Layuning mabigyan ng estudyante ng kahulugan ang mga Komunikatibong gamit ng Wika sa Lipunan, na ayon sa linggwistang si M.A.K. Halliday.
Tutukuyin ng estudyante sa diskusyon ang iba’t ibang gamit ng Wika sa Lipunan sa pamamagitan ng napanood na dokyumentaryong "Don't English Me"
Nakakapagsaliksik at tiyak na maykakayahang makatukoy ng mga paksang may kaugnayan sa sitwasyong pangwika sa lipunan.
Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay-halimbawa
Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay-halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan
Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng mga gamit ng wika sa lipunan