ABSTRAK
Isa ang pagsasalin sa patuloy na umuusbong na disiplina sa bansa. Bawat isa sa atin ay kumokonsumo ng produktong salin. Mula sa mga naririnig nating balita sa umaga, mga binabasa o pinanonood natin sa social media hanggang sa mga tinututukan nating telenobela sa gabi. Kung kaya, hindi kataka-taka ang pagtaas ng demand sa mga tagapagsalin lalo na sa mga social media platform tulad ng Facebook at YouTube sapagkat mas naiuugnay ng mga ito ang kanilang nilalaman gamit ang wikang pamilyar sa partikular na grupo ng mga tao. Dito pumapasok ang pangangailangang magsalin. Sa ganitong paraan din inabot ng MagicBox Animation ang mga Pilipinong tagapanood, partikular na ang mga bata. Noong Oktubre 2018, inilunsad ng India-based media company ang MagicBox Filipino YouTube channel. Sa loob lamang ng halos pitong buwan, tumabo na sa 40,000 ang subscribers nito. Ang voice artist na si Hervie Autor ang Pilipinong kinuha ng MagicBox upang magsalin ng mga piyesa at magboses ng mga kuwentong pambata na ilalagay sa channel nito. Bagama’t walang pormal na karanasan sa pagsasalin, tinanggap ni Autor ang trabaho at sa kasalukuyan ay aabot na sa mahigit 40 ang kaniyang naisaling kuwentong pambata. Sa ganitong diwa, layon ng papel na ito na mailahad ang karanasan at problemang kinahaharap ng mga nagsisimulang tagasalin tulad ni Autor sa pamamagitan ng isang panayam.
Mga Susing Salita: MagicBox Filipino, Hervie Autor, Kuwentong Pambata, Pagsasalin, Dubbing
ABSTRACT
Translation is one of the country's constantly evolving disciplines. We all consume translation products. Every one of us consumes a translation product. From the news we hear in the morning to what we read or watch on social media, to the telenovelas we watch at night. As a result, it is not surprising that there is an increase in demand for translators, particularly on social media platforms like Facebook and YouTube, because they are more capable of conveying their content using a language that is accustomed to a specific group of people. This is where the need for translation is crucial. This is also how MagicBox Animation managed to reach out to Filipino viewers, particularly children. In October 2018, the India-based media company launched MagicBox Filipino YouTube channel. In just about seven months, its subscribers have grown to 40,000. Voice artist Hervie Autor is the Filipino hired by MagicBox to translate parts and voice children's stories to be put on its channel. Autor accepted the position despite lacking any professional translation experience, and she now has more than 40 translated children's stories to her credit. In this way, this essay aims to convey through an interview the experience and difficulties faced by beginning translators like Autor.
Keywords: MagicBox Filipino, Hervie Autor, children’s story, translation, dubbing