Nagsimula ako sa pagiging ako
Isang gurong malakas ang loob
Kaya kong tahakin ang landas tungo sa paaralan nang walang pag-aalinlangan.
Nagdito ako ngayon sa pagkakataong nalulungkot ang buo kong pagkatao sa darating na taong panuruan.
Nais kong tahakin ang landas, landas kung saan ko muling makakasama ang aking mga mag-aaral, ang aking mga kaibigang guro
Hindi ako matatakot
Lalakbayin ko ang masalimuot at liko-likong daan para marating ang aking patutunguhan
Subalit kailangan ko ng gabay mula sa nasa itaas. Kailangan ko ng suporta sa paglalakbay na ito.
Sisikapin kong makarating agad sa patutunguhan upang matugunan ang pangangailangan ng aking mag-aaral
Pangako sa aking sarili na ang aking sinumpaang tungkulin bilang guro ay aking gagampanan.
Pangako ko sa aking mag-aaral, na ako ay patuloy na hahanap ng paraan, patuloy na mag-aaral upang maging maayos ang pagtuturo sa bagong normal
Pangako sa aking bayan na hinding-hindi ko susukuan ang aking mag-aaral, ang edukasyon upang maalalayan silang makita ang katotohanan sa lipunan dahil isa akong guro
Nagsimula ako sa pagiging ako, isang guro, at lahat nang ito ay gagawin ko.
Nagsimula ako sa pagiging ako na masayang pumapasok sa paaralan araw-araw.
Kaya kong magsumikap upang matapos ang iba’t ibang gawain.
Nandito ako ngayon sa pagkakataong nangangamba kung kaya ko ba ang ODL.
Nais kong tahakin ang isang school year na puno ng bagong karanasan.
Lalakbayin ko ang landas na mapanghamon, ngunit puno ng pag-asa.
Subalit, kailangan ko ng lakas at sapat na kasanayan upang magawa ito.
Sisikapin kong magkaroon ng bukas na puso’t isipan at magkaroon ng positibong pananaw.
Pangako ko na mas maging forgiving sa aking sarili.
Pangako ko sa aking kamag-aral na tutulungan ko sila hangga’t kaya.
Pangako ko sa bayan na hindi ako susuko.
Nagsimula ako sa pagiging ako.
Lahat ng ito, gagawin ko.
NAGSIMULA AKO SA pagiging isang guro
KAYA KONG Makinig, mag hanap at sumubok ng mga bagong bagay
NANDITO AKO NGAYON SA PAGKAKATAONG Lito, paminsa’y nawawalan ng PAG ASA
NAIS KONG TAHAKIN ANG Daan patungo sa mga tao at bagay na nakagawian, nakasanayan at minamahal.
LALAKBAYIN KO ANG Mundo na bago, ngunit masalimuot, nakakalito, nakakapanghina na daan
SUBALIT KAILANGAN KO NG tatag ng loob at pag-iisip, kailangan ko ng kaagapay, ng
matinding dasal at pananalig.
SISIKAPIN KONG Maging matatag, maging bukas at positibo sa pag-iisip, sa kabila ng mga negatibong nangyayari sa paligid.
PANGAKO KO SA AKING SARILI Na Magsisikap, lalo pang mag-aaral, lalo pang magdadasal, lalaban kahit mahirap
PANGAKO KO SA AKING KAMAG-ARAL Na magiging matatag at sisikapin pang matuto at umunawa
PANGAKO KO SA AKING BAYAN Na gagawa ng paraan upang makapag isip at makalikha ng kapaki pakinabang na gawain para sa aking mga magaaral at kanilang pamilya, at pipilitin makatulong sa iba sa abot ng aking makakaya.
NAGSIMULA AKO SA PAGIGING AKO
LAHAT NG ITO GAGAWIN KO!
Nagsimula ako sa pagiging ako,
May payak na pamumuhay, simple lang ang gusto.
Magbigay kaalaman sa pamamagitan ng pagtuturo,
Kamangmangan sa lipunan ay gawing talino.
Kaya kong lampasan bawat hamon sa buhay,
Walang susukuan, abutin man hanggang hukay.
Ito’y malalampasan, magpursigi lang ng tunay,
May hirap, oo, pero di mawawala ang saysay.
Nandito ako ngayon sa pagkakataong ito,
Kumawala sa kahon, galingan ng husto.
Mapakita ang kakayahan, makatulong sa kapwa-tao,
Kaunlaran at kabutihan, tiyak mapagsasalo-salo.
Nais kong tahakin ang bukas,
Luha sa pisngi, sana’y hindi na mabakas.
Pagkatapos mapagod, dapat magpalakas,
Sa kadilimang ito, ako’y dapat makatakas.
Lalakbayin ko hanggang dulo ng mundo,
Ito man ay mabagsik, malupit at magulo.
Hanapin sa dilim, liwanag na nakatago,
Ako’y hindi dapat tumakbo palayo.
Subalit kailangan ko rin ang magpakatatag,
Mapagtagumpayan ang mga problemang nakalatag.
Huwag pansinin ang mga nakapagpabagabag,
Gulo sa puso’t isipan, huwag hayaang makadagdag.
Pangako sa aking sarili sa abot ng makakaya,
Sinumpaang tungkulin, gagawin ng buong sigla.
Sarili ay hinding-hindi hahayaang magsawa,
Maging kapaki-pakinabang sa sarili at sa kapwa.
Pangako sa aking mga mag-aaral,
Bibigyan ng walang kondisyong pagmamahal.
Tulad ng isang amang nagpapagal,
Maalis mga balakid, sa inyong pagkatuto ay sagabal.
Pangako sa aking bayan,
Maging mabuting mamamayan.
Lalaban sa magandang kinabukasan,
Makaambag tungo sa kaunlaran.
Nagsimula ako sa pagiging ako,
Lahat ng ito, gagawin ko.
Nagsimula ako sa pagiging Ako
Guro na sinusubukang maging malikhain sa pagtuturo
Kaya kong ibigay ang todo todo, para sa inyo
Nandito ako ngayon sa pagkakataong maging handa sa bagong pagsubok
Nais kong tahakin ang landas patungo sa pagkatuto para sa mag-aaral
Lalakbayin ko ang landas ng mga tanong , duda at pangamba
Subalit kailangan kong kumapit sa paniniwalang makakaya
Sisikapin kong baunin at gamitin mga bagong kaalaman
Pangako sa sarili’y stress ay babawasan
Pangako sa aking mag-aaral masaya at malikhaing pagkatuto
Pangako sa bayan huhubugin kabataan para sa maganda kinabukasan
Nagsimula ako sa pagiging AKO, isang gurong masipag, mapagmahal sa mga mag-aaral
Kaya kong sakyan makabagong hilig ng mga kabataan, at makalumang ugali ng mga katandaan
Nandito ako sa pagkakataong sarili ko ay patunayan
Nais kong tahakin ang mundo ng bagong normal kung saan teknolohiya ay nasa kataasan
Lalakbayin ko ang mundo na hindi madali, kung saan kakayahan ko ay susubukan
Subalit kailangang sarili ko ay pagtiwalaan at pananampalataya sa Diyos ay lawakan
Sisikapin kong magpakatatag at lawakan ang isipan
Pangako ko sa sarili na hindi agad-agad susuko, Mag-aaral ko’y di iiwan, aakayin sila sa pagkatuto
Maglilingkod sa bayan kahit walang nakatingin na matataas na tao
Nagsimula ako sa pagiging ako...Lahat ng ito… gagawin ko
Nagsimula ako sa pagiging ako,
Ako bilang isang gurong umaasang makapag-aambag sa paglinang sa mga estudyante; sa kanilang kaisipan at paniniwala.
Kaya kong ibahagi ang aking kaalaman mula sa aking mga naging pag-aaral at karanasan sa buhay.
Nais kong tahakin ang daang puno ng karanasan at aral gaano man ito maging mapanghamon sa ngayon at sa hinaharap.
Lalakbayin ko ang layo, sikip, sukal upang maisakatuparan ang mga ninanais ko.
Subalit kailangan ko ng mga makakasama upang maging mas masaya ang paglalakbay, may makakaramay sa bawat pagkahapo.
Sisikapin kong paghusayin pa ang sarili upang mas maging handa sa paglalakbay.
Pangako ko sa aking sarili na hindi ko susukuan ang lahat ng ito.
Pangako ko sa aking kamag-aral na magiging makulay at interesante pa rin ang mga danas sa pagkatuto katlad ng dati.
Pangako ko sa aking bayan na magiging kaisa ako sa paghulma sa susunod na henerasyon ng pag-asa ng bayan.
Nagsimula ako sa pagiging AKO.
Lahat ng ito, Gagawin Ko.
Nagsimula ako sa pagiging ako, na isang “small but terrible” na guro ika nga ng iilan dahil sa laki ng kayang ibahagi kahit na hindi katangkaran. Maliksi. Malikot. Pero may nais tunguhing direksyon.
Kaya kong maging tatay/kuya/kapatid sa mga mag-aaral at kapwa-guro habang nanatili ang professional distance sa pagitan. Sa pagiging palabiro ko, napapagaan ko ang mga damdamin ng ilang mga mag-aaral.
Nandito ako ngayon sa pagkakataong magulo, walang kasiguraduhan, pero sinusubukang bigyang linaw ang lahat.
Nais kong tahakin ang masaya at matiwasaya na landas na punung-puno ng katuturan.
Lalakbayin ko ang malubak na daan upang subukan ang katatagan ko bilang guro.
Subalit kailangan ko ng kalinawan ng pag-iisip at katatagan ng puso para mapagtagumpayan ito.
Sisikapin kong maging mabuti sa iba at maging sa sarili ko sa lahat ng pagkakataon.
Pangako ko sa aking sarili na mas paghuhusayan ko pa ang pagtuturo nang may puso at pagmamahal.
Pangako ko sa mga kamag-aral na ibabahagi ko ang lahat ng aking nalalaman para sa sabay-sabay na pag-unlad.
Pangako ko sa aking bayan na susubukan kong hulmahin ang mga mag-aaral na siyang magiging kinabukasan ng bansa.
Nagsimula ako sa pagiging ako.
Lahat ng ito, gagawin ko.
Nagsimula ako sa pagiging ako, mahiyain guro. Lagi kong pinagdududahan kung tama ba ang aking ginagawa. Takot magkamali at mahusgahan ng mga nakakakita sa akin. Subalit natutuhan kong paanong maging ako at maniwala sa aking kakayahan dahil ito lamang ang magtataguyod sa akin sa tamang landas. Nandito ako sa pagkakataong handa na akong ibigay ang lahat para sa aking mga magiging mag-aaral, ngunit isang kaganapang ang nag-udyok sa akin at sa lahat ng mga guro upang mawalay sa aming mga mahal na mag-aaral. Ako man ay nahihirapan ngayon, bumabalik ang pagdududa sa sarili sapagkat kailangan kong makipagsabayan at mag-adapt sa “new normal” subalit pilit kong itatatak sa aking isip na wag kag sumuko dahil maraming mag-aaral ang nangangailangan sa iyo.
Lalakbayin ko ang mahabang daan kahit gaano man iyan katagal, basta’t makarating lamang ako sa inyong mga piling. Subalit, Diyos ko patnubayan niyo po ko ng maraming lakas at punuan ang ng determinasyon upang ipagpatuloy ang landas na tinatahak ko. Sisikapin kong tumayo at magpatuloy sa landas na aking binabagtas pabalik sa piling ng aking mga mag-aaral. Pangako sa aking sarili pagkakatiwalaan ko ikaw, Diyos ko at ikaw, Ginoong Jason. Pangako sa aking kamag-aral di ko kayo iiwan sa laban at landas na ito. Pangako sa aking bayan paglilingkuran ko kayo ng taos puso’t sa abot ng aking makakaya. Nagsimula ako sa pagiging ako, Lahat ng ito, gagawin ko.
Nagsimula ako sa pagiging masigla at laging masikhay na guro.
Kaya kong harapin ang anumang pagsubok bilang babae, ina at guro.
Nandito ako ngayon sa panahon na walang katiyakan at puno ng pangamba.
Nais kong tahakin ang delikadong mundo at mapanghamong buhay ng guro dahil sa estudyanteng naniniwala sa akin.
Subalit kailangan ko ng suporta ng paaralan at mga kaibigan para maging makabuluhan ang pagkatuto.
Sisikapin kong maging makabuluhan ang ang bawat karanasan ng bawat mag-aaral.
Pangako sa aking sarili na magpapakahusay ako at susuungin ko ang daluyong ng buhay..
Pangako ko sa aking mag-aaral na magiging interaktibo at masaya at kapakipakinabang ang mga pag-aaral nila.
Pangako sa aking bayan hindi ako bibitaw para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.
Nagsimula ako sa pagiging AKO.
Lahat nang ito, GAGAWIN KO.
Nagsimula ako sa pagiging AKO, isang masayahing guro na nung umpisa’y takot sumubok ng mga bagong karanasan
Kaya kong ibahagi ang aking mga talento kahit ako’y may takot ngunit pamin-minsan ay pinapangunahan pa rin ng kaba at hiya
Nandito ako ngayon sa pagkakataong hindi ko pa pwedeng gawin ang mga nakasanayan dahil sa pandemyang kinakaharap natin. Hindi alam kung pahinga ba ang kailangang gawin o tutuloy pa rin
Nais kong tahakin ang pagkakataong ito upang mapatatag pa lalo ang aking loob na sumubok ng mga karanasang bago sa akin
Lalakbayan ko ang lahat ng mga landas na pwedeng daanan para ako ay matuto. Dead end? Ayos lang yan! Pwede namang umatras pabalik at mag-umpisa muli dahil kung hindi ngayon, kailan?
Subalit kailangan ko ng tibay at lakas ng loob para magpatuloy nang hindi sumusuko!
Sisikapin kong hindi panghinaan ng loob kahit na ang isip ko ay puno ng pag-aalinlangan at ang mga tao sa paligid ko ay kinakabahan sa maaaring kalabasan ng pandemyang ito
Pangako sa aking sarili na aabutin ang lahat ng mga layuning nais marating kahit mahirap, pramis!
Pangako sa aking kamag-aral na maging gabay at harapin ang mga balakid ng pandemyang ito nang walang iwanan
Pangako sa aking bayan na maging produktibong mamamayan at makapag-iwan ng magandang pamana sa mundo habang ako ay nabubuhay.
Nagsimula sa pagiging AKO
Lahat ng ito, GAGAWIN KO!
Nagsimula ako sa pagiging AKO…
Ako na isang maalalahanin at masipag na guro
Kaya kong tumambling ng sampung beses at mag-split ng isang oras
Upang maibigay lamang ang best ko sa pagtuturo
Nandito ako ngayon sa pagkakataong nahahaggard ang lolo mo
Inaatake ng mental anxiety dahil sa pagkakawindang ng buong mundo sa CoVid na ito
Nais kong tahakin ang landas ng pagbabago
Upang maibigay ko pa ang kakayanan ko bilang isang guro
Lalakbayin ko ang kagubatan ng nakalipas, kasalukuyan, at hinaharap
Tamis ng matagumpay na guro lamang akin ay malasap
Subalit kailangan ko ng open mindedness, puso, at ibang tao
Upang mga mithiin ko ay makamit at magkatotoo
Sisikapin kong pagbutihin pa lahat ng aking ginagawa
Pangako sa aking sarili na mag-iimprove pa
Pangako sa aking kamag-aral na makikipagtulungan ako sakanila
Pangako sa aking bayan na gagawin ang lahat upang ito’y mapagsilbihan pa
Nagsimula ako bilang AKO
Lahat ng ito, Gagawin ko
Kahapon, Ngayon, at bukas
Rarampa ako!
Nagsimula ako sa pagiging ako na isang gurong mapamaraan. Kaya kong igpawan ang mga hamon sa pagharap sa sitwasyong may kinakaharap na pandemya. Narito ako sa pagkakataong kailangan kong bumalik sa pagtuturo sa sitwasyong may pandemya. Nais kong tahakin ang masalimuot at baku-bakong daan.
Lalakbayin ko ang daan nang may pag-iingat at pagsasaalang-alang sa aking kapasidad at pangangailangan ng propesyon.
Subalit kailangan ko ng lakas ng loob at tibay ng kalooban na matutunan ang mga bagong gawi at mga kakayahang teknikal na hinihingi ng bagong sitwasyon. Sisikapin kong matuto sa abot ng aking makakaya.
Pangako sa aking sarili -- magiging bukas ako sa pagkatuto. Pangako sa aking kamag-aral -- magsisikap na maglahad ng mga karanasang may kaugnayan sa kinakaharap. Pangako sa aking bayan -- tutupdin ang tawag ng pangangailangan at patuloy na maglilingkod sa bayan. Nagsimula ako sa pagiging ako, lahat ng ito, gagawin ko.