Ang SALIN Journal ay isang national refereed at peer reviewed na journal ng mga akdang salin, malikhaing salin o adaptasyon, at mga iskolarling artikulong tumatalakay sa pagsasalin. Nilalayon nitong itampok ang pagsasalin bilang isang disiplinang multi at interdisiplinaryo, at isang mahalagang proseso sa pagsusulong ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Inililimbag ito ng Propesyonal na Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin, Inc. (PATAS) dalawang beses sa loob ng isang taon.

Ang mga papel (riserts, salin, akda, rebyu) ay kailangang nakasulat sa Filipino. Kailangang hindi pa nailalathala o naisumite para sa konsiderasyon sa ibang publikasyon o journal ang mga papel na ipapasa para rito. Isang 200-250 salitang abstrak at limang susing salita, kapwa nasa wikang Filipino at Ingles, ang hinihiling na kalakip sa papel na may 5,000 hanggang 7,000 salita (20-40 pahina). Ang papel ay kailangang kompyuterisado at may isang pulgadang palugit sa lahat ng gilid, doble-espasyo, gamit ang font na EB Garamond at may laking 12-puntos, at maayos na naidokumento gamit ang MLA Ninth Edition.

Anumang pagkakakilanlan sa identidad ng awtor ay kailangang wala sa manuskrito. Sumulat din ng isa hanggang dalawang talatang bio-note para sa pagkakakilanlan ng may-akda. Para sa mga materyal na isasalin, kinakailangag maglakip ng isang talatang talakay tungkol sa orihinal na may-akda at isa hanggang dalawang talatang talakay naman tungkol sa kahalagahan ng materyal na isinalin, at sa proseso ng pagsasalin. Ipadala ang papel sa salinjournal1@gmail.com. Ang lahat ng papel ay daraan sa prosesong double blind review. Padadalhan ang tagasalin ng liham tungkol sa magiging pasya sa ipinasang papel.

Ang paghingi ng pahintulot sa awtor ng akdang isinalin ay kailangang isagawa ng tagasalin bago ipasa ang papel sa Salin Journal.