Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Pamantasang De La Salle – Manila

Itinatag ang Ang Pahayagang Plaridel (APP) noong 1984 sa pangunguna ni Dr. Efren Abueg, six-time Palanca awardee at dating Philippine Studies Department Chair. Sa pagsisimula ng Pahayagan, isa sa pundasyon nito ang layuning mamulat ang pamayanang Lasalyano ukol sa paniniil ng administrasyong Marcos. Mula noon hanggang ngayon, nakaangkla ang APP sa layuning maghatid ng balita at magmulat, hindi lamang para sa mga Lasalyano kundi para sa masang Pilipino.

Sa ika-42 na taon nito, nananatili itong kritikal at kaisa sa pagpiglas para sa katotohanan.