Ang gawaing ito ay may dalawang bahagi: Ang Pangkatang Komponent (10%), at Indibidwal na Komponent (10%).
Sa Pangkatang Komponent ay tatalakayin sa synchronous meeting sa pamamagitan ng malayang talakayan ng pangkat. Ang iskor na dito ay iskor ng buong grupo. Tumatayo ito bilang Mahabang Pagsusulit.
10% ito ng pangkalahatang grado.
Panuto sa Pangkatang Komponent
Pagpapangkatin ang klase. Mas mainam kung ang Permanenteng Pangkat (para sa lahat ng Pangkatang Gawain) na binuo sa simula ng klase. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang itinakdang paksa mula sa lima sa ibaba:
Ang sitwasyon ng wikang Fillipino sa mga paaralan.
Ang ugnayan ng wika sa panlipunang kalagayan ng mga Pilipino.
Ang kahalgahan ng MTB-MLE mula sa multikultral na sitwasyon ng mga Pilipino.
Ang gamit ng wikang bernakular tungo sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino.
Ang wika bilang panlipunang pagkilala sa identidad ng mga Pilipino.
Sakaling higit sa limang grupo ang nabuo noong simula ng kurso, maaaring i-assign ang parehong paksa dalawang magkasunod na grupo.
Ang aktibidad na ito ay pagbabalik-tanaw sa mga talakayan na napag-usapan sa nakaraang dalawang modyul. Iuugnay ang nakaraang talakayan (noong nakaraang modyul) sa panonood ng mga youtube video sa ibaba. Dalawa dito ay mga excerpt mula sa dokyumentaryong "Don't English Me" ng iWitness, isang dokyumentaryo na hino-host ni Howie Severino, at ang ikatlong video naman ay panayam tungkol sa usaping Wikang Panturo. Siguraduhing masisipi ang lahat ng materyal na ito.
Bago magsimula ang Roundtable Discussion
Kinakailangang maghanda ng isang slide na Outline ang bawat pangkat. Maaaring magbukas ang guro ng isang open-access na Google Slide kung saan pwedeng ilagay ng bawat pangkat ang outline ng kanilang diskusyon. Siguruhing nakapaghanda ang mga pangkat ng outline bago magsimula ang RTD.
Sa Roundtable Discussion
Magiging malaya ang daloy ng talakayan ng bawat pangkat. Ifa-facilitate ito ng guro upang masiguro ang daloy ng diskusyon. Inaasahang makapagbibigay ng pahayag ang bawat kalahok sa pangkat. Bagkus bibigyan ang bawat pangkat ng 15-20 minuto upang magpresenta.
Habang nagtatalakay ang bawat pangkat, maaaring magbigay ng komento/kritisismo/katanungan ang mga estudyante mula sa ibang grupo; ang partisipasyon ng ibang estudyante ay idadagdag bilang bonus puntos sa kanilang Indibidwal na Komponent. Ilagay na lamang ang mga pahayag na ito sa Chatbox ng Zoom Meeting.
Ang Indibidwal na Komponent naman ay isusumite sa pamamagitan ng maigsing sanaysay. Iba ang magiging iskor ng kada indibidwal na miyembro sa grupo. Ang Pinal na iskor sa Awtput na ito ay ang pinagsamang iskor ng Pangkatan at ng Indibidwal na Komponent. Tumatayo ito bilang Sulatin.
10% ito ng pangkalahatang grado.
Panuto sa Indibidwal na Komponent
Pagnilayan ang tanong na ito: Ano ang direksyong patutunguhan ng Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino? Iugnay ang pagninilay na ito sa Itinakdang paksa ng pangkat na kinabibilangan. Mangyaring sipiin din ang mga nakaraang modyul, teksto at mga youtube video na ihinain.
Pormat ng Indibidwal na Komponent
Maglagay ng pamagat ng iyong sanaysay. Gumamit ng citation sa sanaysay na ito.
Maglagay ng wastong citation kung mayroong kinuhang ideya mula sa iba. Gumamit ng APA, MLA o Chicago citation style sa paglalagay ng in-text citation at sa pagbuo ng sanggunian.
Maglagay ng bibliyograpiya sa ibaba. Hindi kasama ang bibliyograpiya (pati ang pamagat) sa word count.
600-900 na salita.
Isumite bilang pdf file
8.5” x 11” na papel
1 pulgadang (1 inch) margin sa palibot.
12 font size, Arial
1.5 spacing
May Pangkalahatang Iskor na 20/20