Filipino Department

Sa Kagawaran ng Filipino ng Haluban National High School, aming layunin na linangin ang kahusayan sa wika at pag-unawa sa kulturang Pilipino. Sa pamamagitan ng panitikan, pagbasa, pagsulat, at komunikasyon, hinuhubog namin ang makabayang isipan at mapanuring mambabasa.

Ang asignaturang Filipino ay hindi lamang pagkatuto ng wika, kundi pagyakap din sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sama-sama nating pahalagahan, pagyamanin, at ipagmalaki ang ating wika at kultura.