Ang dahon ay mahalaga sapagkat, ito ang nagbibigay pagkain sa pamamagitan ng prosesong potosentesis— ang pagkuha ng enerhiya mula sa araw. Ang guro ay nararapat na marunong yumakap sa kasulukuyan, umaangkas sa uso at tumutugon sa tawag ng pangangailangan ng bawat mag-aaral na uhaw sa kaalaman. Baon ang sapat na kaalaman na nakahanay sa kurikulum na nakatalaga at init ng pagmamahal sa propesyon, Kapara nito ang dahon na sumisipsip ng enerhiya mula sa araw. Ang edukasyon ang magbibigay liwanag sa mga batang nais maliwanagan sa kagustuhang sumibol sa kalupaan.