Pilipino Muna

Sa ilalim ng pamumuno ni dating pangulong Carlos Garcia ay naipatupad ang Filipino First Policy o Pilipino Muna na may adhikaing maiahon ang bansa sa mga pinsalang idinulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dito, ipinaalala at ipinabatid na dapat nating ipakita ang pagpapahalaga sa sariling produkto, kultura, at iba pang aspeto ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino lalong-lalo na sa ekonomiya. Buhat sa pangalan ng polisiyang ito, ang Pilipino Muna ay naglayong isulong at bigyang prayoridad ang mga gawang Pinoy. Hinimok nito ang mga mamamayan na piliin ang sariling atin. Bukod pa dito, pinagyabong din sa kanyang pamumuno ang kultura na kung saan ay binigyan pagkilala ang mga dalubhasa sa siyensya, musika, kasaysayan, at pagsulat sa pamamagitan ng Republic Cultural Heritage Award.




Mga Sanggunian:

Carlos P. Garcia, Third State of the Nation Address, January 25, 1960. Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph/1960/01/25/carlos-p-garcia-third-state-of-the-nation-address-january-25-1960/.


Elaput.org (n.d.). Garcia: Austerity At Pilipino Muna. Retrieved from https://www.elaput.org/pinsmuna.htm.


The Filipino Moving Onward 4 (2007 ed.). Rex Bookstore, Inc. 2007. ISBN 978-9712341533. Retrieved from https://books.google.com.ph/books?id=0Fn_LqWzWrwC&vq=Filipino+first+policy+garcia&source=gbs_navlinks_s.