BUHAY AT KULTURA
BUHAY AT KULTURA
Franczeska Luna
Makalipas ang 50 taon, nagbalik sa lungsod na kanilang pinagmulan ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP). Mula sa isang diskusyon sa hapag-kainan ng Taza de Oro sa Malate, Manila noong 1976, isinilang ang isang mahalagang adhikaing pagyamanin ang pambansang kamalayan sa pelikulang sariling atin. Naging bunga nito ang pagkakaroon ng isang institusyong nagbibigay-parangal sa pelikulang Pilipino na siyang kinikilala ngayon bilang Gawad Urian.
Angela Denise Geronimo at Merald Veracruz
“Tumatanda ang tao pero ang takot hindi pala. . . Kapag sinabi nilang may aswang, ang ibig talaga nilang sabihin ay matakot ka.”
Isa ang aswang sa mga kinatatakutang nilalang ng mga Pilipino. May kakayahan itong magpanggap bilang tao sa umaga at magpakita ng mabangis na anyo sa pagsapit ng gabi. Ngunit sa kasalukuyan, lumalampas ang presensiya nito sa mga kuwentong-bayan at malayang naghahari-harian sa lipunan.
Jewel Christine Dataro, Kimberly Dela Cruz, at Ma. Antonio Rafaella Garcia
Gaya ng isang sanggol na inaaruga mula sa pagsilang, binibigyang-halaga rin ang bawat akdang dumaan sa mahabang proseso ng paglikha at paghubog mula sa mga manunulat at tagapaglathala. Sa bawat librong inilalathala, nananatili ang pag-asang makatagpo ito ng mga mambabasang magbibigay-buhay sa mga kuwento nitong dala.
Erica Baarde, Ysabelle Capile, at Denjie Mariot
Karangyaan na ang unahin ang kalusugan sa kasalukuyang realidad ng buhay. Ngunit sa pangmasang kainan, nananatiling abot-kaya ang masusustansiyang pagkain. Sa mga karinderya at turo-turo, bahagi na ng nakagawian ang pumili ng putahe, magbayad ng murang halaga, at namnamin ang lasa ng lutong-bahay. Kaliwa’t kanan, matatagpuan ang mga ito bilang pinagkukunan ng sapat na nutrisyong angkop sa karaniwang gawain ng mga Pilipino.
Franczeska Luna, Marie Salve Bonagua, El Panganiban, at Monica Juris Teodoro
Nagbabago ang mukha ng entablado sa isang iglap. Maaaring mabalutan ng bughaw, sinag na sumusunod sa isang tauhan, at aninong unti-unting kumakapal sa sulok ang dating payak na espasyo. Sa bawat paghinga ng palabas, may liwanag na sumasabay—sumisidhi, humihina, kumikislap, at muling lumulubog sa dilim.
Nagkalat sa aming harapan ang mga pindutan at slider na kailangang galawin sa tamang pagkakataon. Tahimik sa aming likuran ang mga manonood na hindi kailanman makikita ang mga kamay na nagmamaniobra sa dilim. Habang dumadaloy ang kuwento sa entablado, kailangan naming habulin ang bawat cue at tiyaking hindi mauudlot ang damdaming nais nitong ihatid.
Sheena Elize Laviña at Sophia Lorraine Castro
May mga kuwentong hindi nangangailangan ng malalaking tagpo upang maging makahulugan. Minsan, sapat na ang maiikling pag-uusap at tahimik na paggabay upang maipakita ang lalim ng isang ugnayan. Sa mga simpleng sandaling ito, unti-unting nahuhubog ang mga kuwentong nananatili.
Kabilang sa mga kuwentong ito ang samahang unang nabubuo sa loob ng tahanan. Bago pa man humarap ang isang tao sa mundo sa labas nito, may mga taong unang nagtuturo, umaalalay, at naniniwala sa kaniyang kakayahan. Sa paglipas ng panahon, maaaring magbago ang mga papel na kanilang ginagampanan, ngunit nananatili ang pundasyong kanilang binuo.
CONTACT US
app@dlsu.edu.ph
(02) 524-4611 loc. 701
503 Bulwagang Br. Connon,
Pamantasang De La Salle,
2401 Taft Avenue, Maynila, PH