Pangkalahatang gabay para sa lahat ng sabmisyon sa SALIN Journal:

  • Kompyuterisado, doble espasyo, at may tig-isang pulgadang palugit sa magkabilang gilid

  • Isumite rin ang pahintulot ng awtor ng simulaang teksto o kung sino ang may kaukulang may hawak ng copyright ng akda

  • I-collate ang mga nabanggit na kahingian sa isang .doc o .docx attachment na may file name alinsunod sa pormat na: apelyido ng tagasalin_apelyido ng may-akda_simulaang teksto_genre.doc (halimbawa: Batnag_Caroll_Alice in Wonderland_katha.doc)

  • Ipadala sa email na salinjournal1@gmail.com

  • Tiyaking ang paksa o subject ng inyong email ay SALIN_AMBAG, pangalan ng tagasalin, pangalan ng awtor (halimbawa: SALIN_AMBAG-Aurora Batnag, Lewis Caroll)

  • Lahat ng mga isusumiteng ambag na salin ay daraan sa prosesong double blind peer review

  • Siguruhing nasunod ang mga nabanggit na kahingian upang maikonsidera para sa publikasyon ng Salin journal ang inyong mga isusumiteng ambag na salin


Saliksik-salin:


  • Ang mga isusumiteng saliksik-salin ay kinakailangang hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon

  • Tiyaking nakaayon sa MLA 9th Edition ang dokumentasyon ng mga ginamit na sipi at sanggunian

  • Maglaan ng 200-250 salitang abstrak, limang susing salita, at pamagat na kapwa nasa wikang Filipino at Ingles

  • Tiyaking nasa 5000-7000 salita (20-40 pahina), naka-EB Garamond, 12 points ang sukat

  • Lakipan ng 50-100 salitang bionote ng mananaliksik


Akdang-salin:

  • Isabmit kapwa ang simulaang teksto (orihinal) at ang tunguhang teksto (salin) sa isang format na madaling i-copy-paste (huwag naka-pdf)

  • Ilakip ang 50-100 salitang bionote ng awtor ng simulaang teksto at tunguhang teksto; kung gumamit ng tulay na wika, ilakip rin ang kanyang bionote

  • Maglaan ng tatlong talatang talakay tungkol sa proseso ng isinagawang pagsasalin; gayundin ng dalawang talatang tala tungkol sa kahalagahan ng materyal na isinalin


Likhang-salin:

  • Para sa mga saling biswal pang-media (ang mga larawan o litrato ay kinakailangang hindi bababa sa 1000 x 1000 pixels sa sukat, at 72 dpi resolution

  • Tiyaking may laang paliwanag o paglalarawan sa materyal o simulaang tekstong nagsilbing inspirasyon sa pagtutumbas ng isinumiteng koleksiyon ng mga likhang-akda

  • Isabmit ang mga litrato o scan ng media na naka-.jpg format na may file name alinsunod sa pormat na pangalan ng artist_pamagat ng piyesa.jpg (halimbawa: Batnag_Baraha.jpg) sa salinjournal1@gmail.com

  • Tiyaking ang paksa o subject ng inyong email ay ayon sa LIKHA_AMBAG-pangalan ng artist, pamagat ng piyesa, materyal (halimbawa: LIKHA_AMBAG-Aurora Batnag, Baraha, Acrylic sa canvass)

  • Sakaling mapipili ang inyong likhang-salin, hihiling kami ng isang natatanging imahe na maaaring ilakip sa bawat piyesa-kalimitang 12 imahe sa kabuuan. Layunin namin na makabuo ng harmonisadong koleksiyon ng mga imaheng magtatampok sa diwa ng bawat ambag na salin.