Sa Ikalawang Yugto ng Termino, tutuon naman ang talakayan sa Komunikasyon. Mayroon itong dalawang Modyul na binubuo ng Mga Konseptong Pangkomunikasyon at Mga Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino. Sa modyul na ito tatalakayin ang pambungad sa paksa ng Komunikasyon kung saan tatalakayin ang mga Katangian, Antas, Uri at iba't ibang Teoretikal na Modelo, Sangkap at Proseso ng Komunikasyon.
Bagkus, sa pagtalakay sa modyul na ito, inaasahan na:
Nailalarawan ang katangian, antas at uri ng Komunikasyon
Nailalarawan at nauunawaan ang iba’t ibang Teoretikal Modelo ng Komunikasyon at naiaangkop ang mga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Bilang pambungad sa Konseptong Pangkomunikasyon, talakayin ang Powerpoint sa ibaba.
Bilang Talakayan, matatagpuan dito ang Powerpoint na Komunikasyon na ihinanda ni Prop. Emma Sison. Sa talakayan, kailangang alamin at unawain ng mga estudyante ang iba't ibang modelo ng Komunikasyon na tinalakay.
Ang aktibidad na ito ay by pair.
Pagkatapos ng talakayan bilang takdang aralin ay magkakaroon ng pair activity ang mga estudyante kung saan pipili sila ng kapareha ang mga estudyante at gagamitin ang napiling Modelo ng Komunikasyon na tinalakay upang bumuo ng isang diyalogo. Ang diyalogo ay hindi kailangang mahaba, 4-6 minuto lang ay sasapat na.
I-record ang diyalogo sa pamamagitan ng Zoom Meeting (camera on) at isubmit ang entry sa pamamagitan ng Canvas. Maaaring pumili mula sa paksa sa ibaba:
a. Isyung napapanahon
b. Karanasan sa online learning.
c. Kulturang umiiral sa komunidad sa panahon ng pandemic.
Pipili ang guro ng mga pinakamagandang diyalogo sa mga entry upang ipresenta sa klase.
Sa sunod na Powerpoint naman na ito, patungkol sa modelong SPEAKING ni Dell Hymes.
Ang Aktibidad na ito ay Indibidwal
Pagnilayan ang tanong na Paano mo isasabuhay ang S.P.E.A.K.I.N.G ni Dell Hymes? Maging espisipiko sa paglalapat sa sarili gamit ang sitwasyong pang-araw-araw (magbigay ng 3 halimbawa).
Isusumite ang takdang aralin sa Canvas.