-aralan ang mga impormasyon na nakasulat sa image carousel, pagkatapos ay bisitahin ang palasyo ng Knossos sa pamamagitan ng Virtual Tour ng Knossos. Maaari itong i-click upang mapanood ng full screen. Enjoy!
KNOSSOS, KABISERA NG MINOAN (VIRTUAL TOUR)
https://yougoculture.com/virtual-tour/crete/media/videos/a/knossos.mp4
SINAUNANG KABIHASNAN ( MYCENAEAN 1900-1100 BCE )
Pag-aralan ang kasaysayan at kultura ng Kabihasnang Mycenaean mula sa naka-embedd na site sa ibaba. Panoorin din ang youtube video tungkol sa Trojan War.
Matapos mabasa ang ilang impormasyon tungkol sa kabihasnang Mycenaean , lakbayin naman natin ang Archaeological Site ng Mycanae, ang sentro ng Kabihasnang Mycenaean. Ang virtual tour na ito ay may 360 panoramic view kung kaya't maaring makita ang bawat sulok ng site. Upang ma-navigate ang iba't-ibang sulok ng Mycenae, sundan lamang ang mga arrow o pindutin. Enjoy!
https://barbierilow.faculty.history.ucsb.edu/Research/Mycenae/index.htm
Pagdating ng 1200 BCE ay nagtapos ang kabihasnang Mycenaean sa kadahilanang hindi pa tiyak dahil sa kawalan ng artifact o ebidensya na maari makapagtukoy. Naganap naman ang tinatawag na Dark Age o Panahon ng Karimlan (1200- 800 BCE) --ang panahon mula sa wakas ng Mycenaean hanggang sa Archaic period. Pinaniniwalaan ng mga historian na ang 300 na taon ng Panahon ng Karimlan ay nabalot ng hidwaan, pagsalakay, rebolusyon at digma. Kasabay nito, humina din ang ekonomiya ng buong Aegean region habang humupa din ang sigla ng sining dahil sa Proto-geometric style na simple at kaunting disensyo at palamuti kumpara sa mga naunang istilo ng sining.
_____________________________________________________________Ngunit, hindi lamang kaguluhan ang naganap sa Panahon ng Karimlan, umusbong at naganap din ang :
A. CITY STATE O POLIS- Dahil sa nararanasang gulo sa mga pulo ng Greece habang walang makapangyarihan o sentralisadong mandato ang maaaring mag-organisa, ang mga estado ng Greece ay nakabuo ng iba't-ibang anyo ng pamamamahala na may iba't-ibang pampulitikang istruktura. Ang ilan sa pinakamahalagang mga lungsod-estado ay ang Athens, Sparta, Thebes, Corinto, at Delphi. Sa mga ito, ang Athens at Sparta ay ang dalawang pinakamakapangyarihang lungsod-estado.
(https://i.gr-assets.com/images/S/compressed.photo.goodreads.com/hostedimages/1548995796i/26998687.jpg)
ATHENEAN POLIS (PARTHENON)
https://www.thegreatcoursesdaily.com/wp-content/uploads/2020/05/Being-Greek_The-Athenian-polis_QBS_Featured.jpg
ARCHAIC PERIOD (800-500 BCE)
https://www.youtube.com/watch?v=xn5CNkxCsj4
Dahil sa pagtaas ng populasyon at kalakalan sa Greece nooong panahong Archaic, marami rin ang nag-iba sa larangan lipunan, linggwahe, sining, arkitektura at politika nito.
Para sa detalyeng diskusyon, panoorin ang video.
CLASSICAL PERIOD (500-400 BCE)
Ang salitang "klasikal na Greece" ay tumutukoy sa panahon sa pagitan ng Persian Wars sa simula ng ikalimang siglo B.C. at pagkamatay ni Alexander the Great noong 323 B.C. Ang klasikal na panahon ay isang panahon ng giyera at hidwaan — una sa pagitan ng mga Greek at Persia, pagkatapos ay sa pagitan ng mga Athenian at Spartans — ngunit ito ay panahon din ng walang kapantay na tagumpay sa politika at kultura.
Hippocrates
Griyegong na manggagamot sa panahon ni Pericles, na itinuturing na isa sa mga pinakahuhusay sa kasaysayan ng medisina.
Herodutos
Si Herodotus ay isang manlalakbay.Sa kanyang mga paglalakbay ay naisalaysay nya ang maraming bagay tungkol sa Imperyo ng Persia at iba pang sulok ng mundo. Ang mga paglalakbay na ito ay tumagal ng maraming taon.
Ang pokus ng akdang History ni Herodutos ay ang giyera sa pagitan ng Greece at Persia (499–479 BCE). Ito ay nahahati sa siyam na mga libro (ang paghati ay hindi ang akda): Ang Mga Libro I – V ay naglalarawan ng background sa Greco-Persian Wars; Ang Aklat VI – IX ay naglalaman ng kasaysayan ng mga giyera, na nagtapos sa isang ulat ng pagsalakay ng haring Persia na si Xerxes sa Greece (Aklat VII) at ang dakilang mga tagumpay sa Griyego sa Salamis, Plataea, at Mycale noong 480–479 BCE.
Socrates
Isang Griyegong pilosopo mula sa Athens na tinaguriang tagapagtatag ng pilosopiyang Kanluranin.Kilala siya kanyang Socratic method o talakayan na umiikot pagsusuri ng mga prinsipyo, at paniniwala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanong. Sa pamamagitan nito, napapaisip ang mga tagapakinig at bubuo ng sariling ideya at depensa sa kanyang nabuong sagot.
https://i.pinimg.com/originals/33/2c/e1/332ce1cf0222baa7468eeb426dbc621c.jpg
Sa pagkatalo ng Persia sa digmaang Greco-Persia, naging marka ito ng maraming pagbabago at pangingibabaw ng Athens sa ekonomiya,politika at kultura.
Noong 507 B.C., ang maharlikang Athenian na si Cleisthenes ay pinatalsik ang huli sa mga autokratikoat gumawa ng isang bagong sistema ng pamamahala na tinawag niyang demokratia.
Sa sistemang ito, ang mga lalaki na lagpas 18 ang edad ay maaaring sumali sa ekklesia, o Assembly, ang soberanong namamahala na lupon ng Athens.
Pinangungunahan ng Athens at Sparta, ang mga lungsod ng Greece ay nakisali sa isang malaking digmaan laban sa Imperyo ng Persia noong simula ng ikalimang siglo B.C. Noong 498 B.C., sinibak ng mga puwersang Greek ang lungsod ng Sardis ng Persia. Noong 490 B.C., ang hari ng Persia ay nagpadala ng isang ekspedisyon ng hukbong-dagat sa buong Aegean upang salakayin ang mga tropa ng Athenian sa Labanan ng Marathon.
virtual tour ng Athens
http://www.yougoculture.com/virtual-tour/athens/myth/acropolis
HELLENISTIC PERIOD (500-400 BCE)
_______________________________
Sa panahong Hellenistic, ang mga estadong Hellenistic ay pinamunuan ng mga hari (Sa kabaligtaran, ang mga klasikal na lungsod ng Greece na estado, o polei, ay pinamamahalaan ng demokratikong paraan ng kanilang mga mamamayan.)
https://youtu.be/5uWebHiOJHI