Marahil magtataka kayo kung bakit tinik ang simbolismo sa larangang ito. Sa literal na pagpapakahulugan, ang mga tinik ay sadya namang mapanganib na kung susubukang hawakan ay maaring ikapamahak ninuman. Ngunit, may iba't ibang klase ang tinik. May tinik na malalambot at tinik na matutulis. Tinutukoy nito ang pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral. Sabi nga nila, lahat ng bagay ay may dahilan, ganoon na rin ang pagkakaiba-iba ng mga bata sa paaralan.
Hindi sila naririyan para lamang ubusin ang iyong pasensya. Ipinapaalala ng tinik sa rosas, na ang pagkakaiba-iba ng mga bata sa alin mang aspekto ng buhay. Ito man ay sa kasarian,lebel ng karunungan, edad, estado sa lipunan at iba pa, ang guro at ang paaralan ay nararapat na yakapin sila nang buong puso upang palutangin ang kanilang kakayahan hindi para hanapin ang kanilang kahinaan.
Kung minsan Iniisip natin na ang pagkakaiba-iba ang siyang magiging sanhi ng pagkawatak-watak sa kadahilanang hindi ito matatanggap ngunit, ang pagkakaiba-iba sa silid-aralan ay magtataguyod ng pagkakaisa sa pagtataguyod ng pantay at patas edukasyon. Hindi nararapat na alisin ang tinik sakaling ito man ay magdulot ng kapahamakan dahil, kailangan ito upang hindi manakaw ang bango ng bulaklak. " "Yakapin at ipagdiwang ang pagkakaiba-iba!"