BAYAN
BAYAN
Allia Pauline Dualan at Carlos Matthew Danao
Pira-pirasong semento na lamang ang natira sa dating mga pamayanan sa Gaza—mga guhong nagsisilbing bakas ng buhay na minsang umiral sa mga tahanan nito. Makalipas ang dalawang taon mula nang sumiklab ang digmaan, umabot sa 223,000 tonelada ng bomba ang ibinagsak ng Israel sa Gaza, kasunod ng pag-atake ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7, 2023.
Jill Pauline Ferrer
NANANATILING NAKADIIN bilang isang tusong oportunidad para sa mamamayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pagtanggap sa mga ilegal na pag-alok sa mga trabaho o illegal recruitment. Bukod sa usapin ng etika sa pamamaraan ng pagrerekrut, nahaharap ang mga indibidwal na maaaring mahalina rito sa banta ng seguridad, legalidad, at lalong pananamantala sa kanilang mga karapatan.
Ziya Agulan, Adia Avendaño, at Jonathan Gutierrez Jr., at Kyla Mojares
PINUTOL ang mahigit 200 puno, kabilang ang mga 35 hanggang 40 taong gulang na Narra, sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Maynila upang bigyang-daan ang konstruksiyon ng Southern Access Link Expressway (SALEX) nitong Mayo. Ipinangangatuwiran ng mga nagpapatupad ng proyekto ang mas episyenteng daloy ng biyahe sa Metro Manila. Sa kabilang banda, kinahaharap naman ng mga residente ang agarang epekto ng pagkawala ng mga punong matagal nang nagsilbing panangga laban sa init, polusyon, at pagbaha.
Kyla Marie Advincula, Abbie Lorraine Alicante, at Mary Joy Nicole Manzano
PATULOY pa rin sa paghahanap ng hustisya ang mga pamilyang naulila makalipas ang sampung taon simula nang ikinasa ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang giyera kontra droga. Noong Marso 7, 2025, inaresto ng International Criminal Court (ICC) si Duterte kaugnay ng kaso laban sa sangkatauhan. Saklaw ng kaso ang mga alegasyong pagpatay na isinagawa sa pagitan ng Nobyembre 1, 2011 at Marso 16, 2019. Sa panahong ito, nagsilbi si Duterte bilang alkalde ng Davao bago naging pangulo ng Pilipinas.
Kyla Marie Advincula, Abbie Lorraine Alicante, at Mary Joy Nicole Manzano
PATULOY pa rin sa paghahanap ng hustisya ang mga pamilyang naulila makalipas ang sampung taon simula nang ikinasa ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang giyera kontra droga. Noong Marso 7, 2025, inaresto ng International Criminal Court (ICC) si Duterte kaugnay ng kaso laban sa sangkatauhan. Saklaw ng kaso ang mga alegasyong pagpatay na isinagawa sa pagitan ng Nobyembre 1, 2011 at Marso 16, 2019. Sa panahong ito, nagsilbi si Duterte bilang alkalde ng Davao bago naging pangulo ng Pilipinas.
Jovel Mae Escaño, Miguel Jae Asido, at Zedrick Roa
IGINIIT ng mga progresibong grupo ang paniningil ng katarungan para sa mga paglabag sa karapatang pantao noong Batas Militar bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon nito ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., Setyembre 21. Kasabay nito, nagmartsa ang hanay ng mga multisektoral na grupo mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola, dala ang sari-saring panawagan sa lansangan.
Abbie Lorraine Alicante, Kyla Mojares, at Merald Veracruz
NAKATAMBAK sa palibot ng Laguna de Bay ang bulto-bultong suliraning unti-unting nagpapalubha sa kalagayan ng lawa. Sa pinakahuling water-quality monitoring ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) para sa unang kuwarter ng 2026, pumasa ang lahat ng 16 na monitoring station sa lawa sa ilang pangunahing pamantayan sa kalidad ng tubig. Gayunman, hindi pumasa ang lahat ng istasyon sa pamantayan para sa phosphate, habang lumampas naman sa fecal coliform standard ang lahat ng nasuring tributary.
Adia Avendaño, Lian De Castro, at Jovel Escaño
Hindi lamang ilaw ang binubuhay ng kuryente—nakasalalay rito ang kabuhayan ng mga pamilya, ang pagpapatuloy ng maliliit na negosyo, at ang pang-araw-araw na galaw ng lipunan. Ngunit sa patuloy na pagtaas ng gastusin, unti-unting nagiging dagdag na bigat ang pangunahing pangangailangang itong pikit-matang pinapasan ng mga Pilipino.
Gwen Cabinbin, Jacqui Danielle De Gueño, at Gie Anne Disono
UMABOT sa 98 milyon ang gumagamit ng internet sa Pilipinas batay sa ulat ng Digital 2026: Philippines Report ng Meltwater at We Are Social. Kasabay ng patuloy na paglawak ng paggamit ng streaming, elektronikong transaksiyon, at artificial intelligence (AI), tumitindi rin ang pangangailangan sa mga impraestrukturang kayang tumugon sa lumalaking daloy ng datos at digital na serbisyo. Kabilang na sa mga impraestrukturang ito ang hyperscale data centers—malaki at malawak na pasilidad na idinisenyo para sa pagproseso at pag-imbak ng napakaraming datos, kasama ang mga gawaing nangangailangan ng mataas na kapasidad para sa AI at cloud services.
Ziya Agulan, Jonathan Gutierrez, Kyla Mojares, at Daniela Soto
INAASAHANG magsisilbing tulay ang Farm-to-Market Roads (FMR) sa mas mabilis na pagdadala ng ani mula bukid patungo sa pamilihan. Layon ng proyektong itong palakasin ang ugnayan ng produksiyong pang-agrikultura at mga pamilihan upang mapabuti ang kabuhayan sa mga kanayunan.
Batay sa National FMR Master Plan ng Department of Agriculture, tinatayang 131,411 kilometro ng FMR ang kinakailangan ng bansa upang ganap na maikonekta ang mga sakahan at pook pangisdaan sa mga pangunahing pamilihan. Sa kabila ng reporma at bilyong pisong pondong inilaan ng pamahalaan para sa mga naturang proyekto, patuloy pa ring naghihintay ang mga komunidad sa mga kalsadang matagal nang ipinangako.
CONTACT US
app@dlsu.edu.ph
(02) 524-4611 loc. 701
503 Bulwagang Br. Connon,
Pamantasang De La Salle,
2401 Taft Avenue, Maynila, PH