MAGANDANG ARAW!!!
MAGANDANG ARAW!!!
Sa linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Naiisa-isa ang mga dahilan ng pagsiklab at mahahalagang pangyayari ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig;
Nakagagawa ng isang buod ng mahalagang pangyayari sa Labanan ng Amerikano, Pilipino laban sa mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Napahahalagahan ang papel na ginampanan ng mga bansang nakipaglaban upang makamit ang kasarinlan.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano sa tingin mo ang ipinapakita ng mga larawan?
2. Bakit kaya nagkaroon ng ganitong sitwasyon?
3. Ano kaya ang magiging resulta sa mga pangyayaring ito?
Hindi pa man lubusang nakababangon sa mga pinsala ng digmaan ang mga bansa sa daigdig, muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Dala na rin ito ng nasimulang ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak ng kanilang teritoryo.
SANHI NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
1. NASYONALISMO
GREATER EAST ASIA CO-PROSPERITY SPHERE
Layunin ng Japan na pagbuklurin ang mga bansang Asyano sa ilalim ng kanilang pamumuno upang paunlarin ang aspektong panlipunan, pampulitika, pangkultura, at pangkabuhayan ng rehiyon.
PAGHIHIGANTI NG GERMANY
Dahil sa pagkatalo sa WWI, tuluyang humina ang sandatahang lakas ng Germany. pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Hitler na labagin an kasunduan sa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang mabuti ni Hitler ang muling pananakop.
2. PAGKAKAMPIHAN/ALYANSA
PAGSASANIB NG AUSTRIA AT GERMANY (ANSCHLUSS)
Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi sa Allied Powers (Pransya, Gran Britanya at Estados Unidos).
3. PAGKAKAIBA NG IDEOLIHIYA
DIGMAANG SIBIL SA ESPANYA
Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng dalawang panig: ang pas istang Nationalist Front at ang sosyalistangPopular Army.
COMMUNISM, FACISM, NAZISM AT DEMOCRACY
4. PANG-AAGAW
PAG-AGAW NG JAPAN SA MANCHURIA
Noong 1931, inagaw ng Japan ang lunsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan at sinabing ang ginawang ito ay paglusob. Kasunod ng pagkundena,itiniwalag sa Liga ng mga
PAGLUSOB SA CZECHOSLOVAKIA
Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na pagsikapan na matamo ng kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng Inglatera si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa Germany.
5. PAGLABAG SA KASUNDUAN
PAG-ALIS NG GERMANY SA LIGA NG MGA BANSA
Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng karapatang mag- aarmas. Pinalilimitahan naman ng Inglatera ang bilang ng puwersa ng Germany. Ngunit sa kabila nito’y nagpadala pa rin ng tropa ang Germany.
PAGSAKOP NG ITALYA SA ETHIOPIA
Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag ng Italya ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the League)
PAGLUSOB NG GERMANY SA POLAND
Huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939. Ang pagsakop na ito ay pagbaligtad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi pakikidigma.
MAHAHALAGANG KAGANAPAN NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo ang mga ito. Tinangka rin niyang kunin mula sa Poland ang Baltic Port at ang Polish Corridor.
DIGMAAN SA EUROPE FRANCE/GREAT BRITAIN VS GERMANY
Ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nag- abang sa likod ng Maginot Line. Ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala).
UNITED STATES AT DIGMAAN
Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ng layuning demokrasya.
Pinagpatibay ng Kongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing ang United States ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro ng puwersang Alyado ang United States noong 1941.
DIGMAAN SA PASIPIKO
Ilang oras matapos salakayin ang Pearl Harbor ng mga Hapon, ang mga eroplano ng Japan ay sumalakay din sa Pilipinas at winasak ang hukbong panghimpapawid sa Clark Field, Pampanga.
Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay tinawag na “Day of Infamy.”
Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang pagsalakay at pagsakop ng mga Hapones sa Thailand, British Malaya, Hongkong, Guam, at Wake Islands. Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko nong 1942 at nagtatag sila ng Greater East Asia Co- Prosperity Sphere.
WAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
TAGUMPAY NG ALLIES SA EUROPE
Ang mga hukbong Alyado ay lumapag at dumaong sa Normandy samantalang sa Silangang Europe ay nilumpo ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin.
ANG PAGBAGSAK NG GERMANY
Noong ika-6 ng Hunyo, 1944 (D- DAY), lumapag sa Normandy, Pransya ang pwersa ni Heneral Eisenhower. Pagkaraan ng ilang linggong paglalaban, natalo nila ang mga Nazi.
Nakipagsapalaran si Hitler at sinalakay ang mga alyado na malapit sa Luxembourg noong ika-6 ng Disyembre. Tinawag na Battle of the Bulge ang labanang ito kung saan natalo ang mga Nazi.
ANG TAGUMPAY SA PASIPIKO
Nakipagsapalaran si Hitler at sinalakay ang mga alyado na malapit sa Luxembourg noong ika-6 ng Disyembre. Tinawag na Battle of the Bulge ang labanang ito kung saan natalo ang mga Nazi.
Pagkatapos ng mahigit sa ilang buwang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Hapones, idineklara ni Heneral McArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Hapon.
Atomic bomb sa Nagasaki at Hiroshima
MGA BUNGA NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.
Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.
Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito.
Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.
Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan Germany, Kanlurang Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba
SAGUTAN MO AKO!
https://drive.google.com/file/d/1L4_g-GyuOLtyw6vVVGwX4x95TsmNwYMZ/view?usp=sharing
Pamprosesong Tanong:
Sa iyong palagay, alin ang pinakamatinding sanhi o dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
MAGSALIKSIK AT IKWENTO MO!
https://drive.google.com/file/d/1nxfy2fgvVbnJAgfrLb4Se05BbRV2V6Nv/view?usp=sharing