Bilang mga huling gawain para sa termino, ilalaan ang panahong ito sa paggawa, kolaborasyon at konsultasyon ng mga estudyante. Bagkus, maliban sa simulang araw ng modyul, ay asynchronous ang mga gawain sa modyul. Binubuo ito ng dalawang importanteng gawain: ang una ay ang Recorded Video Podcast, kung saan pag-uusapan ng bawat pangkat ng masinsinan ang kanilang paksa na napili. Ito ay ang pinakamahalagang task sa ilalim ng Gawaing Pagganap. Ikalawa nama'y ang presentasyon ng Research Poster Presentation
Bagkus, sa pagtalakay sa modyul na ito, inaasahan na:
Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino.
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik.
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa isang sulatin.
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan ng bansa.
Nakalilikha ng isang malalimang diskusyon sa paraan ng podcast, kung saan masinsinang natatalakay ang mahahalagang paksa, at sinusuportahan ng pananaliksik.