Pinaninindigan ko at paninindigan ko na ang paaralan ang pinakapundasyon ng pagkatuto. Ganoon din ang ang tangkay ng halamang rosas kung saan, ito ang nagbibigay suporta at istruktura sa iba pang organo at bulaklak. Kailangan nang matatag at matibay na pundasyon na kailanman hindi mababali sakaling hampasin ng nagngangalit na alon.
Bukod dito, ang tangkay ang nagdadala ng sustansya at tamang sangkap papunta sa loob ng halaman. Tulad ng paaralang tumutugon sa pangangailangan ng bawat bata at humuhubog sa pagkatao ng mag-aaral na nasasakupan nito. Ang tangkay na ito ay mga silid-aralan na masisilungan, pisara, lamesa at silyang kanlungan ng karunungan, at mga librong huhubog at tutulong sa pagsulong nga mag-aaral tungo sa kung sino at ano sila sa hinaharap.