Sa kurso, marami sa mga Pangunahing Awtput ay mga Pangkatang Gawain. Kaukulang layunin din ng mga guro na sanayin ang mga estudyante sa Kolaborasyon at Teamwork. Bukod dito, ginawa ring pangkatan ang mga gawain upang makapagtulungan ang mga estudyante lalo't sa panahon ng pandemy't quarantine.
Bagkus inaasahan ang kolaborasyon ng bawat pangkat, at maipaunawa sa kanila ang kultura ng "walang iwanan" at pananagutan sa isa't isa.
Sa simula ng klase, inaasahang pagpapangkatin ng guro ang klase sa grupo na binubuo ng 5-6 na miyembro (hindi ito pwedeng humigit sa anim upang masiguro ang kooperasyon ng lahat ng miyembro).
Desisyon ng guro kung hahayaan niyang pumili ang mga estudyante ng kani-kanilang kapangkat, o kung ang guro mismo ang magtatakda ng bawat miyembro sa grupo.
Ang napag-usapang pangkat ay permanente at mananatili sa buong termino.
Ang bawat pangkat ay may representative na magbibigay ng apdeyt sa guro.
Tungkulin ng bawat miyembro sa grupo na makilahok, tumulong at mag-ambag sa mga pangkatang gawain ng klase.
Sa sitwasyong may isang miyembrong hindi tumutulong sa mga pangkatang gawain, dapat sabihan ang guro upang makausap ng guro ang buong grupo at makabuo ng desisyon
Ang desisyon ay maaaaring bigyan ng tungkulin ang kamiyembrong iyon, at o kamustahin. Last resort ang pagtatanggal sa miyembrong iyon at nakareserba kapag hindi na nagreresponde ang kamiyembro.
Mayroon tayong Peer Evaluation na isasagawa sa huling bahagi ng termino.
Naririto ang nilalaman ng Peer Evaluation. Bibigyan kayo ng guro ng downloadable copy nito sa Canvas.