Accent #Noypi


Nag umpisang manaig ang salitang Ingles (English Language) sa bansa noong sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas noong 1898 hanggang 1946. Dito din nagsimulang maging parte ng mga sinasalitang lenggwahe ng mga Pilipino ang ingles. Magpahanggang ngayon, 70% ng ating populasyon ay ginagamit ito. Makikilala ito sa ibang klase ng pagbigkas sapagkat ang mga Pilipino ay likas na may diin ang bawat pagsasalita.


Kapag sinabing Ingles sa Pilipinas, may mga bilang na Pilipino na dito sinusukat ang talino ng isang tao kung siya ba ay matatas sa pag gamit nito na may tunog kanluranin. Madalas sa maririnig mo ay ang, "Ay, matalino yan ang galing mag English e maganda ang accent parang taga-ibang bansa" at dito nagkakaroon ng mentalidad ang kapwa nating mga Pilipino na para maging isang respetadong tao dapat tayo magkaroon ng parehong pagbigkas kagaya ng mga banyaga.


Nagkaroon ng diskriminasyon ukol sa usaping ito kagaya ng diabetes na binibigkas natin na "Jiyabetis", Video na "Bidyo", at iba pa na nakagawiang maging tampulan ng tukso ng kapwa nating pilipino.


Ito ay isa sa mga problema natin ngayon na kapag Filipino na pagbigkas ang ginamit mo habang nagsasalita ng ingles, pag-tatawanan ka at tutuksuhin sapagkat mababa at tila baduy ang tingin ng ibang tao dito. Ito ang dapat nating tanggalin sa ating mga isipan sapagkat ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan at kailan ma’y hindi ito isang kapintasan na dapat nating ikahiya o baguhin.


Sanggunian:

https://www.englishraven.com/how-many-percent-of-filipino-can-speak-english/#:~:text=Philippines%20has%20a%20high%20literacy,speaking%20countries%20in%20the%20world.