Pagmasdan ang prutas ng rosas na sadyang nakaaaliw sa paningin. Hindi ba't bago ito mamukakad mula sa talutot ay kinakailangan nang sapat na sustansya. Ito marahil ang simbolismo sa larangang ito. Ang mga mag-aaral ay tulad ng prutas na kailangang busugin ng mga makabuluhang aral, ipadama ang mainit na pag-ibig, katwirang tunay at buhay na tigib na nagmumula sa gurong isinisilid ang karunungan, kaalaman, at sining ng pagtuturo upang ang prutas ay tuluyang lumago at maging ganap na bulaklak.