LODI!
Likas na sa ating mga pilipino ang pagiging mahahangain, lalo na kung ito'y bago lamang sa ating paningin at tunay na kamangha-mangha. Naging ugali na ng Pilipino ang pagtangkilik at makisabay sa mga ginagamit ng kanilang mga banyagang idolo at isang halimbawa na lamang dito ay ang Kpop o korean pop. Ito ay isa sa malaking ehemplo sa atin ngayong henerasyon na ito sapagkat halos lahat, mapa-bata, mapa-matanda, kabataan, magulang, tito, at tita ay nahuhumaling dito. Hindi lamang sa kanilang mga palabas na madalas ay talaga namang may kakaibang takbo, kundi sa mga artista o ika nga nila mga "Idols" o mga grupo na mula saSouth Korea o sa mas tinatawag nga nila ngayong "SoKor" na kinahuhumalingan ng ating henerasyon ngayon.
Tila naging malaki ang pagbabago na naidulot nito sa atin bilang Pilipino sapagkat maging ang kanilang pustura, pananamit, ayos, pagsasalita, at kultura ay atin na ring ginagaya. Dito na din pumapasok ang isyu na colonial mentality sapagkat sa labis na paghanga ay tila madalas na nating nakakalimutan ang sariling atin. Minsan pa nga ay "mababaw" o ginagawang katatawanan na lamang ang mga gawang Pinoy na kung saan ay hindi isang magandang epekto ng impluwensiyang ito. Gayunpaman, walang mali sa pag iidolo kung ito ay ginagawa nang tama at hindi natin nakakalimutang may sarili tayong pagkatao. Hindi natin dapat sila pilit ginagaya bagkus, maging inspirasyon lamang sila.