1. Paano ako natututo?
Ako ay isang visual learner. Masasabi kong naiintindihan ko ang isang bagay kapag nakikita ko sa aking imahinasyon, nagagawan ko ng daloy ng proseso (process flow), at/o naisasapraktika ko ang relasyon ng mga konsepto o bagay. Masasabi ko rin na natuto ako kapag kaya ko nang isapraktika at kaya ko na ring ituro ito sa iba.
2. Sa palagay ko, paano natututo ang tao?
Sa palagay ko, natututo ang isang tao kapag nakikita niya ang halaga ang kaalaman sa kanyang buhay at naipapahayag niya sa kanyang sariling paraan ang mga konsepto, proseso, o pagbibigay kahulugan sa mga ito.
3. Paano ko papadaluyin ang pagkatuto ng tao?
Padadaluyin ko ang pagkatuto ng tao sa pamamagitan ng pagiging bukas sa mga ideya, paggiya sa pag-intindi sa mga konsepto, at pagbibigay ng puwang sa tao na mailahad sa sariling pamamaraan at maisapraktika ang mga kaalamang natutunan.
4. Ano'ng layunin mayroon ako para sa aking mga mag-aaral o kalahok ng palihan?
Layunin kong mag-ambag ng perspektiba sa mga gawain, halimbawa sa pagtanaw sa relasyon ng mga partikular na mga ideya sa proseso o nilalaman ng paksang pinag-uusapan.
5. Ano'ng layunin mayroon ako para sa aking mga mag-aaral o kalahok ng palihan?
Nagtuturo ako sa paraang ginagawa ko, na nagsisimula sa kung ano ang meron ang mag-aaral at pinapaunlad ito, dahil binibigyan ko ng espasyo ang mga mag-aaral na diskubrehin ang mga sagot sa mga katanungan, maranasan ang proseso ng pagtuklas, at magabayan sa kanilang pagtahak sa landas ng pagkatuto.
6. Paano ko isinasagawa at isinasabuhay ang mga paniniwalang ito sa pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan?
Isasagawa ko ito sa pamamagitan ng paglakip ng mga masining na aktibidad na magbibigay ng pagkakataon sa estudyante na i-explore ang mga posibilidad. Kapag hindi natatakot ang estudyante na magkamali, kapag naipapakita sa kanila ang konteksto ng gawain, mas magiging bukas sila sa pagtuklas, mas neengganyo sa pag-aaral at magiging sensitibo sa iba't ibang perspektiba.
7. Paano ko malalaman kung ang mga pamamaraang ginagamit ko ay sadyang epektibo?
Nalalaman ko na epektibo ang aking ginagawa kapag nakikita ko sa kanilang praktika ang mga inaasahang kilos o resulta, kapag naipapahayag nila sa kanilang sariling pamamaraan ang kahulugan ng mga konsepto, at nailalahad nila ang kanilang saloobin ukol sa kanilang ginawang aktibidad.
8. Ano ang mga layunin at naisin ko sa pang hinaharap upang ako ay mas umunlad pa at maging isang epektibong GURO?
Layunin kong pag-igihin pa sa aspetong paghahabi ng pananaliksik mula sa praktika ng mga naisasawang pagtuturo at pagpapalitaw mula rito ng mga makabuluhang aral, mga hamon, kahinaan, o suliraning hinarap upang mas umunlad at maging epektibong guro.
9. Ano’ng mga kaalaman at kakayahan pa ang kakailanganin ko at sa anong larangan pa ako maaaring umunlad at gumaling bilang GURO?
Kailangan kong matuto sa larangan ng pag-intindi sa sikolohiya ng mga batang mag-aaral at sa mga pamamaraan upang matulungan ang mga mag-aaral na nahihirapang magpokus sa aralin.
"A Continuous Catwalk"
I personally learn things by doing it and experiencing the step-by-step process of learning. Through constructive learning and "Learning by doing", i believe that other people can also learn effectively. This can be done by providing rich environment and learning opportunities for meaningful learning processes.
My goal to my students is to help them enjoy the learning experience and be critical and creative thinkers.
I currently teach the way I do now to promote a learner-friendly environment where the learning process will flow freely and inclusively. I can make it happen by integrating creative and critical practices in any way possible within my learning activities. I can make sure that these practices are working through a series of creative assessments and reflections applicable for these kind of learners
As a beginning and creative teacher my goal is to continuously engage myself with professional and personal developments available for continuous learning and self improvement.
Right now, I know that I needed to improve more my Classroom Management strategies and techniques and also my skills as not only a MAPEH teacher but also a SPA Theater mentor.
Teaching and Learning is a continuous process of interaction and learning together to improve both parties. It is a symbiotic relationship together and with the community.
1. How do I learn?
For me, nothing beats experience. I learn more by using my senses in applying new knowledge. It is easy to memorize everything, but memory retention is better when I have a first-hand experience to remind me of it, instead of simply storing information in my mind.
2. How do people learn?
I believe that most people prefer to learn the same way as I do. Learning by doing is an exceptional method to retain new knowledge, and we teachers strive to make opportunities for students to gain knowledge in this manner.
3. How do I facilitate that learning?
I always prioritize the needs of my students by thinking of activities that will motivate them to participate. I don't want my students to feel constrained in learning. Instead, I would like to provide opportunities for them to explore and discover without forcing them to.
4. What goals do I have for my students?
I'd like my students to learn not because they have to, but because they want to. I hope that they develop an innate desire to seek knowledge and use it as a way to become a better person and a productive citizen.
5. Why do I teach the way I do?
I teach this way because I know how important a teacher's role is in molding the personalities of their students. We are considered as their second parents, that's why we have a great responsibility in shaping and influencing their futures.
6. What do I do to implement these ideas about teaching and learning in the classroom or in my workshop?
Sometimes, even the most straightforward classes need creative methods to make learning more meaningful. Letting them experience and apply their newfound knowledge in different ways is what I hope to do in every class.
7. How do I know that they are working?
Assessment is one way to see if my methods and approaches are effective, but I think the best way to find out is if there is an effect on their attitude towards learning. If I see them exerting more effort because they really like what they're doing and they are motivated to participate in every class, then that's a positive sign for me.
8. What are my future goals for growth as a teacher?
As a teacher, learning never stops. This is why I will always be open to learning new things so I can gain more knowledge and experience that I can share with my students.
9. What are my needs and specific areas for improvements?
With the advent of technology, I hope to learn more on how to integrate the digital medium in teaching theater arts and research. The students are getting used to more advanced technology, and we have to keep up so we can use these mediums in our class.
Kapag nakikita ang ugnayan ng paksa sa totoong buhay mas madaling maunawaan ang halaga ng pinag-aaralan. Mas madaling damahin ang tunguhin ng pag-aaral kung naisasakonteksto sa bawat layunin ng pag-aaral. Dahil emphat akong tao, nagmumula lagi ako sa para sa saan, para kanino ang pag-aaral na ito. May maiiambag ba ako sa pag-aaral na ito. At sa aking karanasan bilang guro, lagi kong ipinadadama sa mga bata na ang bawat aralin ay para kanila. Inaalam ko ang bawat konteksto nila upang mailapit ko ang pagkatuto. Mula sa kanilang mga sari-sariling danas, doon ko inuuugat ang daloy ng mga aralain. Isinasama ko sila sa pagbuo ng kurikulum lalo na sa senior high. Sa workshop na ito mas nadagdagan ang kaalaman ko sa bagong pagdulot at lapit sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagbalanse ng pagkamalikhain at paggamit ng teknolohiya. Napagtibay din sa workshop ang pedagohiya ng pagkatuto mula sa karanasan at student centered learning. Malayang nailalahad ng mga saloobin na walang pangambang mapahiya. Higit lalo ang halaga ng pagninilay pagkatapos ng gawain. Dahil nasa mundo tayo ng kawalang katiyakan, ng mabilis na pagbabago at kaguluhan at kawalang katuturan, napakahalaga na bumabalik tayo sa pundasyon ng pag-aaral. Ito ay ang magpakatao. Na bawat kasanayang inihahanda sa mga mag-aaral ay patungo sa pag-angat ng buhay ng mga maliit. Nang pangangarap ng isang mundong makatarungan at maunlad. Kaya naman hamon talaga sa mga guro ang patuloy na maging bukas sa anumang pedagohiya sa pagtuturo. Mahalag din ngayon ang kolaborasyon ng bawat guro. Ang ambagan ng karunungan ay mahalaga sa paghinang ng kasanayan sa pagtuturo.
TEACHING STATEMENT:
Ang pagkatuto ay nag-uugat sa pagkalinga na may matibay na mga kasanayang humarap sa mapanghamong mundo tungo sa makatarungan at makataong mundo.
I want to highlight the last part of my past reflection, which is Effective Integration of “my learning.” Journey is one of it where we teachers, in order for us to accomplish success, sometimes we need to take a long journey, and we need essential things that we will bring in order for us to survive. That’s why I made a visual representation of it where I relate each objects and made it as symbolism.
Torch
The torch gives light to the path who has a dark view and it could be represented to the knowledge of a teacher that he/she shares to the students. I believe as a teacher, I have a principle that I follow and that is letting the students explore on their own to feed their minds full of curiosity. I believe my task is to be the facilitator of their learning, guide them whenever they’re having a hard time but I must not hinder them or build a one-sided form of learning. In this way, I can make sure that my students are learning because I believe students benefit most whenever they use their senses in their learning process. Also, even I let them explore freely, still I must still use assessment tools to gather information of what they have and what do they need in order for me to track. These assessment tools will not stay in a traditional form, hence, I will do my best to modify it according to the capability of my student.
Bag
The bag helps us carry the things that we need in our journey and this represents the other side of a teacher which is the teacher is also a student. Every teacher became a student, whether we like it or not. I spent four years of learning theories, laws, concepts, etc. that will help me formulate my teaching principle. Because of this principle, I came up with my prior goal for my students, to learn with ease. I want my students to learn and grasp new knowledge without having a hard time understanding it yet at the same time they’re having fun. I came up with this because I want to break the traditional way of learning because I’m a victim of it where we must learn in one way or else we will fail. I admit that I didn’t enjoy some parts of my journey when I was kid and it affected me as a teacher today. That is why I’m doing my best to adapt new things, learn it and apply it inside of my classroom by reading articles in the internet, attending seminars and workshops like this. Although sometimes I fail, still it’s learning process for me since it will be the one which will mold me into a better teacher. I take it slowly as I can, and step by step. In this way, I know that I’m learning, since I learn best through visual and when I’m doing it (kinesthetic). Moreover, I see to it that every time that I fail, I always look into another point of view and explore. Then when I see that students are having a positive result from their learning and their evaluation, that’s the time for me to say “Thank God it worked,” and move forward.
Person
All of us are human beings where I believe part of our nature is committing mistakes. We’re not perfect beings and I believe I still have to learn more. This is my second year of teaching and I need to expand my knowledge and learn more because learning is a continuous process. Like what I said above, I’m a teacher and a student, a student who need to study and grasp new concepts in this world since our world continues to evolve and we teachers, who are also explorers, need to discover things in our own. That’s why there are conferences, seminars, and workshops made for us teachers and our task is to attend. I believe as a teacher we must not stop our learning since the world didn’t stop rotating. This is also part of our growth as a teacher especially me who is a shy type teacher, sometimes I’m afraid of committing mistakes because of the judgement that I will gain. However, I need to remind myself, I’m a teacher and I’m an explorer so don’t be afraid, thus plunge in every opportunity that will knock in front of my door.
1. Paano ako natututo?
Masmabilis akong matuto kung nararanasan ko mismo ang mga activities.
2. Sa palagay ko, paano natututo ang tao?
Sa palagay ko ay masmarami ang natuto kung nararanasan nila first hand ang activities at naiiugnay nila ito sa pangaraw araw na pangyayari.
3. Paano ko papadaluyin ang pagkatuto ng tao?
Kung maraming oras ay maganda kung lahat ng lesson ay dadaan sa malikhaing proseso ng pagkatuto.
4. Ano'ng layunin mayroon ako para sa aking mga mag-aaral o kalahok ng palihan?
Ang gusto ko talaga na maranasan ng mga bata ay maging masaya sila habang natututo. Yung nanaisin nilang matuto dahil napukaw ang interes nila sa topic 'di lang dahil grades. Sa mga kasama sa palihan ay ganun din, matuto kami habang pinagdadaanan ang iba't ibang activities.
5. Ano'ng layunin mayroon ako para sa aking mga mag-aaral o kalahok ng palihan?
Nagtuturo ako sa ganitong paraan dahil naniniwala ako na mahalaga ang edukasyon lalo na kung ito ay naiuugnay o nagagamit mismo sa pangaraw araw. Mahalaga na kaya nilang ipaliwag o initindihan ang lesson gamit ang iba't ibang pamamaraan.
6. Paano ko isinasagawa at isinasabuhay ang mga paniniwalang ito sa pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan?
Dahil sa creative pedagogy madalas ay nagiisip ako ng iba pang activities bukod sa nasa module (science). Ginagawa namin na masmadalas silang gumagalaw at nagkakaroon ng interaksyon sa mga kaklase sa pamamagitan ng group activities.
Sa first grading ineexplore nila ang iba't ibang forms ng art na iniintegrate ko sa klase. Para pagdating ng fourth quarter alam ko na kung saan mahusay ang klase upang makagawa sila ng authentic and creative output.
At madalas ang bawat section ay may iba't ibang interes o hilig.
7. Paano ko malalaman kung ang mga pamamaraang ginagamit ko ay sadyang epektibo?
Madalas itong makita sa pamamagitan ng assessment sa mga bata, paggamit ng rubrics or kahit pen and paper test. Pero mahalaga rin na obserbahan ng guro ang paano binubuo ng mga bata ang kanilang mga task or gawain. Nag eenjoy ba sila, napukaw ba ang talento o pagiging malikhain nila, may tumatayo bang leader sa grupo?
Mahalaga rin kasi na di sila makulong sa procedures o pamamaraan ng pagbuo upang sila ay maging malikhain. At syempre, di dapat mawala nag focus sa content ng lesson.
8. Ano ang mga layunin at naisin ko sa pang hinaharap upang ako ay mas umunlad pa at maging isang epektibong GURO?
Siguro ay di pa future ang nasa isip ko ngayon kundi, itong kasalukuyan pa lamang.
Exposure sa iba't ibang pamamaraan upang makapagplano kung paano ko ituturo ng malikhain ang science at paano kami makakabuo ng production sa theater arts class.
9. Ano’ng mga kaalaman at kakayahan pa ang kakailanganin ko at sa anong larangan pa ako maaaring umunlad at gumaling bilang GURO?
Nakakachallenge ang pagbuo ng lesson plan sa pamamaraan na mahuhubog ang pagkamalikhain ng mga bata. Sa science madalas mas nagagamit ko ito bilang output or assessment. Ang kulang ako ay yung malikhaing proseso ng pagkatuto. Sa theater nagagawa ko na ito sa face to face kung paanong ang iba't ibang activity mula sa iba't ibang art form ay makakagawa kami ng pagtatanghal ngunit ngayon ay challenge sa amin ang online kung paano kami makakabuo at makakapagtanghal kung lahat ay limitado at ilan lamang ang may kakayanan.
As a Learner
I learn through my own experiences and from experiences of others; through sharing of thoughts and ideas, and things I can relate with or I’m interested with. I am also a visual and musical person so I believe I learn best through good visuals and music. I feel that people learn through daily life experiences and their own personal challenges, mistakes and struggles in life.
As a Teacher
I facilitate learning by giving my students chance to explore, find their interests, and their own learning styles: Visual, Auditory, Kinesthetic and Tactile (VAKT); Learning through things they can see, hear, move and touch/feel; Incorporating Sensory Integration activities, will help their brain connect with their body, thus help them in their daily life skills or functional skills. I encourage them to be respectful, understanding, helpful and compassionate of others, regardless of what appearance, age, color, language, culture or religion others have, especially their neurodiverse peers; to help them with this I explain to them and provide awareness of their different characters and actions. I always watch if bullying is happening and intervene right away.
My Goals for my Students
My goals for my students are for them to discover their interests, enjoy and never stop learning, even when they graduate from school. I also want them be aware and be a lifetime advocate of other kids who have special needs. Yearning for them to develop all the good values that they have learned and apply them to their own selves, their family/home and to their community; love and concern for the environment, their country and most of all have faith in God.
Why and How Do I Teach This Way?
Because I feel they learn best if the activities are developmentally appropriate. I try to look at their eye level, how may I understand their lead and their pace. Starting from what they are gathering what their strengths are, then slowly and carefully incorporating the needed goals for them; Observe, assess, collaborate with other professionals involving their condition and most especially involve parents or caregivers in the process. If my students are confidently and comfortably applying all the skills they have learned in their daily lives, then I know these are effective.
My Future Growth Goals as a Teacher
To continuously learn and grow more as a teacher, and as a person. To learn to find ways in making my mind and my body healthy so that I can be strong to face new challenges and continue on my calling. To hopefully inspire and influence others; and to study more on applying modern technologies in teaching. I think I also need to learn to manage my time, and improve more on organizing my thoughts and spontaneity in speaking in front of other people, and work more on my creativity.
My Teaching Statement
To create an Inclusive learning environment where everyone feel safe, loved and accepted.
Thank you Dear teachers/facilitators Ma'am Lea, Sir Norbs and Sir Erold for creating this course and bringing out the creative teacher and person in us. Most especially to my classmates! I believe in fate, and I believe that I saw PETA's workshop announcement FOR A REASON.
And now, whether Online or Offline, I dream to follow, explore and apply this reason FOR REAL.
GOD BLESS US ALL!
Bago ko sagutin ang mga tanong na ito, nakaramdam ako ng pagkabigla sa sarili ko. Bakit tila yata naging mahirap ang paghahanap ng mga sagot? “Hindi ako ito,” bulong ko sa sarili. Para bang naghahanap ng yaman o hiyas na kilalang-kilala ko na pero sa puntong ito’y bigla kong nawaglit sa alaala. Hindi ko kasi alam kung sasagot ako bilang gurong nasanay sa nakaraan o sa gurong naghahanda para sa bagong gawi. Kaya’t masasabi kong ang mga sagot ko sa mga katanungang ito ay mula sa gurong nasa pagitang espasyo; ng nakaraan at hinaharap. Sinikap kong dalumatin muli ang sarili at ito ang mga yamang kasagutang aking natuklasan.
1. Paano ako natututo?
Natututo ako sa mismong pagdanas ng mga aralin. Hindi ako natututo lang sa pagbabasa o pagkakabisa. Kailangan ko itong maramdaman at maranasan. Madali kong matutunan ang mga bagay na interesante para sa akin at kailangan namang paggugulan ng panahon ang mga bagay na medyo hindi malapit sa interes ko.
2. Sa palagay ko, paano natututo ang tao?
Kagaya rin ng paraan ko ng pagkatuto, kailangan din nila itong maranasan; lagyan ng aplikasyon at mula roon ay maramdaman nila ito at tunay na maunawaan. Bagaman malay ako na iba’t iba ang paraan ng pagkatuto ng mga tao, alam kong ang iisang pinakamabisang paraan pa rin ay ang pagdanas nito.
3. Paano ko papadaluyin ang pagkatuto ng tao?
Magbibigay ako ng tatlong mahalagang bahagi ng pagpapadaloy ko ng pagkatuto:
a. Kailangan munang maiparamdam sa mga tao/estudyante na masaya ang matuto. Hindi ito kailangang maging mabigat sa simula, kung mararamdaman nila na masaya ang pagkatutong ito, sila na mismo ang magbibigay ng kanilang sariling kalooban.
b. Susunod, kailangang maipaunawa ang kahalagahan ng mga tinatalakay sa klase. Kailangang makita at maisip nila ang kahalagahan nito sa kanilang pagkatao. Kailangang maisip nilang hindi sila mag-aaksaya ng panahon para rito at balang-araw ay magagamit din nila sa buhay.
c. Kailangang magdiskurso. Pagkatapos ituro ang mga aralin, kailangan naman itong kuwestyunin. Pagbibigay ito ng pagkakataon sa mga mag-aaral na sipatin pa ang karunungan, sagarin pa ang mga posibilidad. Pagbibigay-kapangyarihan din ito sa mga mag-aaral. Malay natin, baka mula rito ay may bago pang matuklasan.
4. Ano'ng layunin mayroon ako para sa aking mga mag-aaral o kalahok ng palihan?
Dahil ako ay nagtuturo ng sabjek na Filipino at nangangasiwa ng isang grupong pantanghalan ng isang unibersidad, ang lagi’t lagi kong layunin ay ang makapagpunla ng kaisipang kapaki-pakinabang sa tao, bayan, at Diyos. Upang sa ganoon, sila’y maging mas kritikal at patuloy na tuklasin ang katotohanan sa mga umiiral na diskurso sa lipunan. Layunin kong maging maalam ang mga mag-aaral sa pamamaraang hindi sila dinidiktahan subalit naigigiya ng tamang gabay.
5. Bakit ako nagtuturo sa ganitong paraan?
Ganito ako nagtuturo dahil sa ganitong paraan din ako nagkakainteres na matuto. Iniiwasan ko ang mga pamamaraan ng mga naging guro ko kung saan nawalan ako ng ganang matuto o wala talaga akong natutunan. Masasabi ko ring alam ko ang wika at pag-iisip ng mga mag-aaral sa bagong henerasyon.
6. Paano ko isinasagawa at isinasabuhay ang mga paniniwalang ito sa pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan?
Mag-iiba-iba siguro ang sagot ko rito, depende sa range o pang-unawa ng mga estudyante. Hindi iisa ang pamamaraan, kailangan ito i-modify paminsan-minsan. Kaya’t ang masasabi ko’y ‘guro’ ako kung titingnan subalit mas pagiging ‘facilitator’ ang aking ginagampanan. Tunog weird man pero ginagamit ko nang madalas ang ‘pakiramdam’ kung naaabot ko ba ang mga layunin ko.
7. Paano ko malalaman kung ang mga pamamaraang ginagamit ko ay sadyang epektibo?
Nalalaman ko kung epektibo ang mga pamamaraang ginagamit ko kung nagsisimula nang magtanong at mangilatis ang mga mag-aaral, kapag minsan nga’y sila na ang nagdidiskurso. Ayon naman ang pagkatuto, e, ang magbukas ng mga katanungan at magdiskurso kaysa sa pagkakabisa o ang makakuha lang ng mataas na grado sa mga pagsusulit. Isang bagay rin ‘yong nakikita mong may effort ang mga mag-aaral sa mga gawain sa klase – may pagpapahalaga silang ibinibigay.
8. Ano ang mga layunin at naisin ko sa pang hinaharap upang ako ay mas umunlad pa at maging isang epektibong GURO?
Bukod sa magkalisensya na’t makatapos sa masteral (haha), nais ko talagang makita ang mga naging mag-aaral ko na nasa tamang landas ang pag-iisip o nagkakaroon ng maliliit at malalaking tagumpay.
9. Ano’ng mga kaalaman at kakayahan pa ang kakailanganin ko at sa anong larangan pa ako maaaring umunlad at gumaling bilang GURO?
Simpleng sagot na lang para sa sarili, kailangan ko munang ma-regular sa trabaho. Sa pangkalahatan, na kung saan ay apektado rin naman ako, kailangan ding magbago ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Kailangang bigyang-kahalagahan talaga ng gobyerno ang pagpapaunlad ng ating edukasyon na matagal na nating hinahangad na mangyari. Kung hindi ito magaganap, patuloy pa rin tayong tatangayin ng sistema gaano man tayo katibay sa pagsalungat sa agos. Masaklap pero ‘yon ang kahanga-kahanga sa mga guro, patuloy pa ring umiiral sa ngalan ng propesyon at sinumpaang tungkulin.
1. Paano ako natututo?
Para sa mga taong gaya ko na masyadong maraming iniisip na bagay, mas natututo ako kapag may kamalayan ang lahat ng mga pangkaalamang pakultad na mayroon ako. Ibigsabihin kapag nagagamit ko ang lahat ng aking pangdama -- panlabas na pandama (paningin, pang-amoy, panglasa, pandama, pandinig) at panloob na pandama (gaya ng memorya at imahinasyon). Kung ganito ang paraan ng pagbigay ng kaalaman at aking tinanggap, mas nagiging makabuluhan para sa akin at hindi agad mawawala sa aking isip.
2. Sa palagay ko, paano natututo ang tao?
Iba-iba ang tao. Maraming paraan ang pagkuha nito ng impormasyon o kaalaman, mayroon mas natututo sa pakikinig lamang, may natututo gamit ang paningin, may tao na kailangang igalaw ang katawan at mayroon namang kailangan ang lahat. Ngunit hindi sapat ang lahat ng impormasyon na ito kung ang isip natin ay hindi sanay na kumuha ng buod o esensiya. Isa ito sa katangiang binigay ng Diyos sa tao. Makikita lamang ng tao ang esensiya ng mga umiiral kung humahanga, namamangha siya sa kagandahan ng mga bagay sa kaniyang paligid, nauunawaan na niya ang layunin ng pag-iral ng mga ito at ang kaugnayan ng mga ito sa kaniyang pag-unlad.
3. Paano ko papadaluyin ang pagkatuto ng tao?
Mahalaga sa isang guro ang may kalasag ng iba’t-ibang metodo sa pagsalin ng kaalaman sa kapwa. Bukod dito, mahalaga rin na siya mismo ay may pagmamahal sa pagtuturo at may pagmamahal sa tinuturuan. Kapag may pagmamahal kasi, mas nakikita ang halaga ng isang tao. Mas naibibigay ang kung anong mayroon ang sarili sa minamahal nang walang kondisyon o kapalit. Mapaglikha at mapagpasensiya ang pagmamahal kahit hindi madali ang pag-unlad ng minamahal. Kung ang isang guro ay mayroon nito, mas napapadaloy natin ang tunay na pagkatuto ng mag-aaral.
4. Ano'ng layunin mayroon ako para sa aking mga mag-aaral o kalahok ng palihan?
Matulungan ang mga mag-aaral na mahanap ang katotohanan at mapaunawa sa kanila ang iba’t-ibang pilosopiya at perspektibang umiiral sa buhay natin na ito. Sa madaling sabi, gusto ko maipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng pagkilala ng dignidad na mayroon ang tao.
5. Ano'ng layunin mayroon ako para sa aking mga mag-aaral o kalahok ng palihan?
Masyado nang magulo ang mundo. Hindi ko gusto na lumabas ang mag-aaral ko sa paaralan at makadagdag sa kaguluhang ito gawa ng hindi pagkakaunawaan. Hindi ako nasasapat sa edukasyon para tumalino, sa aking palagay ay mas kailangan ang edukasyon para ang tao ay magkapuso. Sabi nga sa kanta ni Richie D’ Horsie, “sa sobrang talino na ng tao, nakakalimutan na nilang magpakabuti.”
6. Paano ko isinasagawa at isinasabuhay ang mga paniniwalang ito sa pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan?
Paglabas sa mag-aaral sa tunay na mundo – mundong kay ganda na nagtatago sa ingay gawa ng pagkakaiba-iba. Mas malayo sa apat na sulok ng silid-aralan na kung saan nandoon ang kahon, kahon kung saan mas gusto natin magtago. Minsan nakakatakot rin ako na galugarin ang labas, maghanap ng mga posibilidad. Ngunit kung hindi susubukang gawin, walang pag-unlad na magaganap. Gayunpaman, ang maganda sa sitwasyon ng guro, may kasama ka sa pagkatuto, ang iyong mga mag-aaral.
7. Paano ko malalaman kung ang mga pamamaraang ginagamit ko ay sadyang epektibo?
Pag-uugali at mga iba’t-ibang pananaw umiikot ang Eduksyon sa Pagpapakatao. Malalaman kung epektibo ang pamamaraan, kapag ang aking mga mag-aaral ay nagkaroon ng boses at nakapagpapahayag sila ng kanilang mga nasa isip ng malaya at ito’y kanilang napangangatwiranan nang may paggalang sa iba pang pananaw.
8. Ano ang mga layunin at naisin ko sa pang hinaharap upang ako ay mas umunlad pa at maging isang epektibong GURO?
Mag-aral! Magpakadalubhasa pa lalo, hindi lang sa kaalaman pati na rin sa pagsasalin nito sa iba. Mag-explore! Sumubok, magkamali at sumubok pang muli. Hindi dapat tumigil at patuloy na magbigay ng inspirasyon sa mag-aaral.
9. Ano’ng mga kaalaman at kakayahan pa ang kakailanganin ko at sa anong larangan pa ako maaaring umunlad at gumaling bilang GURO?
Mapalawig pa ang kasanayan sa pamumuno. Ang pagbibigay ng inspirasyon ay hindi lang dapat sa mga mag-aaral kundi na rin sa mga kasamahan ko sa pagtuturo. Kung maraming guro akong mapahanga at mabigyan ng inspirasyon, mas maraming bata ang lalabas ng paaralan ng may laban sa pagharap sa buhay.
I grouped my insights into five main points:
Concept of Learning
I learn best when I can relate the concept with my own experiences, when examples are given to me, through modeling/ demonstrations and when I try it myself, and when there are effective visuals. People learn in different ways. I think people learn when they can connect knowledge to real-life situations. We learn when we experience and when our previous knowledge is challenged.
Concept of Teaching
I facilitate learning by allowing students to experience (e.g., giving hands-on experiences, using senses to explore). Since I’m teaching Kindergarten, modeling is also effective.
Goals for Students
My goals for my students are for them to develop love for learning even as they finish formal schooling, for them to develop their own habits for learning, to develop life skills and values.
Philosophy in Action
I teach the way I do because it is developmentally appropriate for my students. I set goals for the week, then think of how I can assess the students’ learning, and design learning experiences that can help my students to develop these knowledge, skills, and values. I think that these ideas are effective when I see that students are applying what they have learned and when they practice the values we instilled in them.
Future Goals for Growth
As a teacher, I intend to continue learning and growing professionally, to also grow personally so I can be stronger and be more confident about this mission, to prepare myself for the changes that are happening in education, to grow more on how I work with the parents, especially in giving immediate feedback. I hope to become a better decision-maker, to further hone my questioning skills in order to promote creativity and critical thinking, and to reflect more on my teaching practices.
Teaching Statement: To provide a positive learning environment where students are guided as they engage in authentic learning experiences.
1. Paano ako natututo?
Natututo ako kapag nararanasan ko ang isang bagay, lalo na kung ang pagkatuto ay ginagamitan ng iba’t ibang mga pandama o senses. Natututo din ako sa paraan ng modelling¸ na kung saan inoobserbahan ko ang isang bagay, sinusubukang gayahin at tsaka lilikha ng sariling akin.
2. Sa palagay ko, paano natututo ang tao?
Natututo ang tao sa paraan ng pagbibigay ng karanasan na labas sa apat na sulok ng silid-aralan at labas sa mga nakasulat sa libro. Natututo ang tao dahil nakakaranasan nila ito at nagagamitin nila ang mga karanasang upang mas mapalawig ang kaalaman nila bilang tao at bilang bahagi ng isang komunidad.
3. Paano ko papadaluyin ang pagkatuto ng tao?
Pinapadaloy ko ang pagkatuto ng tao nang naayon sa kanilang kontekto. Nilalapit ang mga aralin, mga diskusyon sa kanilang karanansan, partikular sa kanilang danas sa komunidad kung saan nila nabibilang.
4. Ano'ng layunin mayroon ako para sa aking mga mag-aaral o kalahok ng palihan?
Layunin ko para sa mag-aaral ay magamit nila ang mga natutuhan, hindi lamang para makakuha ng maganda at mataas na marka pero magamit ito sa mas malawak na lunsaran ng ideya, kuru-kuro, at diskurso.
5. Ano'ng layunin mayroon ako para sa aking mga mag-aaral o kalahok ng palihan?
Nagtuturo ako sa ganitong paraan dahil alam kong ito ang pinakamainam na paraan upang maintindihan kung saang konteksto nagmumula ang mga bata nang mas magabayan sa kanilang pag-unlad, hindi lamang sa personal bagkus pati na rin sa kabuoan.
6. Paano ko isinasagawa at isinasabuhay ang mga paniniwalang ito sa pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan?
Naisasabuhay ito sa paraan na ginagawa ko siya sa panloob bago ko mas ipakita sa panlabas. Maganda na naisasapraktika ang mga pansariling paniniwala mas maging totoo at bukal sa panlabas na aspekto.
7. Paano ko malalaman kung ang mga pamamaraang ginagamit ko ay sadyang epektibo?
Nakikita ko na epektibo ang pamamaarang ginagamit kung ito ay sumasalamin sa karanasan ng mga mag-aaral, kung nagtutuwa ba sila o natututo ba sila. Minsan, hindi kailangan ng mga mag-aaral ng sobrang galing na guro ngunit kailangan nila ng gurong may puso upang maintindihan ang kanilang iba’t ibang sitwasyon.
8. Ano ang mga layunin at naisin ko sa pang hinaharap upang ako ay mas umunlad pa at maging isang epektibong GURO?
Mas pagyabungin pa ang puso sa pagtuturo. Minsan, kahit na gaano kagaling ang isang guro, kung wala itong puso, hindi magiging makabuluhan ang karanasan. Nais ko pang mas yumabong ang karanasan ko bilang guro nang sa gayon ay maibahagi ko ito sa aking mga estudyante sa hinaharap.
9. Ano’ng mga kaalaman at kakayahan pa ang kakailanganin ko at sa anong larangan pa ako maaaring umunlad at gumaling bilang GURO?
Dahil isa akong nagsisimulang guro pa lang sa larangan natin, nais ko pang mas matutuhan ang lenggwahe ng mga mag-aaral. Sa pagtuturo, madali na lang ang paghahatid ng mga aralin dahil hinubog naman tayo ng pamantasan para rito. Ang pagsubok ay kung paano natin sila mas maiintindihan at kung paano sila magiging sentro ng edukasyon. Dagdag pa rito, nais ko pang masanay ang sarili sa pakikihalubilo sa kapwa-guro sa larangan. Nakikita ko na mas natututo din ako batay sa karanasan ng mga kapwa ko guro, kaya mainam na isa sila sa mga maaaring magbigay sa atin ng gabay sa tinatahak nating propesyon.
1. Paano ako natututo?
Natututo ako kapag nararanasan ko, kapag nag-hahands on ako, kapag pinanonood ko at pinakikinggan ko ang gagawin. Gamit ang aking senses mas natututo ako.
2. Sa palagay ko, paano natututo ang tao?
Natututo ang tao kung nararanan nila ang bagay-bagay. Sabi nga diba, experience is the best teacher.
3. Paano ko papadaluyin ang pagkatuto ng tao?
Padadaluyin ko ang pagkatuto ng mag-aaral ko sa pamamagitan ngiba't-ibang gawain na mailalabas ang kanilang natutuhan. Mahirap maging facilitator, dapat mabilis ka rin mag-isip paano mo pagtatagni-tagniin ang ginagawa ng mga bata.
4. Ano'ng layunin mayroon ako para sa aking mga mag-aaral o kalahok ng palihan?
Pangarap kong makakita ng maraming mag-aaaral na nagtatapos ng kurson may kinalaman sa arts, lalo na kung theater arts. Kaya lahat ng pwede ibigay, iparanas, ipakita, ipagawa na magpapanatili ng kanilang kagustuhan sa arts, ginagawa ko. Ang matututuhan nila ay mahalaga sa akin.
5. Ano'ng layunin mayroon ako para sa aking mga mag-aaral o kalahok ng palihan?
Nagtututro ako sa ganitong paraan dahil naniniwala ako na dahil ako ay guro, malaki ang gampanin ko sa pagkatuto ng mag-aaral. At sa paraan ko ng pagtuturo, ako rin ay natututo. Kasi sa learning, give and take naman palagi.
6. Paano ko isinasagawa at isinasabuhay ang mga paniniwalang ito sa pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan?
Pagpaparanas. Madalas ako mag take ng risk sa klase. Kasi alam ko na dun sila matututo eh.
7. Paano ko malalaman kung ang mga pamamaraang ginagamit ko ay sadyang epektibo?
Epektibo ung pamamaraan ko kung nakuha agad ng bata ung lesson at kung nag eenjoy sila. kasi kapag nag eenjoy ang bata mas madaling nananatili sa kanila ung pinag-aaralan.
8. Ano ang mga layunin at naisin ko sa pang hinaharap upang ako ay mas umunlad pa at maging isang epektibong GURO?
Patuloy pa na mag-aral, mag-EXPLORE. kasi alam ko na yung nalalaman ko ay hindi pa sapat. Patuloy na nagbabago ang panahon, nag mga bata. Kung hihinto ako sa pag-aaral ng mga bagay ay baka hindi na ako makasabay sa bilis ng pag-inog ng panahon. Hindi masama kahit umulit ka nang umulit, Tulad ng pag-enrol ko ulit ng creative ped. Natutuhan ko na ito, pero marami pa akong natututuhan. Kasi maituturing kong investment sa sarili ko lahat ng natututuhan ko eh. Higit na mayaman ang isang tao kung marami siyang natututuhan, at naibabahaging kaalaman.
9. Ano’ng mga kaalaman at kakayahan pa ang kakailanganin ko at sa anong larangan pa ako maaaring umunlad at gumaling bilang GURO?
Sa pagtuturo ko ng Filipino, alam kong kahit paano ay kaya ko naman na magturo nang maayos gamit ang theater, pero sa pagtuturo ng theater ako medyo naglo-look forward siguro. Ang hirap ituro ng theater online lalo na kung unginternet connection ng mga bata eh mahina. Kakailanganin kong matutuhan pa ang ilang paraan gamit ang mga online apps. Sa pag-aaral ko ng Creative Ped , mas nagbukas lalo isipan ko lalo na sa pagtuturo sa panahon ngayon. Ung mga lessons mo sa face to face kailangan lang hanapan ng way paano magiging creative gamit din ang online platforms. Ung content eh un na naman un, pero kung paano ituturo online, dun pa siguro ako nangangailangan ng pagkatuto. Pero marami na ako nakuhang magagamit sa pagtuturo ko sa darating ng Aug 24. salamat po Peta. :) labyu all!